TC32

205 9 0
                                    

Zia's POV

Ikinuwento nila sa akin na tuwing naghahating-gabi daw ay tumatayo ako at nakatitig lang sa may labas. Tapos nung nangred daw yung buwan ay nawala daw ako sa sarili ko pati na rin yung mga taong nakatira sa Number Village. Kinuwento rin nila yung buong nangyari nung gabing iyon. Nagulat talaga ako sa kinukwento nila. Hindi ko kasi expect na naging ganun ako? Ako ba talaga yon?! "Ibig sabihin, hindi lang pala ako ang kinocontrol nila pati na rin pala lahat ng tao sa number village?" Tanong ko sakanila.

"Oo, tama ka." Sagot ni Peter sa akin.

"P-Pakidala niyo na lang ako kay Rica." Request ko. Sobrang nag-aalala na kasi ako sakanya, okay lang kaya siya?

Inalalayan nila ako sa pagtayo at dinala na nga nila ako sa kabilang room. Pumasok kami at nakita ko siya. Kumakain. Hay salamat at buhay ka. 

"Rica!" Masaya kong tawag sabay lapit sakanya. Inaalalayan ako ni Jerome.

"Rica? Sinong Rica?" Nagtataka niyang tanong. Ha? A-Anong pagloloko nanaman ang ginagawa nito? Anong trip nito?

"H-Hindi mo kilala sarili mo? Rica wag ka ngang nagbibiro ng ganyan." Biro kong sabi sakanya. Pero kasi parang iba yung biro niya ngayon... parang totoo?

"Hindi naman ako nagbibiro. Sino ba si Rica? Ako ba si Rica?" Tanong niya sabay turo sa sarili niya.

"Nurse. Anong nangyari sakanya? Hindi pa ba bumabalik?" Tanong ni Jerome sa nurse na kasalukuyang pinapakain si Rica.

"Hindi pa po Sir. Dahil po ito sa lakas ng impact ng pagpalo sa ulo niya. Wag kayong mag-alala, mga names lang at ilang details sa buhay niya ang nakalimutan niya. Binibigyan namin siya ng recovery pills para mas mapabilis ang pag-alala niya sa mga bagay na nakalimutan niya." Sabi sa amin nung nurse. "Maiwan ko po muna kayo. Pindutin mo na lang yang gray na button kapag may kailangan ka ha?" Sabi nung nurse at tumango lang si Rica. Llumabas na yung nurse sa room.

"Rica..." Naiiyak kong tawag sakanya atsaka siya niyakap

"Sino ba kasi ako? Bakit ba Rica ka ng Rica? Ako ba si Rica?" Inosente niyang tanong sa akin. Nawala na yung pagkabakla ng boses niya. Para talaga siyang babae.

"Oo. Rica Salvador ang pangalan mo. Transgender ka. 28 years old ka na. February 12 ang birthday mo. Namatay ang mga magulang mo nung mag-16th birthday ka." Kwento ko sakanya habang hawak hawak ang kanyang mga kamay.

"Talaga? Kung ganun... sino ka naman?" Tanong ni Rica sa akin.

"Ako si Zianell B--"

"Rica. Siya si Zianell, ang bestfriend mo." Pagpuputol sa akin ni Jerome. Problema nito? Bakit kailangan putulin yung sasabihin ko. Napatingin ako sakanya pero kinindatan niya lang ako. May pinagtatakpan ba siya sa pagkatao ko? Anong meron? Hindi ko maintindihan. Bakit niya ako kinindatan? "Ako nga pala si Jerome Ferrer. Ang head officer dito sa compan na 'to at siya naman si Peter Axlerod, isang top agent." Pakilala ni Jerome. Anong nakain nito? Dapat kasi magpapakilala na si Peter ang kaso siya nagsalita.

Biglang napahawak si Rica sa ulo niya. May naalala na kaya siya? Sana meron na. "M-Mukhang pagod na si Rica. Sige, Rica magpahinga ka na muna dyan ha? Huwag mong pwersahin ang sarili mo sa pag-alala sa mga bagay-bagay." Sabi ni Jerome kay Rica. Sumunod naman si Rica. "Tara na." Utos ni Jerome. Sumunod na lang kami tapos lumabas na din kaming tatlo.

"Magpahinga ka." Habol kong sabi sakanya bago kami tuluyang lumabas.

Nasa labas na kami ngayon. "Peter. 7 AM na pala. Gisingin mo na si Pau. Start na ng training niya." Utos ni Jerome. Pau? Sinong Pau? 

"Sino si Pau?" Tanong ko kay Peter. Babae niya kaya yun? Girlfriend niya? Aish.

"Kapatid ko siya, Zia." Sabi ni Peter sa akin at ningitian ako. Alam niya kayang nagselos ako? Aish. Nakakahiya. "Osige. Paano si Zia?" Tanong ni Peter. Wag mo sabihing iiwan mo ako sakanya? Peter kunin mo ako sa lalaking ito. May mali sakanya jusko.

"Ako ng bahala sakanya." Seryosong sagot ni Jerome sabay tingin sa akin. 

"O-Ok? Ingatan mo siya." Paalala ni Peter tapos tinapik pa niya yung balikat ni Jerome. Umalis na rin si Peter.

Nung mawala na si Peter sa paningin namin ay hinatak ako bigla ni Jerome papunta sa isang secret room. Napasigaw ako non pero mahina lang. Paano ko nalamang secret? Nakacamouflage kasi yung pinto sa kulay nung dingding. Pinauna niya akong papasukin tapos siya naman yung pumasok. Nung nakapasok na kaming dalawa, sinara na niya yung pinto. Mini-libary pala tong pinuntahan namin? Ang ganda tapos ang lamig pa.

"Bakit ang weird mo ngayon? Bakit hindi mo ako pinatapos sa pagpapakilala ko kanina kay Rica?" Magkausnod kong tanong sakanya. Pinaupo niya muna ako sa couch. Ganun din naman ang ginawa niya.

"Zianell Bae-Monroe. Tama ba?" Tanong niya. O anong meron sa buong pangalan ko?

"Oo bakit?" Naguguluhan kong tanong sakanya.

"Naalala mo pa ba yung sinumpaang-salaysay mo sa hospital noon?" Pinaalala niya sakin yung kacorny-han nilang dalawa ni Peter.

"Oo. Anong meron dun?" Naguguluhan kong tanong sakanya.

"Sana sundin mo yon pati dito sa sasabihin ko ngayon." Seryoso niyang sabi. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Ano kayang meron?

"Oo pramis! Peksam mamatay man ako." Panata ko. Yuck. Panata, ang alat.

"Wag kang magugulat ha?" Sabi niya. Tumango na lang ako, nacucurious na kasi ako. Ang bagal sabihin e. "Bago pa magpunta si Peter or mas kilala ng lahat bilang Agent XY dito sa Pilipinas ay binigyan na ako ng notice ng Panda Company, Korean branch. Nalaman ko lahat ng detalye ng buhay niya pati na rin yung mission niya. Nalaman ko rin na siya yung dati kong kaklase kasi hindi naman siya nagpalit ng pangalan. Ang mission niya ay ang patayin si Zianell B. Monroe at ibalik ang anak ni Ms. Theresa sa Korea--" ANO?!

"ANO? PINADALA SIYA DITO PARA PATAYIN AKO? K-Kaya pala nung tinanong ko siya kung bakit siya pumunta ulit dito e nagulat siya ng sobra..." Kwento ko. Shit.

"Oo. Kaya hinanap ko agad yung pangalan mo sa hybrid computers sa Lab. Nalaman kong ikaw yung Zianell Bae na ka-schoolmate namin noon. Hindi rin ako makapaniwalang ikaw talaga yon dahil ang laki ng pinagbago ng itsura mo. Kaya binolock ko yung pangalan mo sa hybrid computers namin. Tanging location mo lang ang makikita ni Peter kung sakaling magresearch siya don. Hindi ko sinabing may hybrid computers dito pero nakalimutan kong pare-parehas nga lang pala ang structure ng mga buildings sa lahat ng branches ng Panda Company. Wala rin kasi akong magagawa para pigilan na malaman na may ganun din dito. Kapag pinigilan ko kasi siya makakahalata siya. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maitago ang buong pagkatao mo-"

"Huh? Pero bakit? Bakit mo ginagawa to? Para saan?" Naguguluhan kong tanong sakanya.

Hindi siya makatingin sa akin. "Zia... Ano... Ganto kasi yon. K-kamukha mo kasi yung asawa ko. Parehas din kayo ng ilang features kaya hindi ko maiwasang... mahulog sayo simula nung niresearch kita. Pasensya na. Oo baka iniisip mong binibiro nanaman kita. Hindi. Totoo na 'to pero wag kang mag-alala. Wala akong balak na ligawan ka. Tsaka nung nalaman kong may anak ka, mas lalo akong naawa sayo. Kaya lalo akong nagsikap na itago ang pagkatao mo. Mas maganda siguro kung yun na lang ang dahilan na iisipin mo. Pasensya na ulit kung nagustuhan kita, hindi pa rin kasi ako makamove on sa pagkamatay ng asawa ko kaya ganun."

---

WATCHA SAY SEXY READERS. HAHAHAHA MAGU-UPDATE PA DIN AKO KAHIT WALA NG NAGBABASA LOL T.T NANALIG AKONG DADAMI RIN READS NG BOOK 2 KO.

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon