TC25

194 8 1
                                    

Peter's POV

Hm... Anong oras na ba? 7:30? Ang aga ko naman atang nagising. Ano na kayang nangyari? Kinakabahan ako.  May nakatuping wheelchair sa tabi ng bed ko. Binuksan ko yon at inayos. Ginamit ko para makapunta ako sa office ni Jerome. May elevators naman dito kaya madali lang. Buti meron kundi gagapang ako papunta sa office niya.

Lumabas na ako at pinaandar yung wheelchair. Tangina. Ang hirap naman paandarin neto. Ganito pala pakiramdam ng lumpo. Napadaan ako sa Building 3, andito yung mga isolation rooms. Andaming tao dun sa may tapat ng isolation. Bakit? Anong meron? Lumapit ako dun sa isang agent/trainee at  saka ko siya kinalabit.

"Ow?" Sagot niya pero hindi ako nililingon. Wow. Rapper, lakas maka-ow.

"Anong nangyayari?" Tanong ko sakanya. Pinagwalang bahala ko na lang yung kabastusan niya.

"Nagwawala yung babaeng hinuli nila PH Head Officer." Sagot niya pero hindi pa rin talaga ako nililingon. Hinuli ni Jerome? Babae? Hinuli? Sinong babae? Si Zia kaya? Hindi. Hindi pwedeng si Zia pero... paano kung siya nga?

"Sinong babae yung hinuli nila?" Tanong ko ulit sakanya. Masama na talaga kutob ko dito.

"Zia ata yung pangalan e. Yun yung naririnig ko." Sagot niya. ANO?! ZIA?! "Teka nga, sino ka ba?" This time nilingon na niya ako.

Nilabas ko yung white ring ko. Oo nga pala. Sa rings makikilala kung anong position mo sa agency, di tulad noon sa damit/cab binabase. Binago na kasi ni Ms. Theresa ang lahat ng 'yon. Pinasimple niya na lang. 

Big Panda Rings - Founder, Former Main Head Officer & Reigning Main Head Officer

Black Rings - Head Officer

White Rings - Top Agent & Newbies

Bamboo Rings - Trainees

"I'm Top Agent XY from South Korea." Pakilala ko sakanya. Nagulat siya sa sinabi ko. 

"Oh. Sir sorry po kung naging bastos ako sayo kanina. Ihahatid ko na po kayo sa office ni Head Officer kung gusto niyo... lang naman po." Sabi niya. Biglang bumait ha? Hahahahaha.

Tumango na lang ako. Hinatid na nga niya ako sa office ni Jerome. Kumatok muna siya. Binuksan ang pinto tsaka ako iniwan. "Thank you." Sabi ko bago siya tumango at tuluyang umalis.

Pumasok na ako pero hindi pa rin ako hinaharap ni Jerome. Nakatalikod pa din kasi yung upuan niya. Alam kong andito siya kasi nakikita ko yung reflection niya sa salamin ng office na 'to. Nakikita ko siyang nakatitig sa window ng office niya pero hindi ko masyadong makita kasi yung tama ng ilaw nagrereflect sa salamin.

"Jerome." Tawag ko sakanya pero hindi siya lumingon. Aba, Snobero ka na ngayon? Hindi na lumilingon. "Puta Jerome." Pag-uulit ko sa sinabi ko. Ayaw parin? Nakakita ako ng empty na plastic bottle at binato ko sakanya. Yun napalingon na. Buti naman nakuha ko na attention niya. 

Tumayo siya at lumapit sa akin. "ANO BANG PROBLEMA MO?" Sigaw ni Jerome. Magagalit na din dapat ako kaso nakita ko yung mga mata niya. Umiiyak?

"Pre. Umiiyak ka ba?" Tanong ko sakanya. Nilapit ko yung wheelchair ko sa table niya. Ngayon ko na lang siya ulit nakitang umiyak.

Napaupo siya atsaka naluha ulit. "P-Peter. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na talaga alam."

 "Bakit? Ano bang nangyari? Anong nakita niyo sa bahay ni Zia?" Tanong ko sakanya.

Napailing si Jerome at pinunasan ang mga luha niya. "Pinatay ni Zia ang sarili niyang anak. Muntik na rin niyang patayin si RIca." Naiiyak na sabi ni Jerome. Napatulala ako sa sinabi ni Jerome. ANO?! PINATAY NI ZIA ANG ANAK NIYA?!

Speechless ako sa sobrang gulat. Kaya pala siya naiiyak, kawawa kasi yung bata. Kahit shock pa rin ako pinilit kong magsalita. "K-K-Kamusta si Zia? Si Rica?" 

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Napamahal na din kasi sa akin yung bata. "Nasa isolation room sila parehas. O-Obserbahan kung may mga gagawin pa silang kakaiba. Nakalibing na yung katawan ng bata sa may kakahuyan." Sagot ni Jerome sa akin.

Oo kakahuyan. May mga natira pa naman kasi na kakahuyan sa likod ng Panda Company.  Ang isolation room pala ay lugar kung saan nilalagay ang mga taong apektado ng isang virus o galing sa peligrosong lugar at walang kasiguraduhan kung may nakuha bang virus o ano. Inilalagay sila sa maliit (mga dalawang dipa ang laki) na rooms na may sobrang tibay na glass.

"Gusto kong puntahan natin si Zia." Sabi ko sakanya habang tumutulo ang mga luha ko. Alam ko kasing hindi magagawa ni Zia yon sa anak niya. Hinding-hindi. Kailangan kong malaman ng nasa likod ng mga nangyayari ngayon. Alam ko hindi lang bastang tao ang gumagawa nito.

"O-Ok sige. Wag ka lang magpapakita ng awa sakanya. Baka mapakawalan mo." Paalala ni Jerome sa akin.

Nagpunas na kami ng mga luha namin atsaka nagpunta sa isolation room sa building 3. Connect connect kasi yung mga buildings dito e. Pagdating namin don wala na yung mga usiserong agents 'di tulad kanina.

Bago kami pumasok, pinasuot kami ng suit. Parang katulad ng sinusuot ng mga astronaut para daw sa proteksyon namin. Pagpasok namin, halos lahat ng naka-isolate napatingin sa amin. Nakakatakot sila. Yung iba, nakangiti ng nakakaloko tapos yung iba naman nakatitig nang masama sa amin, yung iba nagmamakaawang palabasin namin sila.

Nagpunta kami sa dulong part ng isolation room kung nasaan si Zia at Rica. Si Rica nakahiga at tulog pa dun sa malit na kama habang si Zia ay umiiyak at nakatulala.

Lahat pala ng naka-isolate dito ay nakakadena sa pader ang kamay at paa. Maikli lang yung haba nung chain. Mga kalahati lang ng kwarto na yon para kapag bibigyan sila ng pagkain hindi sila magtangkang tumakas.

Nung nakita kami ni Zia, bigla siyang tumayo at nagtangkang lumapit sa amin. May sinisigaw siya pero hindi namin siya marinig.

"Hindi ko siya marinig." Sabi ko. May pinindot si Jerome. Yun yata yung button para sa sound system ng isang isolation cubicle. 

"PETER! PETER!" Iyak ni Zia habang nakatitig sa akin. Sobrang naawa na ako sakanya. "PINATAY NILA ANG ANAK KO! HANAPIN MO SILA PETER!" Iyak pa niya habang sinusubukang abutin yung pinto ng cubicle niya. Napatingin agad ako kay Jerome. Nagulat din siya sa mga narinig niya. Pinatay na ni Jerome yung sound system, tinanggal na namin yung suit tapos lumabas na kami. Bakit? Porket nakawheelchair ako ikaw na masusunod kung saan ako pupunta!

"Ba't lumabas agad tayo?" Tanong ko sakanya pagkalabas namin.

"Bawal tayong magstay ng more than 3 minutes sa isolation room. Sasakit ang ulo mo. Hindi pa naman tayo uminom nung gamot na pinapainom sakanila kapag maglilinis sila." Sabi ni Jerome. "Ang hindi ko maintindihan... sinong sila?" 

"Baka naman kasi may nagcocontroll talaga sakanya?" 

---

Malapit na mag3K yie tapos 40K na yung TWIOP. Kilig :"> Please I need your feedbacks para mainspire ako! :cc 

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon