TC37

161 8 0
                                    

Dustin's POV

Ang galing niya bumaril pero yung silhouette niya. May naalala ako diyan.

>>Flashback Starts<<

Several years ago...

Nasa bahay kami, nagbibihis kaming lahat para sana sa celebration ng birthday ko. Ang kaso... pagabas namin may kotseng nakahinto sa harap namin.

Isang babaeng nakablack sleeveless red dress, may phoenix tattoo sa kaliwang braso at nakaphoenix mask ang lumabas mula sa kotse. Tumayo siya at walang pag-aalinlangang binaril si Mama at Tita Devonne, siya ang mama ni Danica, sa ulo. Head shot. Ni hindi siya nagdalawang isip na barilin ang mama at tita ko sa harap naming dalawa ni Danica.

>>Flashback Cuts<<

"Dustin?! Are you alright?!" Medyo tumaas yung boses ni Pau nung tinawag niya ako. Kanina pa kaya niya ako tinatawag?

"Dusin? Dustin ba talaga ang pangalan mo?" Tanong ni Jerome. Oo. Dustin talaga ang pangalan ko. Napatingin ako sa paligid. Wala na yung mga trainees, kami na lang pala ang natira. Ang tagal ko bang nawala sa sarili? Nung nabanggit niya yung pangalan ko. Hindi ko alam pero naluluha ako. Masaya ba ako o malungkot?

"O-Oo. Okay lang ako. May naalala lang kasi ako." Sagot ko sakanila.

"Ano naman yang naalala mo?" Tanong sa akin nung babae. Sino ka ba para tanungin ako? Ah siya nga pala yung humabol kanina.

"W-Wala. Tara, magtraining na lang tayo." Pag-iiba ko ng topic.

Jerome's POV

Bumaba na kami ni Zia galing sa rooftop. Nakakalakad naman na siya pero dahan-dahan lang. "Magpapalit na ako ng damit. Mukha akong takas sa mental nito e." Sabi niya sa akin. Gago talaga.

"Wag na wag kang mags-sleeveless." Payo ko sakanya. Hindi ko pa kasi totally nabubura yung tattoo niya. Sa part din ng building na 'to walang CCTV.

"Simula nung araw na yon... alam mo na yon. Never na akong nagsuot ng sleeveless." Kwento niya sa akin.

Nag-iba na kami ng direction. "Head Officer. Nasa training grounds na po lahat ng trainees... suggest ko lang baka gusto niyong gawin na ngayon ang shooting exhibition." Suggest ni Sec sa akin. Paano kaya ako nahanap nito? Hmm, pwede din. Nakalimutan kong may exbhibition pa akong gagawin.

"Sige. Tama ka." Payag ko sa suggestion niya.

Dumeretso na ako sa training grounds at pinasimulan ko na ang shooting exhibition. Nung si Dustin Stefan na... Dustin? Dustin name niya? Shit. Hindi pwede. Bakit may nararamdaman akong lukso ng dugo? Totoo ba 'to o keme ko lang? B-Baka kapangalan niya lang. Hindi maari... Nung matapos ang exhibition, nakatulala siya nung humabol pa si Zia. Para bang may naalala siya.

Andito na kami ngayon sa isang room. Interview-in ko muna sila para mas makilala ko pero si Zia kahit wag na. Kilala ko na yan e... ay hindi may itatanong pala ako sakanya. Una kong iinterview-in si Dustin.

"Good Morning. Hello Dustin." Bati ko sakanya. Ewan. Ang weird ng feeling ko pero... nakita ko na siya dati. Bakit kahawig siya ng ex-girlfriend ko lalo na sa mga mata? Siya kaya... Hindi. 

"Good morning din Head Officer." Bati naman ni Dustin. Bakit nakikita ko ang sarili ko sakanya nung bata pa ako?

"S-Sir na lang itawag mo sa akin." Utos ko sakanya. "So Dustin? Magkwento ka muna ng tungkol sa buhay mo." 

Yumuko muna siya bago sumagot. Bakit kinakabahan ako? "Si Mama lang ang nag-aalaga sa akin kasi iniwan ng tatay ko yung Mama ko nung nabuntis siya nito."

>>Flashback Starts<<

"Jerome. Wag mo akong iwanan. Panagutan mo tong dinadala ko." Pagmamakaawa ni Dane.

"Pasensya na Dane. Ayokong madisappoint ang parents mo, lalo na ang parents ko. Kung gusto mo ipalaglag mo na lang yang bata." Suggest ko. Kahit sobrang labag sa loob ko. Kailangan kong gawin 'to. Para din naman sa aming dalawa 'to e. 

"Isa ba akong candy para sayo na pagkatapos mong kainin ay itatapon na lang ang balat kung saan saan?!" Iyak ni Dane.

>>Flashback Ends<<

Bakit bigla ko yang naalala?

"Pero hindi ako lumaki mag-isa. Magkasama sa iisang bahay si Mama at yung bestfriend niya na si Tita Devonne. May anak si Tita Devonne na babae at yun ay si Danica Stefan." Kwento niya.

"Asan na ang mga mama niyo ngayon?" Tanong ko sakanya. Bat ko yon tinanong sakanya?

"Birthday ko nun nang may bumaril sakanilang dalawa. Babaeng may phoenix mask at tattoo sa left arm niya." Nagulat ako. Si Zia kaya yung tinutukoy niya? E sino pa ba? Si Zia lang naman yung may phoenix tattoo sa left arm niya tapos nakaphoenix mask. Kaya ba tinititigan niya si Zia kanina kasi may naaalala siya? "Kaya ako-- I mean kaya kami sumali dito ni Danica ay para patayin si Agent Phoenica. Pinatay niya ang mga taong tanging nagmamahal sa aming dalawa." Galit at naluluhang sabi ni Danica. Ramdam ko ang galit ng puso niya pero bakit ako tinatamaan sa mga sinasabi niya kanina? Ang bigat ng pakiramdam ko. Bakit ganito?

"Sumali ka para magrevenge? Alam mo bang wala kang patutunguhan sa pagganti? Oo. Masaya ka sa una pero kapag tumagal... iba na ang epekto nun sayo." Payo ko sakanya. Totoo naman kasi. 

"Hindi naman sa ganti. Gusto ko lang ng hustisya para sa pagkamatay ni Mama at Tita Devonne." Sabi ni Dustin. Buong buo talaga ang desisyon niya.

Kailangan kong balaan si Zia. Maraming gustong pumatay sakanya. Delikadong malaman ng iba na siya talaga si Phoenica.

"Ok sige. Sa tingin mo nasan na yung tatay mo ngayon?" Tanong ko. Ay. Bakit ko natanong yun? 

"Sa pagkakaalam ko, president siya ng isang toy company. Nag-asawa't ngayo'y may anak na lalaki din na mas bata sa akin ng maraming taon. Sana naiisip niya yung kagaguhang ginawa niya sa nanay ko noon."

---

2ND UPDATE YIE HAHAHAHAHHAHA

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon