Pau Axlerod on the right -->
Peter's POV
"Pinagsasabi mo brad? Matapos mong purihin kanina ngayon naman lalaitin mo? Ano ba talaga ha?" Naguguluhan niyang tanong. Nakaupo siya sa chair niya at ako dito sa black sofa niya.
"Basta. Bakit ba kasi siya ang pinag-uusapan natin? May mas importante tayong dapat pag-usapan kaysa sakanya." Sabi ko sakanya pero ang totoo gusto ko lang maiba yung topic. Ewan tangina may iba akong naffeel. Pero sinisiguro ko sa sarili kong hindi ko siya gusto.
"Oo nga sabi ko nga. Andito ka para hanapin at patayin si Zianell---- Oh pre. Kapangalan ni Zianell. Same name, same spelling. Conincidence?" Sabi ni Jerome. Alam ko pero oo conincidence lang yan.
"Oo nga e. Nung una nagulat din ako pero malay mo kapangalan lang talaga niya." Sagot ko. Hindi lang si Zianell ang Zianell sa mundo.
"Kahit nga yung B parehas din e kasi diba Bae apelyido ni Zianell. Ang pinagkaiba lang e may Monroe sa pangalan ng babaeng dapat mong patayin." Dagdag pa ni Jerome. So ang pinapalabas mo ngayon na si Zianell at yung papatayin ko at iisa lang? Ganun ba?
"Hindi yan. Nagkataon lang siguro tsaka ano bang alam ni Zianell tungkol sa company natin?" Tanong ko. Ang inosente niya tsaka wala hindi talaga ramdam ko wala siyang alam sa company namin.
"Oo nga naman. Bakit hindi mo simulan ang pagtatanong bukas? Sa mga restaurants diyan? Tapos ito ang mahirap, ang hanapin ang anak ni Ms. Theresa. Ang alam ko kasi nawala yun noong baby pa lang siya. Malay mo ba kung anong pangalan na gamit niya ngayon. Kung ano na itsura niya ngayon o ang malala e kung buhay pa ba siya ngayon." Kwento ni Jerome. Oo nga naman. Ano ba kasi tong pinagagawa sa akin. Gusto ba nila akong gumawa ng himala? "Hindi mo naman pwedeng ipa-DNA lahat ng tao dito sa Pilipinas para mahanap mo yang anak niya." Dagdag pa ni Jerome.
"Yun nga balak kong gawin pero... paano yung sa anak ni Ms. Theresa? Ang hirap nun. 26 years na ang nagdaan. Wala naman silang binigay na pictures sa akin. Gusto ba nila akong magmilagro?" Reklamo ko. Sariling sikap para sa $1 Million? Badtrip. Wala man lang resources.
"Kapag success tong mission na 'to balatuan mo ako ha." Ngiting sabi ni Jerome. Asa ka pre.
"Parang andami mong natulong ha?" Tanong ko. Sakit sa ulo 'tong nawawalang anak ni Ms. Theresa. Imbis na mas mapapadali akong tapusin ang mission na 'to. Paano kung hindi ako umabot sa graduation ni Pau. Tangina.
"Madami na at lalo pang dadami. Umuwi ka na muna sa hotel mo. Bukas na natin ituloy. Pagod na ako. Bakit kasi ayaw mong magdorm dito? Dami-daming vacant rooms dito." Tanong ni Jerome. Pambihira, sinabi ng ayoko e. Pilitin ba naman ako? Tama ba yon?
"Sige. Ayoko nga kulit neto. Goodnight." Sabi ko. Lumabas na ako sa office at sa building. Nakakagulat yung kwento sa akin nung sang employee kanina. Napapaligiran pala ng mga puno 'tong Panda Company pero ngayon puro kalye at buildings na. Nung gumuho din yung Alpha-Philips Group building, marami daw namatay kaya medyo nakakatakot daw dumaan sa exit ng lugar na 'to papunta sa main highway pero wala naman talagang kinalaman yung kwento niya sa buhay ko. Nakabalik naman ako sa hotel ko ng ligtas at nagpahinga na.
Angelique's POV
It's so nakakaasar. Jetlag ako. Kadadating ko lang from Korea. Dapat kasi sasabay ako sa flight ni Peter pero fully booked na. I tried the 7PM flight buti na lang at may available pa. Kaya ngayon lang ako nakarating sa Pilipinas. Hindi ko din alam kung what hotel siya nakacheck-in kaya nagcheck in na lang ako sa isang hotel na malapit sa isang village at sa airport.
Pumunta na ako dun para makapagpahinga na. Hahanapin ko pa si Peter bukas. "It's good to be back." I whispered to myself at humiga na.
*Kinabukasan*
Ugh! My head hurts like hell. The eff. How long did----- 8AM na? Omo!! May usapan kami ni Indigo Kim. Pinsan siya ni Peter. Koreano din yan. Lalaki yan ha baka akalain niyong babae. Bestfriend ko yan simula nung grade 1 pa lang ako, before dumating si Zia at agawin si Indigo. Magkikita kami sa Oh Grills ba yon? Is that right? Oh whatever. Don't care as long as I know the route.
Nagmamadali akong magshower and after that pumasok na ako sa walk-in closet. Bakit may walk-in closet? Duh? As if naman na magche-check in ako sa isang cheap na hotel? Hell no. Nagbihis na ako at nagpunta na dun sa resto.
Nagcab na lang ako. Hindi ko pa kasi nahihiram yung car ng Tita ko. Pagkababa ko sa cab. Nagmamadali akong---
Zia's POV
"Zia. Hindi porket bumalik na si Peter dito e magsisimangot at matutulala ka na." Asar na sabi ni Rica. Naglalakad lang ulit kami papasok ng trabaho. Nasundo na ng service yung baby ko siyempre, ganun naman yun araw-araw e.
>>Flashback Starts<<
"Rica. He's back." Seryoso kong sabi.
"Anong he's back? Sino?" Takang-takang tanong ni Rica. Nagbalik na siya Rica. Nagbalik na siya. Pinaupo muna ako ni Rica sa sofa pero hindi ako umupo.
"Si Peter! Peter Axlerod." Unti-unting tumulo nanaman ang aking mga luha dahil sa inis at galit ko sakanya, sakanila ni Jerome.
"Ah! Yung kinukwento mo sa akin? Tss. Girl! Past is past! Wag mo na siyang problemahin." Advice sa akin ni Rica. Kung kaya ko lang edi sana matagal ko ng nagawa. Edi sana hindi na ako apektado sakanya.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya kong pawiin yung galit na nararamdaman ko para sakanila. Galit ako sa mga paasang katulad nila." Iyak kong sabi kay Rica.
"Girl. Umupo nga muna tayo." Umupo naman kami. "Do you still love him?" Tanong ni Rica sa akin. Ano ba namang klaseng tanong yan Rica?! Galit nga nararamdaman ko at hindi pagamamahal.
"Of course not." Sagot ko. "Pinaasa, pinagtripan at pinaglaruan niya ako noon sa tingin mo ba magagawa ko pa rin siyang mahalin?" Dagdag ko. "Tsaka may asawa na ako." Dagdag ko ulit.
"Kasi kung hindi mo na mahal si Peter edi hindi ka na masasaktan ng ganyan. Tsaka 19 years na ang nakalipas. Ang tagal tagal na pero dinadamdam mo pa rin." Tinamaan naman ako sa sinabi ni Rica. Tama si Rica, matagal na nga pero bakit sa tuwing naalala ko yung ginawa nila e naiiyak, nasasaktan, nagagalit at naiinis ako sakanila? Bakit? Dahil ba hindi naman talaga nawala yung feelings ko kay Peter? Dahil ba hanggang ngayon mahal ko pa rin siya?
"Ewan. Hindi ko alam! Basta nagagalit ako sa tuwing nakikita ko siya." Inis kong sabi.
>>Flashback Ends<<
"ZIA!" Huh?
"Ouch/ Ay sorry!"
"YOU DIDNT SEE ME?! UGH! TIGNAN MO GINAWA MO SA DAMIT KO PABO! (STUPID)" Wow? Watch your words missy. Sino ka para sigawan ako?!
"Excuse me? Come again?" Irita kong sabi.
"I SAID YOU'RE A STUPID B---- AH!!!!" Sinigaw niya ulit pero inagaw ko na yung mainit na kape na hawak niya at tinapon sa mukha niyang puno ng make up. Daming sinasabi e. Nakakairitia. Mumurahin pa ako. Natapunan din naman ako kala mo namatay e. Akala ko naman napakamahal ng damit niya e halatang binili lang yun sa cheap store sa Korea.
"Zia! Anong ginawa mo?" Gulat na tanong ni Peter. Holy Shit. Kinakabahan ako. Andito si Peter. Aish. Nag-iinit bigla ang dugo na ewan asdfghjkl!!!
---
Ayan nakapagUD na ako so please I need your feedbacks <3 <3 <3 Ok? Byebyebybebye
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Misterio / SuspensoShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...