Jerome’s POV
Ayaw lumabas ni Peter sa kwarto niya. Ano nanamang ine-emote nun? Parang si Zia lang. Naguguilty ako sa ginawa kong pagtatraydor kay Zia. Para naman kasi yun sa mga anak ko at sa iba pang mga tao. Hindi ko tuloy kayang magpakita kay Zia. Kailangan ko pa palang makausap si Peter tungkol sa kaso na ‘to.
“Sir, hindi po talaga siya lumalabas sa room niya.” Sabi ni Sec sa akin.
“Ganun ba? Ok sige ako na ang pupunta sakanya.” Sabi ko. Lumabas na ako ng office ko at nagpunta na sa room niya.
Habang naglalakad ako, bigla na lang akong kinabahan. Bakit kaya? Aish. Baka nasobrahan na ako sa kape. Nung nasa tapat na ako ng room niya. Sinubukan kong buksan ang pinto niya pero nakalock.
“Peter.” Tawag ko habang kinakatok siya.
“LEAVE ME ALONE!” Sigaw niya. Ano bang pinagdadrama neto?!
“Peter... Agent XY open this door. THAT’S A COMMAND!” Utos ko sakanya.
“NO.” Sagot niya. Matindi 'to ha.
Ang hindi niya alam na pwede akong makapasok dahil may secret fingerprint pass sa may pito sa taas ng doorknob nilang lahat na tanging fingerprint ko lang ang babasahin. Ayun nabuksan ko na! Nagulat siya. Nakita ko siyang nakaupo at umiiyak.
“Papaanong…”
“Secret. Ano bang pinagdadrama mo dito? Si Rica?” Tanong ko sakanya.
“Ano bang paki mo?” Suplado niyang tanong.
“Anong paki ko? May paki ako dahil ako ang head officer mo… At kaibigan mo ako.” Sabi ko pa.
Pinunasan niya ang mga luha niya at umayos ng upo. “Paano kapag may nangutos sayo na pumatay ng tao pero hindi mo alam na yung taong papatayin mo pala ay yung mahal mo ngayon?” Tanong ni Peter. ALAM NA NIYA?! PAANO NIYA NALAMAN?! Pero buti epektibo sakanya yung plano ko.
“SI Zia ba yung babaeng tinutukoy mo? Siya ba si Zianell B. Monroe?” Tanong ko. Hirap magpainosente kapag marami kang alam.
“Oo siya nga. Hindi ko na alam gagawin ko. Kung papatayin ko pa rin ba siya o tatanggapin ko na lang yung penalty for two weeks. Gulong-gulo na ako. Ang matindi pa dun halos isang taon na niya tayong niloloko.” Sabi ni Peter. Well ako kasi matagal ko ng alam.
“Sundin mo na lang kung ano yung nasa puso mo. Kung ano yung UNA mong minahal.” Sabi ko. Hindi ko lang masabi na patayin mo na lang si Zia dahil yun naman talaga ang mission niya. Masama na kung masama. Oo bumaliktad na ang plano ko dahil hindi ko kayang isuko si Zia kay Ms. Theresa. Mabubuhay nga ako pero habang buhay ko namang dala-dala ng konsensya ko ang pagkamatay niya.
Zia’s POV
Nailibing na nila si Rica. Ngayon ay nasa tabi lang ako ng grave niya. Nakaupo, inaalala ang mga masasayang alaalang naibigay niya sa akin.
“Zia eonnie (ate). Condolence po.” Sabi ni Pau sabay bow.
Napatayo ako sa pagdating nila. “Okay lang.” Sabi ko. Hindi ako nagpapasalamat dahil sabi sa pamahiin kapag nagsabi ka daw ng salamat ay parang natutuwa ka pa daw na namatay yung kamag-anak mo. Pamahiin lang naman pero wala namang masama kung susunod diba?
“Condolence din po.” Sabi ni Dustin. Tinanguan ko na lang siya.
“Kayo na pala. Congrats.” Sabi ko sakanilang dalawa.
“Ay, thank you po.” Kinikilig na sabi ni Pau. Nakangiti naman si Dustin. Hawig sila.
“Payo ko lang sainyong dalawa, kapag may problema kayo pag-usapan niyo ng mabuti ha? Hindi yung break agad ang solusyon. Kapag may nagawang kasalanan magsorry na agad hindi yung nagpapataasan pa kayo ng pride at kapag nawawala ang feelings, magdate kayo para bumalik kasi baka nalilito lang talaga kayo kaya akala niyo nawala talaga.” Payo ko. Sayang naman kasi kapag nagbreak sila. Sobrang sayang.
“Opo. Andami niyo pong alam tungkol sa ---- AH!!” AH!! May pumukpok sa ulo ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay nakita kong sinaksak ng isang bata si Pau at Dustin gamit ang chainsaw. Hindi…
*himatay*
Nagising na ako pero sobrang sakit ng ulo ko. Pukpokin daw ba ng chainsaw e. Nakita ko ang chainsaw na nasa kamay ko na. Shit. Bakit nasa akin 'to? Binitawan ko kaaagad ito. Nakita ko sila Dustin at Pau na patay na. Wakwak ang tyan.
“PAU! DUSTIN!” Iyak ko. Wala man lang akong nagawa para sakanila.
“ZIA! ZI—“
---
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Misterio / SuspensoShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...