TC7

338 15 0
                                    

Candace Oh on the right -->

Zia's POV 

Bakit ka pa bumalik? Kung kelan naman tahimik na ang lahat. Bakit pa?! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak nanaman ako. Masakit pa rin para sa akin yung mga nangyari noon. 

>>Flashback Starts<<

"Sir, they're here." Sabi ni Manager.

0_0

Peter?

0_0

"He's Calvin Oh, my younger brother and also the head chef of my resto while she's Zianell ---"

"Ikaw?" Gulat na tanong ni Peter. Parehas kaming nagulat sa nakita namin. H-Hindi ko expect na siya nga talaga. Dito pa kami nagkita.

"You know her sir?" Tanong ni Manager. Gulat rin sila ni Calvin pati yung kasama ni Peter, si Jerome.

"Yes. She's Zianell Bae." Sagot ni Peter. Sabay ngiti. Naiiyak ako sa galit. Nagf-flashback yung mga kagaguhang ginawa nila sa akin. Nag-iinit ang dugo ko. Sobrang naiinis ako. Anger management. Anger management. Pero ayokong umiyak sa harap nila at dahil nasa trabaho ako at ayokong gumawa ng eksena, kaya tumakbo na lang ako palabas ng resto. "Excuse me."

Pumunta ako sa katabing park ng resto. Umupo sa swing atsaka iniyak lahat ng luhang kanina ko pa pinipigil. Ang mga luhang to ay dahil sa mga sakit na dinulot nila sa akin noon. Pinaasa nila ako at higit sa lahat itong mga luhang 'to ay ang galit na nararadaman ko para sakanila. Hindi ko na nga rin alam kung mapapatawad ko pa sila.

>>Flashback Ends<<

"Hey! Zia! Andito ka lang pala. You alright?" Tanong ni Calvin. Pinunasan ko agad ang mga luha ko saka ko siya hinarap. Ayokong may ibang tao na nakakakita na umiiyak ako. Naaawa ako sa sarili ko e. 

"Ah... yes. I'm fine. Thank you. May naalala lang ako." Sagot ko at binigyan siya ng fake smile.

"Oh Zia my dear, are you alright? Why? What happened? What's wrong?" Pag-aalalang tanong ni Manager. Hinawakan pa niya ang mga kamay ko. Nag-aalala sila sakin? Aww ang sweet naman. 

"A-Ayos lang po ako." Nakangiti kong sagot. Ngumingiti ako para hindi nila mahalata yung iyak ko. "Tapos na special job ko diba? Pwede na po ba akong umuwi? Baka kasi hinahanap na ako ng anak ko e." Pag-iiba ko ng topic atsaka ayoko na rin magstay dito. Lalo pa't andito siya.

"Oh yeah sure. You can go home now. Just change your clothes, leave your apron and fix your things then you can leave. Thank you again." Nakangiting sagot ni Manager. Ang bait talaga ni manager-nim. Buti na lang talaga sakanila ako nag-apply. 

"Cheonmaneyo. Kamsahamnida. Annyeong. (You're welcome. Thank you. Bye.)" Sabi ko tas nagbow ako. Umalis na ako at nagtungo sa may kitchen, sa likod ako dumaan. Ayokong makita sila Peter at Jerome. 

Nagbihis na ako, iniwan ang apron ko sa locker at nag-ayos na ng mga gamit ko. Nagpaalam na ulit ako kila Calvin at Manager. Sa may kitchen pa din ako dumaan palabas. Pumunta lang ako sa harap, sa may guard para magcheck out. Naglakad lang ako pauwi para makatipid na din.

Rica's POV

Magna-9 na pero wala pa rin si Zia. Sobrang nag-aalala na ako. Saan ba talaga nagpunta yung babaeng yon? Sa resto ba talaga o may iba pa siyang pinuntahan at ginagamit lang ang trabaho niya bilang dahilan? Hindi, hindi. Hindi naman ganun si Zia e. Hindi siya sinungaling lalo na sa amin ng anak niya.

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon