TC20

195 7 0
                                    

Peter's POV

2 weeks na rin ang nakalilipas simula nung nangyari ang insidente kay Zia. Nakakapagtaka nga nung nanahimik ulit yung mga criminal. Naka-1 month leave si Zia sa trabaho niya para makapagpahinga pero ang balita ko balak na raw nilang magsara. Si Rica, may pinupuntahan siya pero hindi niya sinasabi sa akin. Okay lang hatid sundo naman siya ng isang agent, ganun din si KZ. Heto naman ako binabantayan at inaalagaan si Zia.

Malakas ang senses ko, palagi kong nararamdaman na may nagmamanman dito sa paligid ng bahay nila Zia tuwing gabi kaya nilagyan ko ng Hybrid barrier. Medyo nawawala sila pero alam kong hindi sila titigil, wala silang plano tumigil. Lalo pa't nagawa na nilang saktan si ZIa. Dito na ako kina Zia nakatira. Pinakuha ni Jerome yung mga gamit ko sa hotel at chineck-out na rin ako.

"Peter. Anong balita dun sa gumawa nito sa akin?" Tanong ni Zia sa akin. Sorry Z, wala pa rin e. Umiling na lang ako. Naaawa na ako kay Zia e. This mission is really hopeless. 

Natulog na lang ulit siya. Binuksan ko ang laptop ko at nagbasa ng previous missions ng Angle Agency. Marami-rami na din pala pero nakita ko ang isang document 'Family History Issue/Abduction Mission' Ano to? Binuksan ko yung file. Tinignan ko kung sinong agents ang humawak. 'Lady 360, Chief 900, Agent 180, Pro 90, Shawne' Oh? Andami naman. Hindi ba yan kayang i-hold ni Lady 360 nang mag-isa? Tinuturing na Legendary Assassin si Lady 360 kahit hindi naging maganda yung last mission niya.

Sa pagkakaalala ko kasi, yung last mission daw ni Lady 360 ay continuation nung Abduction Mission na hinawakan nila Chief 900, Agent 180, Pro 90 at Shawne. Sinolo niya ang mission na yon tapos bigla na lang daw nawala si Lady 360. Maraming nagsasabing iniwan na niya ang Agent Life dahil matagal na daw niyang gustong mamuhay ng payapa pero hindi ako naniniwala sa rumors hanggat hindi ko napapatunayan na totoo yon. Walang naman talagang nakakaalam ng tunay na dahilan at kung anong nangyari noon. Hihintayin ko yung araw na babalik siya. Malaki ang pakiramdam ko na babalik siya, at sa pagbabalik niya matatapos na ang lahat ng 'to.

Patuloy kong binasa ang document na sobrang nakakagulat. Andito lahat ng rebelyon tungkol sa nakaraan ng Lim Family. Hanggang sa matapos kong basahin... si Lady 360 ang nagsulat nung docu? Ganon naman daw kasi kapag mission mo noon. Gagawin mong documentary. Dapat andun lahat ng nangyari, walang labis at walang kulang.

Binasa ko ulit yung docu at in-analyze kong mabuti. Wow... ang laking coincidence naman to. Parehas yung nangyari ngayon sa nangyari noon. Nakalagay dito.

'It was my first day in classes when my despicable step-sister (which I lately found out to be my real sister) tripped me. I don't know how or why the impact was so hard that it would leave this shitty straight wound on my forehead.'

Diba parehas? First week ni Zia dito. May sugat din siya pero sa tyan nga lang tapos straight... Conincidence lang kaya o sinadya? Nagiging CSI na tuloy ako. Hindi naman magka-ano ano si Lady 360 at Zia... Hay. Sumasakit na talaga ang ulo ko. Sinara ko na muna yung laptop.

Nagluto na lang ako ng pagkain namin ni Zia. "Wow, ang bango." Nakangiting sabi ni Zia. Nakakatayo naman na siya pero hindi pa niya kaya yung walang hawak. 

"Siyempre ako nagluto e." Pagmamalaki ko sakanya habang nilalagay ko sa bowl yung pagkain.

"Sus." Sabi ni Zia. Ang ganda niya talaga kahit ang messy ng hair niya, kahit nakashirt siya na loose at cycling shorts lang. Sobrang attractive--- "Ano? Ayaw mo? Akin na lang 'to ha sige ka."

"Sayo naman talaga lahat ng yan." Nakangiti kong sabi sakanya at umupo na rin para samahan siya.

"Sa akin? Sure? Pinapataba mo talaga ako eno?" Natatawang sabi ni Zia. Ang cute mo kasi kapag chubby ka. Sobrang cute. Hindi ko kailangan ng babaeng sexy.

"O teka maliligo lang ako ha? Dito ka lang. Wag kang aalis. Wag ka ring lalabas. Kapag may tao puntahan mo ako sa CR." Paalala ko sakanya.

"Arasseo. (I get it.)" Sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

Naligo na ako. Pagkaligo ko. "Ahhhh~" Tili ng isang babae. Zia. "ZIA?!!" Sigaw ko galing sa CR. Ay shit. Nagmamadali akong lumabas ng CR at pinuntahan siya sa kitchen. Chineck ko yung buong bahay pero wala si Zia. Wala si Zia sa bahay. NASAN SI ZIA?! 

Nagbihis na agad ako at lumabas ng bahay. May namatay nanaman panigurado. May mga tao sa paligid pero hindi nila nilalapitan yung bangkay. Bakit? May saksak 'to sa leeg at nakaluwa pa ang bituka. Shit. Ang brutal. Buti na lang talaga hindi si Zia 'to. Buti na lang talaga. 

Nilapitan ko yung isa sa mga taong nakapaligid. "Manong." Tawag ko sakanya ng buong galang. Nagulat naman yung lalaki sa pagtawag ko. Hindi siya sumagot at tinignan lang ako. "Bakit hindi niyo po nilalapitan yung bangkay? Bakit ayaw niyong tulungan?" Tanong ko sakanya.

"A-Ayaw naming madamay. Ayaw. Ayaw. Ayaw. Ayaw. Ayaw. Ayaw." Iyak nung lalaki habang nakatakip sa tenga at pumasok na sa loob ng bahay niya at paulit ulit na sinasabi yung salitang 'ayaw'. Anong nangyayari? Tinext ko si Jerome at nireport sakanya yung nangyari. Ilang minuto lang ay dumating na ang SWAT at PNP kasama si Jerome at ilang Star Agents ng PH branch.

"Napag-alaman namin na isa siyang dayo. Bagong lipat lang din. Kahapon lang siya dumating galing Russia." Kwento ni Jerome. Hanggang information lang ba ang kaya niyong malaman? Hindi niyo ba kayang matuklasan kung sino ang may gawa ng mga 'to? Ganyan ba kayo kahina? "Nasan si Zia?" Tanong bigla ni Jerome. Shit! Si Zia nga pala. Saan ba kasi nagpunta yon? Alam naman niyang delikado tapos lalabas labas siya ng hindi nagpapaalam sa akin at kahit magpaalam siya hindi ko rin naman siya papayagan. 

"N-Nasa bahay lang." Pagsisinungaling ko. Papagalitan ako kapag nalaman niyang pinabayaan ko si Zia bale white lies lang 'to.

"Ganun ba? Sige. Bantayan mo siya ng mabuti ha. Ayokong makakarinig na bigla na lang siya nawala dahil hindi mo nabantayan ng mabuti." Sabi ni Jerome. Oh shit shit shit. Yan yung sinasabi ko.

"O-Oo ako ng bahala sakanya." Nauutal kong sabi.

"Sige alis na kami." Paalam ni Jerome sa akin.

"Sige." Sagot ko at umalis na nga sila dala-dala ang bangkay. Palala ng palala yung nangyayari dito. Nag-uumpisa na naman. Kailangan ko ng maging handa sa mga mangyayari. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Zia. Ikamamatay ko. Lalo na kapag ako pa ang dahilan dahil napabayaan ko siya.

---

AYAN SORRY SA LATE UD. HAHAHAHA~ ITO NA MALAPIT NA YUNG SUNOD SUNOD NA UD DAHIL PATAPOS NA ANG STORY NA TO SA NOTEBOOK KO ITYTYPE KO NA LANG. OK FEEDBACKS.

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon