Zia's POV
Nasa room kami ngayon ni Jerome. Sa room niya sa office niya. Hindi alam ng Main Head Officer na may iba pang nakakaalam ng tungkol sa mission na 'to kaya dito kami sa room niya nag-uusap. Baka kasi may magtanong sa Main Head Officer ng tungkol sa mga pinagsasasabi namin. Mabigyan pa kami ng penalty.
"Iba. Iba ang dating niya sa akin. May nagbago sakanya. Oo, nung una masaya ako pero nung nayakap ko na siya. Iba. Iba talaga" Kwento ko sakanila.
"Nadala lang siguro tayo ng pagkagulat kaya hindi natin naisip na baka ibang tao yun." Sabi ni Peter habang nakaupo sa kama.
"Onting tao lang ang nakakaalam ng lugar na 'to pwera na lang kapag sinabi sayo ng government atsaka paano nalaman nung old lady na nandito si Zia?" Tanong ni Jerome. "Sino bang naghatid sa bata? Nakita niyo ba yung mukha?"
"Hindi ko nakita kasi nakatalikod ako nung tinawag niya ako." Sagot ni Peter.
"Grabe naman kayo. Baka naman kasi hacker yung tao o kaya nalocate niya ako kaya alam niya kung saan ihahatid si KZ o kaya naman nagtanong nga sila sa government." Sabi ni Rica. May point ka naman... pero paano naman niya nalamang dito dapat dalhin si KZ?
"Sino pala yung batang nasa puntod?" Pag-iiba ko ng topic.
Rica's POV
Nung tinanong ni Zia yon... *remembers everything*
"Z-Zia. Tungkol pala diyan...."
>>Flashback Starts<<
11:30 PM. Inabangan ko rin si Zia na bumangon kaya binutas ko yung dingding ng kwarto ko para abangan siya. 11:58 PM nung bumangon na siya. Nakita kong namumula na ang mga mata niya at parang wala na sa sarili. Nung nakalagpas na siya, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko at pagpunta ko sa salas, wala na siya. Kaya naman sumilip ako sa labas. Biglang may dumaan na kagaya ng sitwasyon ni Zia kaya nagtago agad ako. Nung sumilip ulit ako wala ng tao doon.
Naghintay pa ako pero wala na kaya napagdesisyunan ko ng pumasok pero bigla akong nakarinig ng sigawan. Agad akong nagtago at sumilip. Nakita ko si Peter na hinahabol ng taong bayan na pulang-pula na ang mga mata at may mga hawak na mga patalim.
Sa sobrang takot ko, nilock ko agad yng gate at pumasok sa loob ng bahay. Ni-lock ko rin yung pinto at hinarangan pa ng sofa. Sumilip ako sa bintana at may nakatingin sa akin na matandang babae at isang babaeng kaedaran ko lang. Sinara ko agad ang bintana at pumunta na agad sa kwarto ni KZ. Nilock ko ang pinto at hinarangan pa ng aparador. Nakaya kong itulak yon dahil dati nga akong lalaki diba? Sa ingay ng aparador nagising ko si KZ.
"Tita? Why? What's happening? What's that noise all about?" Tanong niya. Niyakap ko agad siya ng mahigpit.
"Nothing honey." Iyak ko sakanya.
Nakarinig ako ng tunog ng chainsaw na parang sinisira yung gate namin. Jusko. Tulungan niyo kami.
"TI--" Tinakpan ko agad ang bibig ni KZ.
"Honey. Shh. We should hide." Bulong ko sakanya kaya nagtago kami sa ilalim ng kama. Wala kasing ibang pwedeng pagtaguan dito. Kung may butas o pinto lang sa likod ng bahay edi sana kanina pa kami tumakas pero wala. Narinig kong nabuksan na nila yung gate. Diyos ko. Sana buhayin mo si KZ. Narinig na din naming sinisira nila yung pinto, hindi nila agad mabubuksan yon. Pinagdugtong ko yung dalawang sofa tapos nakasandal na sa pader.
Illustration:
PINTO
S
O
F
A
PADERMaya-maya may bumasag na ng bintana. "Tita. What's that? Who did that?" Iyak na tanong ni KZ.
"KZ. KZ. Shh... Kung may mangyayaring masama sa atin lagi mo lang tatandaan na love na love na love na love ka ni Tita Rica, Peter Appa (Dad) at lalo na ni Zia Eomma (Mom) mo ha?" Paalam ko sakanya. Naiiyak ako ng sobra. Sana mabuhay kami. Okay na kung mamamatay ako basta mabuhay lang siya.
"Waeyo? (Why?) Tita, a-are they going to kill us?" Natatakot na tanong ni KZ.
"Y-Yes honey. Ihanda mo na ang sarili mo. I love you." Iyak kong sabi sakanya habang yakap yakap ko siya.
"No. We can't die without doing anything Tita." Sabi sa akin ni KZ. Naiiyak na siya sa takot.
"I tried but there's no other way to escape from them." Sagot ko sakanya.
Narinig naming sinisira na nila yung pinto ng room ni KZ. Napayakap ako sakanya ng mahigpit.
"Ipikit na lang natin ang mga mata natin." Bulong ko kay KZ.
"Tita saranghaeyo (I love you) If you survive please tell eomma (mom) that I love her so much." Paalam ni KZ sa akin.
Ilang saglit lang ay may humatak sa amin. "TITA!!!!!!" Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Tanging pag-iyak na lang ang magagawa namin.
Dinala nila kami sa sofa. Pupugutan na dapat ni Zia ng ulo si KZ pero sumigaw si KZ. "EOMMA! DON'T DO IT PLEASE. DON'T LISTEN TO THEM. I KNOW THEY'RE CONTROLLING YOU. I KNOW YOU ARE STRONG. EOMMA SARANGHAEYO (I LOVE YOU)" Napatigil si ZIa. Medyo nagw-white na yung mga mata niya. '"FIGHT THE DEMONS INSIDE YOU." Sigaw ulit ni KZ. Ibinaba ni Zia yung chainsaw pero hindi ata 'to nagustuhan nung dalawang matanda kaya inagaw nila yung chainsaw kay Zia. Papatayin na dapat nila si KZ ng binato ko yung matanda. Nabaling sa akin ang attention niya. Nilapitan niya ako. "TITA!!!" Sigaw ni KZ. Pinukpok ako nung matanda ng chainsaw sa ulo.
Pero bago ako mawalan ng malay, nakita ko. Nakita kong pinatalikod nila si Zia. "BITAWAN NIYO AKO!!" Pagpupumiglas ni Zia. Nakita kong pinagpalit nila ang dalawang bata. Inilabas nung isang babae si KZ. Ibang bata ang pinatay nila sa pamamagitan ng pagchainsaw sa mukha nito. Saka nila pinaharap si Zia. Hindi makilala ang bata kaya inakala ni ZIa na si KZ yun.
>>Flashback Ends<<
---
O AYAN ELO ELO HAHAHAHAHAHA UPDATES ULIT PARA MATAPOS NA AGAD. IEEDIT KO MUNA YUNG TWIOP AT ITO BAGO KO ISUNOD YUNG STORY NA SINUSULAT KO NGAYON.
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mistero / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...