Peter's POV
Nagpunta na ulit kami sa office niya. "Pwede rin namang may nagcocontroll sakanya pero sino at paano? Ni wala pa nga ata silang nadedetect na may chip or something sa loob ng katawan niya e." Sabi ni Jerome habang pilit na iniisip kung sino yung pwedeng nagcocontroll sakanila.
"Yun nga. Kaya nga siya nasa isolation room diba? Para obserbahan. Kamusta na ba yung kondisyon ni Rica?" Tanong ko sakanya habang siya ay palakad lakad nanaman sa loob ng office niya. Nakakahilo.
"Tulog pa rin ata. Hindi ko alam. Teka, tatawag ako sa isolation office." Sabi niya at tumawag na nga siya sa Isolation.
"Hello. This is Head Officer speaking..... Gising na ba si Rica Salvador, yung dinala diyan kaninang umaga lang..... Oo siya nga..... Ok sige." Sabi niya tapos binaba na niya.
"O anong sabi?" Tanong ko agad.
"Pupunta daw dito yung isang tauhan niya para magreport sa status ni Rica." Sabi ni Jerome. Maghihintay pa pala kami. Hays. Nakakatanga maghintay.
"Ah. Bakit ka nga pala umiiyak kanina? Ang gay ng dating sakin tsaka hindi naman kayo close ni KZ. Mas malala pa iyak mo kaysa sa akin." Tanong ko sakanya. Bakit ba? Naiintriga ako.
"Gago. Naalala ko kasi yung nangyari sa asawa ko, wala akong nagawa para mailigtas ko siya nung nakatira pa kami noon sa number village. Tapos ngayon, wala rin akong nagawa para itigil yung patayang nagaganap doon. Namatayan ka pa ng future step-child." Kwento ni Jerome.
Kaya pala. "Sorry to hear that." Sabi ko sakanya. Hindi pa siguro 'to nakakamove on sa nangyari dati sakanya, sa pamilya niya.
"Okay lang. Wala naman na akong mababago... Andyan na ata siya?" Pag-iiba ni Jerome ng topic. Binuksan agad ni Jerome yung pinto para maitago niya yung mga luha niya.
Pumasok na yung reporter ng isolation department sa office niya.
"So anong balita?" Tanong ko agad sakanya. Humarap na ako sa direksyon niya.
"Gising na siya. Sad to say, wala siyang maalala. Nagkatemporary amnesia siya dahil sa lakas ng impact na tumama sa ulo niya. Maswerte pa nga siyang temporary lang pero malaki ang chance na maging permanent ito kapag napabayaan. Wala rin kaming nakitang tracker o kahit ano pa mang chip sa katawan niya nung iniscan namin siya. Nailipat na namin siya ngayon sa recovery room at kasalukuyang sumasailalim sa Memory Lost Treatment." Report niya sa amin.
"Ganun ba? Sige salamat. Kamusta si Zia? Ano nang nangyayari sakanya?" Tanong ko ulit.
"Tulala tapos iyak lang siya ng iyak nung tinignan ko siya kanina bago ako pumunta dito." Sabi nung Reporter sa amin.
"Ok sige salamat. Pwede ka ng makaalis." Sabi ko at umalis na yung reporter. "Wala rin pala tayong mapapala kay Rica. Wala siyang naaalala. Hindi natin siya pwedeng pigain. Mahirap na ding paniwalaan si Zia." Dagdag ko pa.
"Wala ring magsasalita kung magtatanong tayo sa mga nakatira sa Number Village." Sabi ni Jerome. Umupo na ulit siya sa upuan niya.
"Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sayo. Naalala mo yung family massacre? Isang araw bago sila mamatay, tinanong ko yung matandang lalaki kung bakit ayaw nilang lapitan yung bangkay. Ang sagot lang niya 'Ayaw niyang madamay' Tapos kinabukasan patay na sila." Kwento ko sakanya pero alam ko nabanggit ko na 'to sakanya hindi ko lang nasabi na sila nga yung tinutukoy ko noon.
"ANO? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?" Galit na sigaw ni Jerome. Aba nagalit.
"PAANO KO SASABIHIN SAYO E SA TUWING SUSUBUKAN KONG SABIHIN SAYO, NAKAKAKITA AKO NG ISANG MATANDANG BABAENG NASA 40'S NA NAKATINGIN SA AKIN." Sigaw ko pabalik. Oo. Palagi ko siyang nakikita. Lalo na kapag nirereport ko sakanya yung patayan. Nakatitig siya sa akin. "Siya rin yung babaeng nag-utos na habulin ako ng villagers na wala sa katinuan." Namukhaan ko siya dahil sa buhok niya.
"Anong sabi mo? Ibig sabihin? Siya yung matandang babae na lumabas sa Lim Mansion na pumupugot ng ulo?" Gulat na tanong ni Jerome. Paano niya nalaman? Ay oo nga pala nakatira din pala sila sa dati sa number village.
"Oo siya nga." Sagot ko sakanya.
Biglang nagkalkal si Jerome sa mga file cabinets niya. May kinuha siyang folder. Puro pictures. Nilatag niya lahat ng pictures ng mga babaeng nasa 40's. 20 pictures din ang nasa table.
"Naalala mo pa ba yung mukha nung babaeng sinasabi mo?" Tanong ni Jerome sa akin.
"Oo. Tandang-tanda ko pa bawat sulok ng mukha niya." Sagot ko naman. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng sumira sa buhay ng babaeng pinakamamahal ko.
"Hanapin mo nga kung nandito yung babaeng sinasabi mo." Utos ni Jerome. Edi tatayo ako? Aba gago.
Kahit may tama yung kaliwang hita ko at yung tyan ko pinilit kong tumayo gamit ang kanang paa ko. Nakasupport naman yung mga kamay ko sa table. Nilibot na ng mga mata ko yung mga pictures sa table. Nung una wala akong makilala hanggang sa makakita ako nang babaeng may itim na buhok, kagaya ng babaeng nakikita ko. Kamukhang-kamukha niya. Sigurado na akong ito nga yon. Siya nga. Kinuha ko yung picture at binigay kay Jerome. "Siya."
Napaupo si Jerome sa sobrang gulat. "Jerome... Bakit? Anong nangyari sayo?"
"Siya... siya ang traydor na assistant ni Former Big Boss Paul Lim. Ang anak ni Philip Lim. Ang transgender na 'to. Nagpalit siya ng gender para makasama si Lady 360. Hindi pa pala siya patay? Kaya pala sobrang hirap alamin kung sinong nasa likod ng mga patayan." Kwento ni Jerome sa akin.
"Sino ba yan?" Tanong ko. Siya ba yung Assistant 18?
"Siya si Gwendelyn Rocha o mas kilala bilang Assistant 18. Si Former Big Boss Paul Lim ang nagtrain sakanya kaya marami siyang alam tungkol sa mga technology. Ang akala talaga ng lahat patay na siya. Pinatay kasi siya sa mismong kasal ni Lady 360 at Chief 900. Alam na kaya 'to ni Ms. Theresa?" Sabi niya. Ngayon ko lang nakita si Jerome na sobrang takot.
Biglang nagring yung phone ko. Sinagot ko naman agad, naka-hangeul yung name kaya for sure si Dad or Pau or si Tita Jeyn yon.
[ Oppa (Kuya). You're aware that today is my graduation day right? ] Pau? AY SHIT. Oo nga pala! Nagtext nga pala siya sa akin kagabi hindi ko naalala. Kaya ba siya nangingiyak ngayon?
"Oh look. I'm really really sorry. You know how busy I am right ---"
[ Oppa (Kuya)..... Appa's (Dad's) dead. ] 0_0
---
2 UPDATES IN ONE DAY HAHAHAHA YEHET!!! FEEDBACKS HA? FEEL FREE TO COMMENT :---)
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...