Peter's POV
Tinanggal at dineactivate na ni Dr. T yung red capsule sa katawan ni Zia kagabi--- I mean kaninang midnight. Andito na kami sa recovery room/ward pero nakakadena pa din siya. Si Pau naman pinatulog ko na. Wala bang jetlag yon? Si Jerome natulog na din a room niya sa office niya pero nagising kaya bumalik ulit dito.
"Jerome kung may red capsule si Zia ibig sabihin meron ding red capsule yung ibang biktima? Pati si Dad meron din." Hula ko. Siyempre hindi naman magdudugo yung mga hiwa nila kung wala silang ganun diba?
"Oo nga. Tama ka. Saglit lang irereport ko lang 'to kay Ms. Theresa." Sabi ni Jerome. Binuksan na niya ang laptop niya at nakipagvideo chat na kay Ms. Theresa. Natulog na muna ako pero bakit hindi ako makatulog? Aish. Sobrang pagod na kasi ako sa mga nangyayari.
Zia's POV
Nasan ako? Bakit nakakadena pa din ako? Ang sakit pa ng ulo ko tapos feeling ko pa may nawala na ewan. Bakit hindi ako makatayo? May kadena pa ako sa katawan ano ba yan. Teka... wala ng bumubulong sa akin?! Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala na talaga! Ibig sabihin ba nito payapa na ang buhay ko? Ibig sabihin ba wala ng mangugulo sa akin?! Ibig sabihin ba nito tapos na lahat ng gulo?
"Zia?" Peter? Ikaw ba yan? Peter! Ikaw nga!
"Peter. Pakawalan mo ako dito please baka dumating siya." Utos ko. Pero bakit hindi siya makatayo? Bakit? Anong nangyari?
"Sinong siya?" Pagtatakang tanong ni Peter. Lumapit siya sa akin pero hindi ganung kalapit basta hindi talaga siya makatayo.
"Yung kumocontrol sa akin. Peter, wag mo sanang isipin na nababaliw na ako kasi nagsasabi lang naman ako ng totoo e." Pagmamakaawa kong sabi sakanya.
"May kumocontrol sayo? Sino naman?" Tanong ni Jerome? Oo siya nga. Nakita ko yung mukha niya e. Bakit ang lalaki ng mga eyebags niyo? Puyat ba kayo?
"Oo. Dalawa silang naririnig ko. Isang matandang babae at isang kaedaran ko lang ata na babae." Kwento ko. Sigurado ako sa kinukwento ko.
"Talaga?! Isang matandang babae at isang babaeng kaedaran mo ang nakita ko sa Lim Mansion nung gabing yon." Kwento ni Peter. Nakita niya? Bakit nandun siya? Anong ginagawa niya dun? Andun din ako? Bakit ako nandun?
"Bakit hindi kita ka nakakatayo? Asan ka ba? Bakit ba ako nakakadena dito?" Pag-iiba ko ng tanong.
"Hindi mo talaga ako masyadong makikita kasi may tama yung hita at tyan ko kaya hindi ako makatayo." Sagot ni Peter. ANO? SAN MO NAKUHA YAN?
"HA? BAKIT?! SAN MO NAKUHA YAN? SINONG MAY GAWA?!" Nag-aalala kong tanong sakanya.
"Huh? Hindi mo maalala?" Sabay na tanong ni Jerome at Peter.
"Maalala ang alin? Diretsuhin niyo na kasi ako." Sabi ko sakanila.
"Sinaksak mo ako. Sa tingin ko may kumocontrol nga sayo." Sagot ni Peter. SINAKSAK KO SIYA?! BAKIT KITA SINAKSAK?
"Wala talaga akong maalalang ganyan. Ang huli kong naalala ay nung---- ah... Basta tuwing umaga... nagdudugo yung hiwa ko." Sagot ko sakanila. Sumasakit ulo ko kapag inaalala ko. Tsaka nung huling kita ko dito nagiging peklat na 'to e.
"Zia." Tawag ni Jerome. Tinanggal na niya yung kadena ko sa leeg at kamay, pero yung sa paa hindi pa, kaya nagawa ko ng umupo. "Uulitin ko ang tanong ko sayo noon, naalala mo ba yung nangyari bago ka magkaroon ng hiwa na yan?"
Naaalala ko pa ba?...
>>Flashback Starts<<
Pauwi na ako nun kasi tapos na ang duty ko. Nakakapagod sobra. Magtatricycle na lang ako sobrang napagod ako ngayon e kaso walang dumadating/dumadaan na tricycle aya naglakad na lang ako.
Pagdaan ko sa Lim Mansion bigla na lang namatay yung streetlights. Ang umilaw ay yung mansion. Sa sobrang curious ko naman kung bakit nagkailaw e pumasok ako sa loob.
Sobrang ganda. Sobrang gara pero parang...
Namatay bigla yung ilaw at biglang nagred yung ilaw. ANONG NANGYAYARI?! "AHHH!!!!" May biglang humiwa sa tyan ko at may pinasok pa siya sa loob nito kaya lalo akong napasigaw sa sakit.
Pagkatapos nun, namatay na yung ilaw at pinalabas na nila ako ng duguan. Bigla ring may lumapit sa akin tapos nahimatay na ako.
>>Flasback Ends<<
"Nakita mo ba yung mukha nung gumawa nun sayo?" Tanong ni Jerome sa akin.
Umiling ako. "Nakaface mask sila. Hula ko mga babae sila kasi may nakita akong dbdib e." Sagot ko.
"Ganun ba? Nung midnight nung isang araw... wala ka bang naaalala?" Tanong ulit niya.
"Nung midnight nung isang araw?" Napaisip ako. "W-Wala... si KZ!!" Naalala ko nanaman si KZ. Naiiyak nanaman ako. "P-Pinatay nila ang anak ko. Muntik pa nilang patayin si Rica." Hagulgol ko sakanila.
"Nila? Ibig sabihin... hindi talaaga ikaw ang pumatay kay KZ?" Tanong ni Peter.
"PETER. TANGA KA BA? SINO BANG INA ANG GUSTONG PATAYIN ANG SARILI NILANG ANAK HA?!" Napasigaw ako ng dahil sa tanong niya. Natahimik siya. Pinagbibintangan pa ako. "Silang dalawa. Pinapalabas nilang ako ang pumapatay para mabaling daw ang atensyon niyo sa akin at hindi sakanila."
"Naririnig mo pa ba sila?" Seryosong tanong ni Jerome sa akin.
Umiling ako. "Hindi na. Wala na akong naririnig simula nung paggising ko." Sagot ko.
"Kaya ba madalas kang tulala dati dahil naririnig mo sila?" Tanong ni Peter sa akin.
"Oo. Pinapakinggan ko ang bawat sasabihin nila. Narinig ko pang nagbabalak silang palawakin ang nasasakupan nang pulang buwan nila." Kwento ko pa.
"Ano? Kelan nila gagawin?!" Tanong ni Peter.
"Hindi ko alam basta sabi nila malapit na daw." Sagot ko. "Nasan nga pala si Rica? Dalhin niyo ako sakanya." Pagrerequest ko. Gusto ko siyang makita.
May kinuha si Jerome at tumuntong sa upuan. Tinakpan niya yung ilaw ng kulay pulang cellophane tapos pinakitaan nila ako ng drawing na buwan na naging pula dahil dun sa cellophane. "Ano bang kagaguhan yang ginagawa niyo?" Tanong ko sakanila.
"Okay na nga siya." Sabi ni Peter kay Jerome. Ha? Anong okay?
---
YEHET. LOL FEEDBACKS NAMAN NAWAWALAN NA AKO NG PAG-ASANG MAGUPDATE PA HAHAHAHHAA :----------(
-ANMN
![](https://img.wattpad.com/cover/9013541-288-k660668.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Misterio / SuspensoShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...