Peter’s POV
Binato ko siya ng unan. “Siyempre kilala ko na siya. Dun ka na nga sa boyfriend mo!” Pang-aasar ko sakanya.
“Edi doon. Merong! (Bleh!)” Sabi niya sabay labas ng kwarto ko. Leche.
Nung lumabas na siya. Napaisip tuloy ako. KIlalang-kilala ko na nga ba talaga si Zia? Feeling ko kasi parang may tinatago pa rin siya sa akin.
Isang oras na ang lumipas, hindi pumapasok sa ulo ko yung binabasa ko. Naiisip ko kasi yung sinabi ni Pau. Nairita ako kaya binato ko yung libro sa lapag at nagpunta na sa kwarto ni Zia. Kumatok muna ako siyempre manners naman diba? Pero walang sumasagot kaya pumasok na ako. “Zia?” Tawag ko ulit. Wala pa din kaya tumuloy na ako.
Pumasok na ako total bukas naman ang pinto niya. Pagpasok ko, ayun nakatulog sa kakaiyak. Sinara ko na ang pinto. Lumapit ako sakanya. Nakasando’t maong shorts lang siya. Nakatalikod kasi siya sa pinto ibig sabihin nakaright side siya sa paghiga. Aalis na dapat ako nung gumalaw siya. Ngayon nakaleftside naman siya. For the first time nakita ko ang bare left shoulder niya. Bakit may white mark dito? Ito pala yung tinatago niya sa amin? Sa akin?
Tinitigan kong mabuti yung white mark. Nakita ko parang nagfoform ng isang animal... Shit. Hell no. Hindi pwede yon. Nilabas ko ang wallet ko at kinuha yung mga picture ng most wanted assassin sa buong mundo. Kinuha ko yung picture ni Agent Phoenica. Sa picture na yun, kitang kita ang bare left shoulder niya kung saan nandun ang phoenix tattoo niya.
Sa sobrang gulat ay napaluha ako. Pinagcompare ko kasi yung picture at kay Zia. Parehas sila ng baba, ng labi at lalong lalo na ng tattoo. Napaluhod ako dahil parang sinampal ako ng katotohanan. Bakit sa dinami-dami ng tao siya pa yung mortal na kaaway ng Panda Company?! Nilibot ko pa ang kwarto niya. Pinakielaman ko na rin yung mga drawers niya at may nakita akong file na mas lalo ko pang ikinagulat.
‘Zianell Bae-Monroe’
Dumoble ang sakit. Sobrang sakit. Sobra. Bakit ngayon ko lang nalaman?! BAKIT HINDI KO NATANONG SAKANYA KUNG ANONG SURNAME NG ASAWA NIYA?! Sa sobrang galit ay naitapon ko sa lapag yung folder niya. ALL THIS TIME GINAGAGO MO PALA AKO? NAGSINUNGALING KA SA PAGKATAO MO?!! Lumabas na ako sa kwarto niya at binagsak pa ang pinto. Ayoko munang makita siya. Masyado akong nagulat at nasaktan. Bakit siya pa?
Zia’s POV
Nakikita ko si Peter na hawak-hawak yung folder ko na may pangalan ko sa harap. Umiiyak siya sa sobrang galit.
“ALL THIS TIME GINAGAGO MO PALA AKO? NAGSINUNGALING KA SA PAGKATAO MO?!!” Sigaw niya sa akin. Gusto ko sanang magpaliwanag sakanya pero hindi ko magawa dahil hindi ko maibuka ang mga labi ko.
Inihagis niya ang folder sa lapag, lumabas at binagsak pa ang pinto ko.
Nagulat ako nung may nagbagsak ng pinto. Shit. Ang sakit ng ulo ko. Nakatulog pala ako sa kakaiyak? Napatingin ako sa lapag. Bakit nandun yung folder?! Paanong napunta 'to dito?! Panaginip yun diba? Hindi totoo yun. HINDI. Binalewala ko na lang yun at naligo na’t nagbihis. Nakablack longsleeves ako na sweater at nakapants na white at dull shoes. Pupunta ako sa libing ni Rica. Nung tapos na ako mag-ayos, lumabas na ako at nakasalubong ko ang anak ko.
“Baby. Gusto mo bang sumama sa akin? Pupunta tayo sa libing ng Tita Rica mo?” Tanong ko sakanya. Tapos na ang pag-iimbestiga sakanya, ganun din pala ang ikinamatay niya. Katulad din ng mga naunang namatay. Hinahanap na lang kung may suicidal letter din siyang ginawa. Ang nakapagtataka nga halos lahat ng suicidal letter ay nakaprint.
“Eomma. He knows everything already so beware.” Sabi ni KZ at umalis. Seryoso na galit yung pagkakasabi niya. Pinanood ko na lang siyang maglakad palayo sa akin. She’s acting weird these past few days. Dumeretso na lang ako sa libing ni Rica at nagdalamhati sa pagkawala niya ng kaisa-isa kong tunay na kaibigan.
3rd Person’s POV
“Alam na po niya ang lahat.”
“Ganun ba? Mukhang nasa panig natin ang tadhana ngayon.”
“Mukhang ganun na nga po Ms. 18.”
“Masyado na akong natutuwa sa mga nangyayari. Isunod mo na yung love birds na yun. Nakakairita panuorin. Masyado silang masaya. Lampungan ng lampungan.”
“Opo.”
“Pero ibahin natin ang pagkamatay ngayon. Ikaw na ang bahalang umisip ng paraan. Basta ang gusto ko brutal.”
“Masusunod po.”
“Nagmamatigas pa rin siya ha. I-frame up mo siya para maturuan siya ng tamang leksyon. Gusto niya kasi inuubos muna ang pamilya niya bago lumambot.”
---
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...