Zia's POV
Hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong nagawa nung mapatay ang anak ko. Hindi ako ito. Hindi ako! MAY NAGCOCONTROLL SA AKIN. MERON!!
"Zia. Zia. Zia. Kahit anong explain mo sakanila, iisipin pa rin nilang pinatay mo ang anak mo. Hahahaha!"
Ayan nanaman siya. Kinakausap niya ako. Hindi ko alam kung saan siya galing o kung sino siya. Hindi ko rin alam kung papaanong ako lang ang nakakarinig ng mga sinasabi nila. Palagi silang bumubulong sa akin. Ginugulo nila ang buhay ko.
"SINO KA BA?! LUBAYAN MO AKO!!!" Paiyak kong sigaw pero kahit anong iyak ko hindi ko magawang paalisin silang dalawa. Para bang nakakonekta na sila sa akin. Para silang parte na ng pagkatao ko. Parang iisa lang kami.
Peter's POV
Nung mag11:50, nagpunta na agad kami sa isolation monitoring room. Dito minomonitor ng bawat assigned isolators ang mga kilos ng bawat victoms/infected people. Nagpunta kami sa monitor ni Zia. Tulala pa rin siya habang umiiyak.
"Are you sure oppa? (kuya?)" Tanong ni Pau. Nakwento ko din kay Pau yung nangyari sa akin kasi nagtanong siya kung bakit ako nasa wheelchair. "She's just crying. Look! She looks like a crazy old lady."
"SHUT THE FUCK UP." Sigaw ko sakanya. Hindi ko nilalait mga naging boyfriend mo ha. Puta.
"Pakilakas naman ng konti yung audio." Utos ni Jerome. Nakaheadphones kami ngayon.
"Yes head office." Sagot nung Isolator. Isolator pala ang tawag dun sa mga taong nagtatrabaho under isolation department. Nakikita ko lang si Zia na umiiyak habang nakahawak sa tenga niya. Naawa ako na nasasaktan...
Nababaliw na ba talaga siya o may kumakausap lang talaga sakanya? "SINO KA BA?! LUBAYAN MO AKO!!!" Sigaw ni Zia habang umiiyak. Hawak-hawak niya pa rin ang tenga niya. Umiiyak pa rin talaga siya. Bigla siyang humiga pero umiiyak pa rin. Zia... kung nandiyan lang ako sa tabi mo para i-comfort ka.
"Halika na XY. Naawa ka na kay Zia----"
"SHH! 12AM na pero hindi siya nagbago o namula man lang ang mga mata." Sita ko. Nung nasa village kasi namula agad mga mata niya, kasing pula ng kulay ng buwan nung gabing yon. Hindi rin sila makalabas ng village... "Isolator."
"Yes Top Agent XY?" Tanong nito.
"May red na moon ba diyan or light? Pwedeng ipakita mo sakanya? Pakihigpitan din pala muna yung mga kadena." Sabi ko. Gusto kong subukan pero...
Ginawa na nga nung isolator. Nung naging pula na ang ilaw sa loob ng cubicle niya. Nakita naming lahat na naging red ang mga mata ni Zia at biglang naging wild. "TIGIL MO NA DALI BAGO PA MAKAWALA YAN!" Pagmamadali kong utos.
Tinigil na agad nung isolator. Biglang nawala ang red sa mata ni Zia. Bigla ding nagkaron ng dugo sa tyan niya. Itinaas niya din yung damit niya. "Bakit hindi pa 'to gumagaling?" Iyak niyang tanong. Hindi pa magaling? Nakita ko na yan na peklat na. Anong... nangyayari?
"JEROME!" Sigaw ko. Nagulat rin pala siya sa nakikita niya ngayon. Hindi pala yon dugo ng mga biktima kundi sarili niyang dugo?! Nagkamali ako ng bintang. Nagkamali ako. Nagkamali ako.
"XY. Nagkamali tayo." Sabi ni Jerome habang nakatitig sa monitor.
Napatingin ako kay Pau. Tulala siya. "Pau! Are you alright?" Tanong ko.
"I-I-I I saw Dad last night, same as Zia eonnie's (ate's) situation, when the moon turned red his eyes turned red also." Gulat na tanong ni Pau. 0WHAT?!
"I think your father was affected too." Sabi ni Jerome.
"Jerome! Ano nang gagawin natin?" Tanong ko. Hindi pwedeng magdusa si Zia sa loob ng isolation cubicle na yan. Hindi pwedeng wala kaming gawin at hintayin na lang siyang gumaling.
"Kailangan muna natin kausapin yung Doctor Technology of Panda Company." Sabi ni Jerome. Dr. Tech? Seryoso ba yan? Ang corny ha.
"Who is he?" Tanong ni Pau.
"Hindi lang siya basta-bastang doctor. Expert din siya sa mga technology na nilalagay sa loob ng katawan ng isang tao." Kwento ni Jerome. "Tara puntahan natin siya sa lab."
Pumunta na nga kami sa lab at nakita namin yung Dr. Tech na sinasabi ni Jerome.
"Hello Dr. T." Bati ni Jerome sakanya. Mukha na siyang matanda pero hula ko edad nito ay 39 lang.
"Hello Jerome napadalaw ka ata?" Tanong ni Dr. T. Busy siya sa pagtitimbang nung solution na ginagawa niya.
"Gusto ko sanang obserbahan mo 'to." Utos ni Jerome sabay abot nung folder.
"Oo sige... Si Zia---"
"Oo siya nga." Sagot ko. Naiinip na kasi ako may paganyan-ganyan pa. Yung mga pagulat effect. Paki ko basta ang gusto ko obserbahan mo na siya.
Tumawag siya sa isolation room. Pinapalagay niya sa human-size tube si Zia at pinapadala dito sa lab niya. Ilang saglit pa ay dumating na yung human size tube kung saan naroroon si Zia. Wala siyang malay. Nilagay na nila yung katawan ni Zia sa bed at nilock nila gamit ang metal chains. Nilagyan nila ng kadena yung leeg, kamay at paa niya.
Itinaas nila yung damit ni Zia para makita ang tyan niya, nakita naming sariwa yung hiwa niya. Shit. "Nung nakita ko yan dati peklat na yan." Kwento ko.
May pinasok na tube si Dr. T at tinignan yung screen.
"Ayun! Nakita niyo yun?" Sabi ni Dr. T sabay turo dun sa red na capsule na may pagkablack sa gitna ng laman ni Zia.
"Red capsule. Nilabas yan ng Phoenix Company 5 years ago. Itinago yan ng dating head officer sa mga agents ang tungkol dito. Ang red capsule na yan ay nagagawang control-in yung utak at galaw ng taong nalagyan niyan. Lalo na kapag nakakakita ng Red na moon. Kaya nagdudugo yung sugat niya ay dahil gumagalaw yung capsule."
---
O kamusta feedbacks naman.
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...