Peter's POV
Sabado ngayon, hindi aalis si Rica. Kailangan ko na talaga kasing makausap si Jerome. Tulog pa si Zia at KZ pero si Rica gising na. Inabutan ko siya ng baril at kutsilyo in case na may mangyaring masama. Sa una ayaw pa niyang tanggapin, pero nagpumilit ako. Nagpunta na ako sa office ni Jerome.
"Peter! Thank God at nakapunta ka rin dito." Sabi ni Jerome na halos napatayo pa sa upuan niya. "Ano na nangyayari? Anong balita?"
"Hindi maganda. Naalala mo yung namatay kahapon?" Tanong ko sakanya. Umupo siya sa table niya at umupo ako sa couch niya.
"Ah. Oo yung babae? Bakit?" Tanong pabalik ni Jerome.
"Bago ako magreport sayo... nawawala na si Zia nun. S-Sorry. Oo, ayokong may nagsisinungaling sa akin kaso ayokong mapagalitan. Nagsinungaling ako sayo. Ang point ko kasi may nakausap din akong matanda non, tinanong ko kung bakit hindi nila nilalapitan yung bangkay. Ang sagot nila, 'Ayaw naming madamay.' Anong ibig sabihin nun? Tapos paulit ulit niyang sinasabi yung 'ayaw'." Kwento ko. Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan, dahil ba 'to sa may mangyayaring masama o dahil baka parusahan ako ni Jerome?
"Ganun ba? Naintindihan kita. Papalampasin ko 'to. Hindi ko rin magets yung sinabi nung matanda. Saan mo naman nakita si Zia?" Tanong ni Jerome sa akin.
"Nakita ko siya sa bahay. Nakaupo at tulala. Nakita ko yung damit niya... puro dugo." Kwento ko. 0_0 - Reaksyon ni Jerome. Gulat rin naman ako e, hindi ko lang matanggap na si Zia... yon.
"Ibig mo bang sabihin si Zia yung... pumapatay?" Gulat na gulat na tanong ni Jerome. Parang ganun na nga...
"Pero... kasi... medyo... pero... hindi ko pa tanggap. Kaya humahanap pa ako ng ebidensya." Seryoso kong sagot sakanya pero ayokong... maniwala.
"Hindi siya ang suspect. Matagal ng issue 'to. Wala pa siya nung magsimula ang ganitong patayan." Sabi ni Jerome. Hays sana. Sana hindi nga siya.
"Pero Jerome nagbago siya. Sinasaktan na niya ang anak niya. Bawat araw na lumilipas may kakaiba siyang ginagawa. Para siyang nasapian, parang hindi si Zia ang kasama namin sa bahay." Sagot ko. Kinikilabutan ako kapag naalala ko yung mga pinaggagagawa ni Zia.
"Bantayan mo lang siya ng mabuti. Tinignan ko yung tracker kanina, hindi naman siya umaalis sa pwesto niya." Sabi ni Jerome.
"Hindi niya kasi suot yung bracelet niya. Hindi daw niya alam kung saan niya nalagay." Kweno ko.
Nagulat si Jerome. "Bumalik ka na sa bahay nila. Delikadong iwan mo si Rica at KZ sa puder ni Zia. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari."
"Ok sige." Sagot ko.
Agad akong bumalik sa bahay ni Zia pero bago ako makarating doon. May nakita akong tatlong taong nakahandusay sa daan, malapit nanaman sa bahay ni Zia. Kagaya ng dati, walang lumalapit sa bangkay. Nilapitan ko yung bangkay. This time, iba ang paraan ng pagpatay sakanila. Pugot ang ulo, may nakatusok sa laman nila sa leeg.
' Wag kang nangingielam.'
' Hindi mo alam kung sinong binabangga mo.'
' Leave us alone.'
Sino bang sinasabihan nito? Ako ba? Nilabas ko ang phone ko at pinicturan yung biktima. Ganun din yung ginawa ko sa biktima kahapon.
