TC11

299 9 2
                                    

Jerome Ferrer on the right -->

Zia's POV

Tapos na shift namin kaya umuwi na din kaagad kami ni Rica. Si KZ pala hatid sundo na din ng service niya. Dumating na din si KZ.

"Hello my dear." Bati ko. Pagod ako ngayon kaya si Rica na ang nagluluto ng merienda. Umupo agad ako sa sofa namin hays sobrang pagod ako ngayon.

"Hi eomma (mommy). Eomma, my adviser gave me this. She said I should give this to you." Sabi ni KZ. Inabutan niya ako ng paper. Ano 'to? May nagawa bang kasalanan ang anak ko at pinapatawag ako sa school? Hindi naman siguro, wag kang nega Zia. Kalma.

Good Afternoon Parents/Guardians,

    We would like to inform you that there will be a parents orientation tomorrow at 1 o'clock PM sharp onwards. We're expecting your presence and cooperation. Thank you and have a nice day.

Sincerely yours,

Ms. Principal. 

Ah. So magha-half day ako bukas? Okay sige ayos lang sa akin. "I'll come tomorrow baby. Just wait for me huh?" Sabi ko sakanya. Nasa tabi ko lang naman siya e.

"Nae eomma (yes mom). I'll go to my room now and finish my homeworks." Sabi ni KZ. Sipag naman ng baby ko.

"Okay baby pero baba ka mamaya para kumain ng merienda ha?" Sabi ni Rica. 

"Nae (Yes) Tita." Masayang sabi ni KZ at pumasok na siya sa room niya.

"O ano daw yang sulat na yan?" Tanong ni Rica. Naka-apron pa pero bagay sakanya hahaha joke lang. Bagay magkatulong may future dejoke nga lang e. Hahahahahaha.

"Parents orientation daw nila KZ bukas. Ako na ang pupunta. Magpapaalam na lang ako kay manager." Sabi ko pero bakit ako kinakabahan? Parents orientation lang yun. Ano nanamang kayang meron? Baka hindi ako papayagan? Hays sana payagan ako.

"Ganun ba osige sige sabi mo e." Sabi ni Rica.

*knock knock* 

Sino naman yon? Si Rica na ang lumabas para pagbuksan ng pinto yung kumatok. Sino yon?

"Zia! Ikaw ang hinahanap. Girl... Pogi bet ko." Kinikilig na sabi ni Rica. Ha? Sino yun?! Sinong pogi?

"Ha? Sino namang maghahanap sa akin?" Tanong ko. Nagtaka ako kasi kakauwi pa lang namin galing Korea e imposibleng may nakahanap na agad sa amin. Diba nakakapagtaka.

Lumabas na ako. Sino 'to? San ko 'to nakilala? May utang ba ako dito? Isa kasi siyang lalaki na nasa 30's matangkad at slim. Sino ba 'to ngayon ko lang nakita ko kahit medyo familiar sa akin yung mukha niya. Ayokong pagbuksan 'to hindi ko naman kilala. Bahala siya dyan. Pabalik na sana ako sa loob nung tinawag niya ako. Nakakakaba. Ito bang dahilan kung bakit ako kinakabahan kanina?

"Hoy Zianell." Kilala niya ako? Nakakatakot na. Stalker ba siya o ano? Hala. Tatawag na ba ako ng police? Bakit kilala niya ako? Hoy din tawag niya saken? Hala. 117. 117. 117.

Humarap na ulit ako sakanya. "N-Nae? (Y-Yes?)" Tanong ko. Sabay kamot ko sa ulo. Bakit ako nagkorean? 

"Hayop. Ilang taon lang ang lumipas nakalimutan mo na ako. Grabe. Tss." Wait... may naalala ako sa boses mo... HALA?! INDIGO KIM? WEH? IKAW YAN? BAKIT ANG TANGKAD MO NA? MAS MALIIT KA PA SA AKIN NOON AH! HALA!

"I-Indigo Kim?" Tanong ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung si Indigo nga 'to medyo kaboses e. Pero malay niyo diba si Indigo 'to.

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon