Peter's POV
"ANO? GINAWA SAYO 'TO NI ZIA?! SERYOSO KA?!" Gulat na tanong ni Jerome sa akin.
"Oo nga ang kulit ng lahi mo." Naiirita kong sagot. Nagpapahinga na ako ngayon sa dorm. Imbis na makapagpahinga ako ngayon, nayayanig utak ko dahil kay Jerome. Sigaw kasi ng sigaw mukhang tanga.
"So you're telling me that she's the serial killer?" Conclusion niya. Paikot-ikot siya sa room na pinagpapahingahan ko. Lalo akong nahihilo e.
"No she's not. Ganito kasi yan, midnight non. Sinadya kong magtago sa likod nung kurtina at hintayin kung saan nanaman pupunta si Zia. Nung mag-11:59 na biglang bumaba si Zia mula sa kwarto at binuksan niya yung pinto. Tumingin siya sa buwan. Red na red ang kulay ng buwan nung mga oras na yon. Nung mag-12 lumabas na siya ng bahay kaya sinundan ko siya. Nagpunta siya at halos lahat ng mga kapitbahay nandun sa tapat ng Lim Mansion --"
"Lim Mansion? Bakit doon?" Tanong ni Jerome. Sa wakas umupo na siya, tumitig sa akin at nakinig. Nakakahilo na kasi.
"Patapusin mo muna kasi ako. Hindi ko alam basta parang wala silang lahat sa mga sarili nila tapos biglang may lumabas na dalawang babae galing sa mansion. Isang matandang nasa 40's at isang kaedaran ko lang. Biglang tumayo si Zia tapos may inabot na ulo dun sa matanda. Ewan ko basta tinapon nung matanda yung ulo tapos kumuha siya ng ax. Pupugutan ata ng ulo si Zia kaya napasigaw ako ng 'Hindi'. Napansin nila ako kaya dun na kami nagkahabulan. Pinagbabato nila ako ng mga hawak nilang dagger tapos nung makalagpas na ako ng gate nahawakan ako ni Zia tapos sinaksak ako. Nung papalapit na yung iba, sinipa ko na si Zia. Pumunta na ako sa gitna ng daan. Swerte ko nga hindi sila lumalabas ng village at nakapagtataka, kulay pula ang buwan sa buong village pero sa labas normal lang." Buong detalye kong kinuwento. Biglang lumabas si Jerome. Bastusan pre. Bakit ka lumabas?! Bumalik naman siya agad, pagkatapos nga lang ng isang oras. Oo agad.
"Peter. May red-barrier na nakapalibot sa buong village. Ang barrier na yon ay may kakayahang makapagcontrol ng tao --"
"Lahat pala ng mga mata nila kulay pula." Dagdag ko pa.
"Isa na yang clue. DAMN SHIT!! Si Rica at KZ. Magpapadala---"
"WAG! Wag ngayon. Hindi kaya ng mga tauhan mo. Mamamatay lang silang lahat. Iba yung lakas nila. Wag. Sa umaga na kayo pumunta. Kunin niyo si KZ at Rica pati na din ang kotse ko. Pati si Zia. Oo nga pala, ito. Naglagay kasi ako ng tracking device kay Zia. Kailangan natin siyang mabantayan ng mabuti." Sabi ko at inabot ko yung tracker. Kung kaya ko lang ako na ang gagawa.
"Oo sige. Gagawin namin yan." Sabi ni Jerome. Sana magawa niyo ng maayos. Sana.
Lumabas na siya. 2AM na. Ano bang gagawin ko? Putangina naman kasi. Ang sakit ng mga tama ko. Siguro kung hindi ko sinipa si Zia, chopchop na ako ngayon. Puta. Sayang naman 'tong katawan ko kung mach-chop chop lang.
Jerome's POV
Nung kinuwento sa akin ni Peter yung nangyari. Nainis ako sa sarili ko. Bakit ko ba napabayaan ang kaso na 'to? Dapat noon ko pa tinapos 'to e, nung may pagkakataon pa ako.
>>Flashback Starts<<
6 years ago...
Minsan na din kaming tumira sa Number Village. Minsan din naming inakala na ang village na yon ay isa sa mga perpektong village sa buong Pilipinas. Tumira kami doon bago pa ako mapromote bilang head officer. Agent pa lang din ako noon gaya ni Peter.
Hanggang sa isang araw, nabigla na lang ako sa kinikilos ni Elina, asawa ko. Kagaya ni Zia, natutulala din siya. Kapag may nagaganap na patayan, umuuwi siyang may mantsa ng dugo sa damit. Magkukulong siya sa kwarto at iiyak. Bigla-bigla na lang din siyang mawawala.
Kagaya din ng nangyari kay Peter at Zia kanina, tuwing 12 bumabangon si Elina at tumitingin sa labas. Isang araw lumabas si Elina ng 12AM kaya sinundan ko siya. Nakita kong marami ding kapitbahay namin ang naglalakad na parang wala sa mga sarili nila. Nagpunta silang lahat sa tapat ng Lim Mansion, may lumabas din na babaeng nasa 40's. Siya lang mag-isa, hindi niya kasama yung alalay niya sa kwento ni Peter. May binigay din na pugot na ulo dun sa matanda at saka tumayo si Elina. Lumuhod siya, habang yung matanda'y may hawak hawak na ax. Sa sobrang takot ko, napaatras ako at tumama sa kotse. Sa kasamaang palad, nag-alarm yung kotse. Napatingin silang lahat sa akin. Namumula ang mga mata nila kagaya nung pulang buwan. Hinabol din nila ako hanggang sa gate. Hindi ko na sila nilingon dahil sa sobrang takot.
Kinabukasan, pagbalik ko sa number village. Nakita ko ang asawa ko sa daan. Wala ng ulo. Nireport ko ito sa Head Officer nung time na yon. 9 na buwang buntis na nga pala ang asawa ko noon kaya tinulungan nila akong mabuhay si Eco. Nilibing ko na din ang asawa ko sa katabing sementeryo ng number village.
>>Flashback Cuts<<
"Sir. Sir! Sir? Gising na po. 7 AM na." Pangigising ni Sec. Hindi ako tumatanggap ng babaeng secretary. Ayaw kasi ng asawa ko, pwera sa kapatid niyang babae, kaya puro lalaki kinukuha ko.
Nanaginip ba ako o flashback lang talaga? Aish. "Kailangan ko yung Top 3 Agents. May pupuntahan kami sa number village."
"N-Number Village po sir?" Natatakot na tanong ni Sec. Hindi ko alam kung kinaklaro niya lang o sadyang bingi siya e.
"Oo nga." Masungit kong sagot. Bakit ba wala 'to sa katinuan ngayon?
Tumango siya at lumabas na. Mamaya na ako ma---ok. Maliligo na nga ako. Nanlalagkit na pala ako. Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis. Pagkalabas ko ng room ko, nakaconnect kasi yung room ko sa office ko, andun na yung tatlo.
"Kanina pa ba kayo diyan?" Umiling sila. "Oh so let's go?" Tanong ko kaya tumango naman sila. Lumabas na kami at nagpunta na sa Number Village.
Nakita namin yung mga tao na nililinis yung dugo sa daan. Kaya pala nawawala ang mga ebidensya. Pumunta na kami sa bahay ni Zia. Kakatok pa dapat ako nung biglang humangin ng malakas at tuluyang nagbukas ang pinto. Nakita kong bumabaha ng dugo sa loob.
0_0
0_0
0_0
0_0
0_0
---
im hurt. sobrang sakit. sorry kung ngayon lang nakapagUD. sorry. feedbacks pls?
-ANMN
![](https://img.wattpad.com/cover/9013541-288-k660668.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...