"AY PUTANGINA! ANO TO?!" Napasigaw ako. IKAW BA NAMAN KASI GULUNGAN NG ULO SA PAA DIBA?! KADIRI. NALAGYAN PA NG DUGO YUNG SAPATOS KO. Tinext ko na agad si Jerome. Ilang minuto lang ay nandito na sila.
Tinignan kong mabuti yung isang bangkay. Tama. Yan yung suot na damit nung matanda. Oh. Shit. Pinatay siya? Sila?
"Pamilya sila. Rero Family. Matagal na silang nakatira dito..." Kwento ulit ni Jerome. Nagulat siya sa nabasa niya.
"Ang akala ko ba mahilig sila sa dayo?" Pag-iintriga ko habang tinitignan yung mga bangkay.
"Akala ko rin. Sa loob ng ilang taon puro dayo ang pinapatay nila. Wala pala silang pinipili. Kami na ang bahala dito. Balikan mo na agad si Zia. Sa office ka na rin magreport." Utos ni Jerome sa akin at umalis na.
"Oo sige." Sagot ko. Pumunta na ako sa kotse ko at nagdrive na.
Parang ganito din yung sa Abduction mission ni Lady 360. Hirap na hirap din sila. Ang pinagkaiba nga lang, kilala nila kung sino ang gumagawa pero walang clues. Ang sa amin naman, maraming clues, hindi naman namin malaman kung sinong gumagawa. Baliktad diba?SHIT. Inapakan ko agad yung preno. Shit. Shit. Muntik ko na siyang mabangga.
"GUSTO MO BA AKONG BANGGAIN HA?!" Sigaw nung matanda. Excuse me ho, kung gusto ko kayong banggain edi sana hindi na ako nagbreak.
Bumaba na agad ako sa kotse. Nagbow ako. "Sorry po. Hindi ko po kasi kayo nakita agad. May iniisip po kasi ako. Pasensya na po ulit."
Nilapit niya yung mukha niya sa akin nung tumayo na ako ng maayos kaya napaatras ako. "Isa kang agent no? Hahaha! Nauulit nanaman. Nauulit ang nangyari noon kay Lady 360. Ito ang kabayaran ng hindi niya pakikinig sa akin. Hahahahaha!" Tawa nung matanda. Sobrang lakas ng tawa niya saka siya umalis. Tumalikod ako sa sobrang gulat. Paano niya nalamang agent ako? Paano? Sino ba siya? Saan siya galing? Bakit niya kilala si Lady 360?
Humarap na ako para sana tanungin yung matanda kaso nawala na agad siya. Nilibot libot ko pa nga yung mga mata ko pero wala talaga. Bumalik na lang ako sa kotse ko at pumunta na sa bahay ni Zia. May susi na ako ng bahay kaya pumasok na agad ako. Pagkapasok ko, nasa sulok si Rica at KZ. Umiiyak si KZ. Kaagad ko silang nilapitan.
"Rica! Anong nangyari?!" Nag-aalala kong tanong.
"Bigla na lang kasing lumabas si Zia kanina tapos pagbalik niya nagwala siya bigla. Peter. May dugo yung damit niya." Natatakot at umiiyak na sabi ni Rica.
"Shit... Siguro time na para tumira kayo ni KZ sa dorm. Hindi ko na hihintayin pang may masamang mangyari sainyong dalawa. Nasan ba si Zia?" Tanong ko habang nililibot yung mga mata ko sa magulong salas at puro basag na picture frames.
"Nasa kwarto siya." Sagot ni Rica. Aish. Zia, ano bang nangyayari sayo?
Pinuntahan ko na si Zia sa kwarto niya. Naabutan ko siyang duguan, tulala at umiiyak. Dahan-dahan ko siyang nilapitan atsaka niyakap. Zia. Handa akong tanggapin at mahalin ka kahit malaman at mapatunayan kong ikaw nga talaga ang serial killer dito sa Number Village.
---
OH YAN SORRY KUNG NOW LANG. NAO-OVERDOSE LANG SA EXO. FEEDBACKS PO, KASI NAMAN WALA NA AKONG NATATANGGAP NA FEEDBACKS PAANO KO MALALAMAN KUNG GUSTO NIYO PA BA O HINDI NA.
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...