Stacey Morris on the right -->
Peter's POV
"Zia. I am so sorry for what happened a while ago." Pagsosorry ko sakanya. Nakakaasar na kasi ugali ni Angelique. Hindi naman kami at hindi naging kami at mas lalong hindi magiging kami. Sunod nang sunod sakin, nakakabanas.
Nandito na kami sa kotse ko at papunta na kami sa bahay niya. Nananahimik siya, halatang badtrip.
*sighs* "It's okay. I know her actions a while ago was beyond your control." Sabi ni Zia. Imbis na problemahin niya yun pinatype ko na lang sakanya yung address niya sa GPS. Hinatak ko na siya kanina bago pa siya masaktan ni Angelique baka kasi mamaya gumawa nanaman silang dalawa ng eksena. Nakakahiya na. Ayokong masabihan si Zia na warfreak. Okay lang kung si Angelique pero wag lang si Zia.
"About dun sa sinabi ni Angelique na pinagpalit mo daw ako sakanya?" Curious na tanong ni Zia sa akin. Oh? Anong meron dun? Iniisip mo bang kami? Ugh. Hindi nga.
"Bakit? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, kunwari hindi ko gets. Hindi ko alam kung anong gustong ipalabas ni Zia pero may hula ako.
"Alam mo na.... naging kayo ba?" Tanong ni Zia. Hindi siya nakatingin sa akin nung tinanong niya yon. ANO? YAN PALA YUNG GUSTO MONG SABIHIN SA AKIN?! SABI NA E. HINDI NAGING KAMI! Hindi ako pumapatol sa malalandi.
"HELL NO!" Sigaw ko. Aish. Napasigaw tuloy ako. Tinignan ko siya. Nasilip ko sa likod ng mga buhok niya na nakangiti siya pero ayokong umasa. "Alam mo naman standards ko diba? Maganda, Mabait at Interesting ni isa don wala si Angelique dahil ang lahat ng yon nakikita ko ..." sayo. BAKIT KO BA INIISIP YAN. BUTI NAPIGILAN KO SARILI KO.
"Kanino?" Tanong ni Zia sa akin. Ngayon, nakatingin na siya sa mga mata ko. Ang ganda niya. Aish.
"W-Wala." Palusot ko at umiwas ako ng tingin sakanya. Naiilang ako.
"M-May mali ba? Bakit ayaw mong sabihin? Bat nauutal ka? Bakit... hindi ka nakatingin sa akin?" Sunod sunod na tanong ni Zia. SHIT KASI MUNTIK NA AKO DUN. BUTI NA LANG.
"Wala lang. Wag mo ng isipin yun. Kalimutan mo na lang yun. Ano saan ka ba?" Pag-iiba ko ng topic. Nakakakaba naman 'to.
"Ah... diyan na lang sa likod ng van na yan." Sabi ni Zia sabay turo. Ang cute niya tumuro OH SHIT.
Muntik ko nang mabangga yung van. Muntik na. Napatingin kami ni Zia sa isa't isa atsaka natawa kaming dalawa. Ano ba kasi 'tong iniisip ko e. Muntik na tuloy akong makabangga. Pinark ko na yung car ko dun sa harap ng bahay ni Zia. So... ito yung bahay niya ngayon? Hmm... malaki na para sakanilang tatlo ng anak at bestfriend niya.
"Ano? Diyan ka lang? Ayaw mong pumasok?" Nakangiting sabi ni Zia. Ay! Napahiya pa tuloy ako. Badtrip. Ayoko pa namang napapahiya.
"S-Sabi ko nga." Nakangiti kong sagot at bumaba na.
Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Zia. Umupo ako sa sala nila. Naligo naman na agad siya 8:25 na kasi. Sana hindi 'to kasing tagal maligo ni Pau. Oo nga pala si Pau. Kamusta na kaya yon? Hindi naman kasi ako makapagonline kasi busy rin. 8:30 na pero hindi pa rin siya lumalabas hula ko mala-Pau nga maligo 'to. Ang tagal niya kaya naglibot na lang muna ako sa sala niya. Tinignan ko yung mga private frames na nakadisplay. Nakita ko yung mga stolen pictures nila nung asawa niya. May itsura naman pero mas pogi ako kaysa dito. HQ yung mga pictures kaya magandang tignan. Siguro kung hindi 'to HD pangit 'tong lalaki. Nakita ko din yung family picture nila. Baby pa dito yung anak ni Zia, si KZ ba yon. Kinuha ko yung stolen pic ni Zia na buntis siya tapos nakahiga sila ng asawa niya sa duyan. Ang ganda ni Zia pero naiinis ako dun sa asawa niya. Hindi ko alam kung bakit pero may mabigat sa dibdib ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko hindi ko alam kung ano yun. "Peter?" Oh shit. Muntik ko pang mahulog yung picture frame sa sobrang gulat.
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...