Dustin Ferrer on the right -->
Zia's POV
8:45 AM na. Hinatid na ako ni Peter sa trabaho ko. Ang awkward talaga. Nagtatanong din siya tungkol sa asawa ko. Ang weird. Bakit naman kasi niya itatanong yun diba? Ewan. Basta iba yung dating nung tanong niya.
"Bye Peter... T-Thank you." Sabi ko sakanya tapos ngumiti ako.
Ngumiti siya sa akin pabalik. "Wala yon." Lumabas na ako at nagbow sakanya.
Pumasok na ako sa trabaho. Ang ganda ng umaga ko. Sa tagal kong nagtatrabaho, ngayon lang ako pumasok na good mood talaga. Ganda ng pakiramdam---
"Ningingiti-ngiti mo diyan? Kamusta kayo?" Tanong agad ni Rica sa akin pagkapasok ko. Nakakagulat. Nakangiti pala ako? Hindi ko napansin.
"A-Ayos lang..." Nauutal kong sagot. Namumula ba ako? Ang init. Sobrang init ng pisngi ko. Nararamdaman ko yung init na umaakyat papunta sa mukha ko. Holy grail.
"Ay! Namumula ka gaga! Ayieeeeeeeeeee! Kinikilig si lokaloka~" Kinikilig na sabi ni Rica tapos hinahampas hampas pa braso ko. Ako? Kinikilig? "Hindi ako makukuntento sa ayos lang, ikwento mo lahat!"
Hinatak niya ako at sapilitang pinaupo. Wala naman na akong magagawa kung ikwento lahat sakanya. Ang gaga naman kilig na kilig. Binubugaw talaga ako ng babaeng 'to e. "Siraulo ka talaga eno." Sabi ko sakanya pagkatapos kong ikwento lahat. Kilig na kilig kasi.
"Guys. Tama na ang daldal. Time to work." Paalala ni Calvin sa amin. Kabute talaga eno tapos lumabas din. Nagiging busy na din siya these days. Hindi na namin siya nakakabonding.
"Oo sige." Sagot ko sakanya.. Nag-ayos na agad kami ni Rica. "Kamusta nga pala si KZ?"
"Ayos naman. Hinahanap ka pero ang sabi ko sakanya kailangan mong matulog don nagtanong naman siya kung bakit tapos ang isinagot ko basta kailangan masyadong malalim na paliwanagan at hindi mo pa maiintindihan dahil bata ka pa." Kwento ni Rica. Wooh buti na lang pero parang may ibig sabihin yung sinabi niya. "Wag kang mag-alala, hindi ko ipagkakalat yung kalandian mo." ANO PINAGSASABI MO?!
Pinalo ko siya ng malakas. "Siraulo ka talaga kahit kelan. Magtrabaho na nga lang tayo." Sabi ko sakanya pero sa totoo lang kinikilig ako. After four years ngayon na lang ulit ako kinilig ng ganto. Iba pa rin talaga kay Peter.
Buong araw pala trabaho ko ngayon. "Ay Rica ikaw magsundo kay KZ mamaya ha?"
"Bakit? Grabe ka na. Inuuna mo pa si Peter kaysa sa anak mo?" Sagot niya agad. Piste. Grabe ka.
"Saglit lang kasi siraulo ka eno. Overtime ako ngayon kasi half-day lang ako kahapon diba?" Sabi ko sakanya. Kung ano-ano kasing naiisip nakakabanas.
Peter's POV
"So you slept with her?" Kinikilig na tanong ni Jerome. Kinuwento ko kasi sakanya lahat ng nangyari kagabi. Nagpapakwento e. Ano magagawa ko? Tsaka nakita niya si Zia so obligado akong magkwento. Pagkahatid ko kay Zia dumeretso na agad ako sa office ni Jerome. May sasabihn daw kasi siya sa akin.
"Oo." Sagot ko. Nahiya tuloy ako bigla.
"Akala ko uuwi na din siya pagkaalis ko.... So may nangyari---"
"Anong may nangyaring pinagsasabi mo? Wala! Natulog lang ako, kami. YUN LANG." Defensive kong sagot. Yung utak kasi napakadumi. "Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?"
"Hahahahahaha. Sabi mo e. Gusto sana kitang patulungin sa mission namin dito. Nagtanong na din ako sa boss mo. Okay lang naman daw sakanya---"
"Ano? Hindi ko pa nga tapos yung dalawa kong mission dito e." Gulat kong sabi tapos meron nanaman? Bakit sila pumayag? Puta. Ano ba tingin nila sa akin? Robot?
"Paano kasi inuuna mo ang paglandi." Sabi ni Jerome. "I-o-on hold mo na daw muna yang mission mo sabi ni Ms. Theresa."
"Pakyu ka pre." Sabi ko sakanya.
"Pikon ka na hahahahaha." Nakatawang sabi ni Jerome. Sungalngalin kita. Tumigil ka Jerome.
"Ano ba talaga kasing nangyayari dito sa Pilipinas bago ako dumating?" Tanong ko sakanya. Sobrang weird talaga kasi ng atmosphere dito lalo na sa Number Village. Naramdaman ko yan nung nandun ako sa bahay nila Zia.
"Everyone thought Number Village was a very nice village... calmest village to be exact... but they were all wrong." Sabi ni Jerome. All wrong? Tumayo siya at tumingin sa may bintana. Kailangan ganyan gagawin bago sabihin? Tagdrama amputa.
"They were all wrong? Why? Sabihin mo na kasi. Pabitin pa." Naiirita kong sabi. Binibitin pa ako kasi mukhang tanga.
Huminga muna siya ng malalim bago ako sagutin. "For the past few years, halos araw-araw may nirereport ang SWAT at PNP sa amin na murder cases. Sobrang brutal ng mga pagpatay sa mga taong yon, ni hindi mo nga aakalaing tao gumagawa nun e. Nung dumating ka, biglang natigil at hanggang ngayon wala pa ring balita sakanila. Sinubukan na ng mga top agents sa PH branch na 'to na mag-investigate pero wala pa din. Wala silang nakitang bakas. One of the most difficult cases we've handled." Seryosong kwento ni Jerome. Tumindig bigla ang mga balahibo ko. Goosebumps. Shit. Grabe bigla akong kinabahan.
"Ganyan na pala ang nangyayari dito bakit hindi ka na humingi ng tulong sa Main branch?" Tanong ko. Ang main branch ay nasa America. Ang South Korea, Philippines, China, Japan, Malaysia, Singapore, at Spain ay sub-branches lang.
"To be honest, hindi lang yan dito nangyayari. Pati sa lahat ng branches ng Panda Company. Yan nga yung pinagmeeting-an namin kahapon." Sabi ni Jerome. Malala na pala. Bakit hindi man lang ipagkalat sa mga agents para aware din sila? Paano kasi kung may mas maganda pala silang idea diba? Minsan hindi ring gumagana utak ng mga head officers e.
"Bakit ba sinisikreto 'to? Outbreak na kaya yan. Hihintayin pa ba nating marami pa ang mamatay?" Tanong ko. Kinakabahan talaga kasi ako sa nalaman ko. Malayo pa sa akin si Pau.
"Inaaksyonan na 'to ng Panda Company. Ikaw ang magrerepresent ng Pilipinas. May mga representatives na din kasi sa lahat ng branch tayo na lang ang wala." Sabi ni Jerome sa akin. "Kaya sana pumayag ka ng tanggapin ang mission na to." Humarap na siya sa akin at umupo sa table niya.
*sighs* "Ok. Payag na ako. May leak na ba kung sino ang nasa likod sa lahat ng pangyayaring ito?" Tanong ko sakanya. Imposible namang wala. Sobrang linis naman gumawa non.
"Sad to say... wala pa. Sobrang linis gumawa ng mga criminal na 'to. Sinubukan naming maglagay ng CCTV don pero sinisira nila." Sabi ni Jerome. "Kaya nga may kinatatakutan ako e."
"Ano naman yang kinatatakutan mo?" Tanong ko sakanya.
"Natatakot akong baka ang susunod na biktima ay ang pamilya ni Zia. Mahilig sa mga dayo ang mga criminal na yon kaya bantayan mo ng mabuti yang pamilya na yan. Hindi naman sa nilalahat ko pero halos lahat mga dayo tinitira nila." Paalala ni Jerome sa akin. Lalo akong kinabahan sa sinabi neto.
"May available pa bang rooms dito?" Tanong ko sakanya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
"Peter. Alam mo ang batas natin. Kailangan maging agents muna sila bago makapasok dito." Paalala ni Jerome. Pakshet. Pakshet. Pakshet.
"Paano kung at stake na ang buhay nila? Rules pa rin ba ang iisipin mo?"
---
Oo nga naman no? HAHAHAHAHHA Oyan another update. PLEASE I REALLY NEED UR FEEDBACKS HAHAHAHAHAHA~ MWAMWA~
- ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Misteri / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...