TC14

248 6 1
                                    

Jerico Ferrer (Eco) on the right -->

Zia's POV

Nanaginip ako kanina. Nakapulupot daw ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung panaginip ba yon o totoo na tapos may nagpainom pa daw sa akin ng gamot. Hindi ko makilala kung sino pero nakaaninag ako ng dalawang lalaki. Alam kong lalaki yun kasi maiiksi ang buhok e tsaka nakapolo, basta alam ko lalaki.

Teka nasan ba ako? Bakit ba may mabigat dito sa. "AHHH!!!!" Tili ko. Tinulak ko yung lalaking nakayakap sa akin. "MANYAK KA!! RAPIST!" Sigaw ko at napatayo pa ako habang nakataklob ang kumot sa buong katawan ko. Bale ulo lang kita sa akin ngayon.

Chineck ko yung katawan ko, nagbago yung suot kong damit. Napalingon ako sa couch. Andun yung damit ko. OH MY GOD!!! ANONG NANGYARI KAGABI?!!!

"HOY!! MANYAK! ANONG GINAWA MO SA AKIN? MANYAK KA!! RAPIST!! MANYAKIS!!!! ANG DAPAT SAYO IPAKULONG!!" Naiiyak kong sigaw habang binabato yung lalaking nakaupo at nakatalukbong ng isa pang kumot. Maraming kasing kumot dito sa kwarto. "SINIRA MO ANG PAGKABABAE KO! NAPAKASAMA MO!!!"

Tumayo muna yung lalaki at saka sumigaw. "PWEDE BANG WAG KANG OA?! HINDI KITA GINALAW!" Peter? Natulala ako sa ginawa niya.. Sobrang lakas kasi ng boses niya. Sobrang nakakatakot. Nangatog bigla yung mga paa ko. "Oh look I'm sorry. Nahimatay ka kasi pagkatapos nung orientation kaya dinala kita, si Eco at yung anak mo dito sa hotel unit ko. Bigla ka na lang nagising, umiiyak at nakahawak sa ulo mo. Nataranta ako, buti na nga lang dumating si Indigo. Doctor siya kaya alam niya ang gagawin niya sayo. Inabutan niya ako ng gamot para sa migraine mo at pinainom ko naman yun sayo tapos kinagabihan tumawag ulit yung Rica sa phone mo. Kinuwento ko sakanya yung nangyari tapos pumunta siya dito sa unit ko. Sinundo niya yung anak mo. Isasama ka na dapat niya kaso ang himbing ng tulog mo at nakakaawa naman kung iistorbohin ka pa niya kaya nagvolunteer ako na ihatid ka na lang kinabukasan sainyo. Pumayag naman siya at nung umalis na sila, dumating naman si Jerome at sinundo si Eco. Nung mag-11 bigla ka na lang inapoy ng lagnat. Pinapalitan ko ang damit mo sa mga HOUSEKEEPERS ng hotel na 'to para maging kumportable ka. Kinukumbulsyon ka kaya niyakap kita." Paliwanag ni Peter. Binigyan niya ng emphasis yung housekeepers. Wow... Na-speechless ako. "Kaya pwede wag kang mag-ambisyon diyan." MATOTOUCH NA DAPAT AKO E.

"Salamat. O? Masaya ka na?" Sarcastic kong pasasalamt. Naiirita ako dun sa huli niyang sinabi. "Excuse me. Hindi ako nag-a-ambisyo! Kahit sinong tao naman ang magising sa ibang lugar na may nakayakap sakanila at iba ang damit, mapapaisip talaga ng ganun." Naiirita kong sabi sakanya. Nakakawala kasi sa mood.

"Is this what I get everytime I'm helping you?" Seryosong tanong ni Peter. Sinipa pa niya yung upuan sa sobrang inis.

"Ikaw pa ang galit? Alam mo ang hirap mong ----" Nakatitig siya sa akin. Naguilty ako. Naiilang ako. "S-Sorry." Yan lang lumabas sa bibig ko. Naguguilty ako ng dahil sa pagtitig niya. Tama nga naman kasi siya. Lagi siyang nandiyan kapag nangangailangan ako ng tulong. Tinutulungan niya ako tapos ako naman ito, sinusungitan pa siya pero kasi naman diba tama bang idagdag pa niya yung huli niyang sinabi nakakainsulto.

Nakatitig pa din siya. "Apology accepted." Sabi ni Peter tapos ningitian niya ako bigla akong nakaramdam ng kilig sa mga ngiti niya--- aish!!! Ano ba tong naiisip ko? Siguro may hangover pa ako sa sakit ko? Siguro nga.

"Hindi naman kasi tamang dugtungan mo pa yung heart-touching speech mo ng ganun diba? Nakakabadtrip. Bati na tayo NGAYON. Bakit ngayon lang? Kasi galit pa rin ako dun sa ginawa niyo noon." Seryoso kong sabi. Hinding-hindi ako nakakalimot. Mahirap magpatawad, mahirap makalimot.

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon