TC12

207 7 3
                                    

Indigo Kim on the right -->

Zia's POV

12 noon na pala.  Magpapaalam na ako. Pumunta ako sa office ni Manager. Siyempre, kumatok muna ako. Ang bastos naman kung hindi ako kakatok diba. Ano ako batas?

"Excuse me mam." Sabi ko at nagbow. Korean tradition pa din kahit nasa Pilipinas na.

"Oh yes why dear? What do you need?" Tanong ni Manager sa akin. May pinipirmahan siya nung dumating ako. Sinara agad niya yung folder ko pagpasok ko.

"Mam pwede po bang maghalf day ako ngayon? May parents orientation po kasi yug anak ko ngayon." Paalam ko. Sana payagan ako. Please please please. Sa sobrang kaba nakapagtagalog ako. Sana naintindihan niya yung sinabi ko.

"Oh... sure. It's okay but you need to work overtime tomorrow. 9-9. Is that clear?" Tanong ni Manager. Buti naintindihan niya ako. Ayos na yon kesa naman sa hindi ako payagan diba?

"Okay lang po sa akin yun. Thank you po talaga. Kamsahamnida (Thank you)." Natutuwa kong sabi sabay bow. Nagbobow ang mga koreans as a sign of respect.

"Nae, cheonmaneyo. (Ok, you're welcome)." Sabi ni Manager.

Lumabas na ako sa office niya. Nagpunta ako sa locker room at nagpalit ng pang-alis.

"Oh? Zia, san punta mo?" Tanong ni Calvin sa akin. Mushroom ka nanaman eno? Kung sansan na lang sumusulpot. Nakakagulat.

"Sa school ng anak ko. May parents orientation kasi ngayon buti na lang pinayagan ako ni Mam." Nakangiti kong sagot sakanya habang inaayos ang mga gamit ko.

"Ang hirap maging single parent no? Ganyan din kasi si Eomma (Mom) sa amin ni Noona (Ate). Iniwan kami ng Appa (Dad) dahil may iba siyang babae. Hahaha ang drama ko na sige na nga ingat ka ha." Sabi ni Calvin. Ohhh kaya pala. Pero buti naging maayos naman siya. Buti nga siya kilala niya mga magulang niya.

"Sorry to hear that. O sige salamat. Mauna na ako ha sige bye." Paalam ko sakanya. Hindi na ako nakapagpaalam kay Rica. Busy siya sa kitchen e.

Lumabas na ako sa may kitchen exit. Pumara ng tricycle at pumunta na sa Lim Academy. Nung nandun na ako, wow parents orientation ba 'to or concert? Ang daming tao e. Pumasok na ako sa loob ng Lim Academy. Ang ganda naman dito.

"Good Morning Mam. Welcome to Lim Academy. Anong grade level ng anak niyo?" Tanong nung Guard sa akin. Wow may nalalaman pa silang ganito ha. Sosyal.

"She's in first grade." Nakangiti kong sagot sakanya.

"Sa AVR na lang po kayo pumunta." Sabi nung Guard. Ok saang lupalop ko naman hahanapin yung AVR nila? Napakalaki ng school na to. Wala man lang bang maps dito?

"Thank you." Sagot ko. Saan ba kasi yung AVR dito. Hindi man lang tinuro kung saan e paano ituturo e hindi ko naman tinanong. Binabara ko na sarili ko. 

"Eomma! (Mom!)" KZ? Lumingon ako at nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. Bitbit pa ang bag niya.

"BE CAREFUL!" Sigaw ko. Baka kasi madapa tapos niyakap ako. Ang sweet talaga ng anak ko.

Niyakap ko rin siya saka umupo. "Hello baby. I told you eomma's (mom's) coming." Nakangiti kong sabi. Of course ayokong paasahin ang anak ko. Ayokong maranasan niya yun. Oo someday pero hindi niya mararanasan sa akin yon.

Tumayo ako at hahanapin na sana namin yung AVR. "Eomma (Mom),  that's not the way. There's the right way to the AVR." Pangcocorrect sa akin ni KZ sabay hatak sa akin. Sorry naman hindi ako familiar sa lugar na to.

"Ah nae (ok)." Sagot ko sakanya.

Nagpunta na kami ni KZ sa AVR. Ang laki ng AVR nila parang sinehan well actually sinehan talaga to. Sa may bandang likod kami pumuwesto. Wala na kasing mauupuan sa harap e.

Ilang hakbang pa ay nakakita na kami ng mauupuan.

"Eomma! Eomma! (Mom! Mom!) Let's sit beside Eco." Sabi ni KZ. Ok baby ano pa bang magagawa ko?

Umupo na kami sa tabi nung Eco ba yon. May kasama siyang lalaki pero... parang familiar sa akin yung silhoutte niya. Madilim kasi sa bandang likod e kaya di ko makita yung mukha. Dibale na nga.

"Eomma! (Mom!) He's Eco. My guy best friend." Pakilala ni KZ. Parang kami lang ni Indigo dati hahaha ang cute naman.

"Oh hi there Eco." Masaya kong bati. Ang cute naman ng Eco na 'to. Ang puti hahaha! 

"Hello Tita." Pabalik na bati ni Eco. Aww Tita? Hahaha ang cute talaga. Nacucutan ako. Ngayon na lang ulit ako nacutan ng ganto sa bata.

"You can call me Tita Zia if you want." Sabi ko sakanya sabay kurot ng mahina sa pisngi niya.

"Ok then hello Tita Zia. It's nice to meet you." Oh wow well-mannered kiddo. Ang ganda ng pagpapalaki sakanya. Naturuan ng maayos.

"Wow I'm really amazed. Hello again, it's my pleasure to meet such a nice young guy like you." Sabi ko. Ang cute kasi mag english ng batang to. Fluent e.

"Good after noon Parents/Guardians and also students... blah blah blah..." Marami pang sinabi yung principal sa harap pero hindi ko na yon napansin kasi pinagmamasdan ko yung matandang babae na nasa tabi ng nagsasalita. Sobrang familiar nung babaeng na mukhang nasa 40's at yung matandang lalaki na nakaupo rin sa stage. Sobrang familiar as in... parang nakita ko na sila dati. Ewan ko kung saan basta ang sinasabi ng utak ko na nakita ko na sila dati. 

"Eomma? (Mom?) Are you okay?" Tanong sa akin ni KZ. Nagdday dream ba ako? Ugh. Nawawala ako sa focus. 

"Ah... yes of course baby I'm alright." Sagot ko sakanya sabay akbay. Hays.

"Ladies and Gentlemen, this is Mr. Paul Lim. The son of the founder of the Lim Academy,  Paulo Lim. Beside him is Miss Theresa----" Ahhh! Shit. My head hurts like hell. Ang sakit. Inhale. Exhale. Awww. Sobrang sakit talaga. Shit. Shit. Ang sakit. Bat ganto?

"Eomma? (Mom?) Are... you...  really... alright?" Pag-aalalang tanong ni KZ sa akin pero dapat kayain kong tiisin 'to.

"Y-Yes baby. I'm fine." Nakangiti kong sagot. Ininom ko yung biogesic na nasa bag ko. Girl scout ata ako. Baka sa init lang 'to ng panahon. Hindi na ata ako sanay sa init. Ikaw ba naman lumaki sa malamig na lugar diba.

Nagsalita na yung Paul Lim ba yon pero yung Miss Theresa hindi nagsalita. Ang sakit pa rin talaga ng ulo ko. Parang may naalala ako na hindi ko maalala. Napaka-oxymoron ng sinabi ko. Alam ko magulo sapagkat naguguluhan rin ako e. Ouch! Ang sakit. Nagtagal ang orientation ng 3 hours. 4 o'clock na natapos yung orientation at sa tatlong oras na yon, nanakit lang ang ulo ko.

Pinauna na muna naming lumabas yung ibang parents hanggang sa kaming apat na lang ang natira sa loob ng AVR.

"Eomma! (Mom!) Eomma! (Mom!)Faster! I'm going to bake cookies for you and Tita Rica and for Eco too." Excited na sabi ni KZ. Sorry baby. Nahihilo talaga ako. Hindi ko kayang sabayan yang kakulitan mo.

"Mauna na kayong bumaba. Sunod na lang ako..." Sabi ko. Nauna na nga sila pati yung kasama ni Eco. Familiar talaga tong lalaki sa akin pero mas uunahin ko yung severe headache ko kesa dyan. Naglakad na rin ako pero dahan-dahan hanggang sa ---------

"Eomma? Eomma! (Mom? Mom!) Fast ---- EOMMA! (MOM!) ECO! WHAT HAPPENED TO MY EOMMA?!(MOM?!) EOMMA~ (MOM~)"

---

Annyeong~ Wahahahhaha ang saya ko dahil ang taas ko sa english yehet <333 96 yehet omg ang bait ni mam pero kahit ganon di pa rin ako kasama sa outstanding students yehet ba hahhahahahahhaa masaya nako sa top 8 thank you Lord kaya eto regalo ko sainyo kahit wala namang kwenta tong chapter na to hahhahahahaha oy guy! FEEDBACKS PLS!!!!!! Mwa

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon