TC29

188 9 1
                                    

Peter's POV

Andito na kami sa Panda Main Lobby. "Miss, please put these bags on room 908." Utos ni Jerome sa mga maids ng Company.

"Yes sir." Tugon ng maids at kaagad na kinuha ang mga gamit ni Pau.

"Wow. Oppa! (Kuya!) This building is really so luxurious." Pagpupuri ni Pau sa Company. Ignorante tignan hahaha. Oo nga pala, lahat ng structure ng lahat ng branches ng Panda Company pati na rin sa Main ay pare-parehas lang. Idea yon ng yumaong asawa ni Ms. Theresa pero ang blueprint credits kay Lady 360.

"Of course. Our legendary assassin made the blueprints." Sagot ko. Nakakaproud kasi. Idol ko kaya si Lady 360. Bata pa lang ako, kilala ko na siya kasi nga yung step-dad ko diba tapos yun.

"But oppa (kuya). Who is he? And what are you doing here?" Naguguluhang tanong ni Pau. Matalino rin pala to? HAHAHA. Siyempre mana sa akin, I mean kay Mama.

"He's Jerome. My childhood bestfriend and also the head officer of the Philippine Branch. Jerome and Mr. Kim have the same positions. Head officers are like the president of a certain company. Our Main Head Officer, Ms. Theresa is the president of all presidents---"

"Peter. Are you going to tell her everything? You know the consequences for this right?" Paalala ni Jerome sa akin. Oo naman bakit hindi? No choice. Kailangan niya maging agent para mabantayan niya sarili niya.

"Yes I know and I am willing to let her be an agent." Sagot ko. "Paano naman sila Rica at Zia? Ano bang plano mo sakanila ha?" Pabalik kong tanong sakanya.

"Gagawin ko naman talaga silang agents. Hindi nga lang talaga ngayon. Siguro sa tamang panahon." Sabi ni Jerome. Binago ni Ms. Theresa ang lahat ng rules pwera sa rule na 'to.

"Oppa? (Kuya?) Agent? You are willing to let me be an agent? What? I don't really understand. Please explain this to me." Naguguluhang tanong ni Pau.

"Let's continue this conversation inside my office." Pagpuputol ni Jerome kay Pau at tinulak ang wheelchair ko.

Pumunta na nga kami sa office ni Jerome. 

"So tell me now!!" Sigaw ni Pau. Yung boses talaga neto kahit kelan!

"Ok fine. Fine." Sagot ko. Atat kasi. "Panda Company isnt just a toy company that everyone knows. Actually, this is a legal agents incorporated company founded by Mr. Paulo Lim and continued by his successors---"

"Is this the Angle Agency before?" Tanong ni Pau. May alam siya? H-How... 

"How did you know that?" Gulat na tanong ni Jerome kay Pau.

"I.... I'm sorry oppa if I open your things secretly. I'm just curious about your job so I did that. Sorry." Pau. Kaya pala.

"So, why are you asking us to explain to you what's happening when you already know it?" Sarcastic kong sabi sakanya.

"Of course so you wouldn't doubt me. Duh?" Pagtataray ni Pau tapos biglang nagpacute. Kung hindi kita kapatid baka nasapak na kita.

"Ms. Pau Axlerod can you understand tagalog?" Tanong ni Jerome. HAHAHAHAHA Nahihirapan na ata mag-english.

"Yes I can but I can't speak tagalog." Sabi ni Pau. Tinuturuan ko siya minsan magtagalog pero dahil nasa bahay kami ni Dad kailangan english talaga ang language na gagamitin.

"Ok. Ms. Pau Axlerod. Hindi biro ang trabaho ng mga agents dahil buhay nila ang nakataya dito. Nagstart silang magtraining since high school and after 5 years of training mapopromote na sila bilang newbie agents. May mga batas din kami dito. I-e-explain ko sayo yung mga batas na yon.

Rule #1: If a civilian discovered your agent life, you need to ask them these two options. 'To die or to train to be an agent.'

Sa rule na to... well naexplain na rin naman kung anong nilalaman ng rule na yan. Hindi ka naman siguro boba diba. Last rule.

Rule #2: No one should mind other agent's mission. Mind your own business.

Sa rule na 'to ang pinakakinagagalitan ni Ms. Theresa. Bawal mangielam ng mission ng may mission." Explain ni Jerome sakanya.

"Why?" Interisadong tanong ni Pau. Interisado na siya. Buti naman.

"Yan kasi ang naging dahilan kung bakit nagfail ang mission ni Lady 360 at kung bakit maraming namatay nung time nila. Ang parusa pala kapag may nalabag ka ay death penalty." Sabi ni Jerome. Oo death penalty ang parusa kahit top agent ka pa walang sinasanto ang batas na yan.

"Trainee ka na for 5 years starting today." Sabi ni Jerome. May kinukuha si Jerome sa cabinets niya. Contract ata yon.

"Oppa! (Kuya!) I'm going to be an agent? Wow! Daebak (Awesome)." Natutuwang sabi ni Pau. Akala mo magandang maging ganto?

"Akala mo madali. Prepare yourself. Oo nga pala patuturuan ko din pala 'to ng tagalog." Sabi ko. Bakit? Wala lang. Siyempre nasa Pilipinas na siya.

"Ok sige tatawag na ako sa training officer." Tumawag na nga siya. "Hello. This is Head Officer. May bagong recruit. She's the step-sister of Agent XY... Yes... Oo sige... Starting tomorrow?... Ok bye."

"I'm excited." Nakangiting sabi ni Pau. Haynako.

"Pau. What happened before Dad die?" Pag-iiba ko ng topic.

"He was arguing with someone over the phone. I heard it's about a murder case. After that, he excitedly take his last bath." Nalulungkot na sabi ni Pau tapos ngumiti siya. Kahit naman ngumiti siya halata kong nasasaktan siya.

"Mr. Kim said that you often saw this old lady?" Tanong ko sabay pakita ng picture ni Gwendelyn Rocha kay Pau.

"Yes. Why? Is she the one who did that brutal murder to Dad?" Naiiyak na tanong ni Pau.

"We suspect her but we're not yet sure." Sabi ni Jerome.

"Wait... I start seeing that old lady since last... last week." Sabi ni Pau.

"Last week? Since last last week ko rin siya nakita... paano mangyayari yon?" Sabi ko. "We were seeing the same old lady at the same time?" 

"Ang sabi ni Mr. Kim, hindi lang siya nakikita sa Pilipinas at Korea pati na rin sa lahat ng branches." Dagdag na kwento ni Jerome. Hawak na niya yung contract. Pinapirmahan na niya 'to kay Pau.

"What if she's or they're just distracting us?" Sabi ni Pau. What do you mean?

"May point ka. Malay niyo nga nililito lang talaga tayo ng totoong killer. Pinapalabas na siya yung killer para yan ang paghinalaan at pag-aksayahan natin ng oras pero ang totooo hindi naman talaga siya." 

---

What do you think sexy readers? OKE FEEDBACKS

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon