Jerome's POv
Nung binasa ko yung suicidal letter ni Danica. Sobrang nagalit ako. Nasaktan ako. Feeling ko ginago niya ang pagkatao ko. Isang taon na pala niya akong ginagago.
Isa siya sa mga pinakapaborito kong trainee dahil sa galing at potential niya. Nakikita ko din kasi ang sarili ko sakanya kaya napalapit ako ng sobra sa batang yon. Halos ituring ko na nga siyang tunay kong anak... Anak ko pala talaga siya.
"GINAWA KO YUN PARA SAYO. SA TINGIN MO BA KAPAG PINAGLABAN KO ANG MAMA MO NOON MAGIGING PAYAPA AT TAHIMIK ANG BUHAY MO? HINDI DIBA DAHIL LALAITIN KA NILA. HUHUSGAHAN! ANG AKALA MO BA TALAGA PINABAYAAN KO KAYO NG MAMA MO? HINDI! NAGDEDEPOSIT AKO SA BANK ACCOUNT NIYA BUWAN BUWAN. BINABANTAYAN KITA VIA HYBRID SPY COMPUTER PERO NAWALA YUNG CONNECTION KO SAINYO NUNG MAG-17 YEARS OLD KA NA. KAYA WAG MONG SABIHING PINABAYAAN KO KAYO." Sigaw ko. Sobrang nagagalit ako.
"HINDI KO KAILANGAN NG PERA MO! ANG KAILANGAN KO IKAW. YANG PAG-AARUGA MO SA AKIN BILANG AMA." Umiiyak na sabi ni Dustin. Naiiyak na rin ako. Puta.
Peter's POV
Kailangan nila ng privacy kaya hinatak ko na si Zia paalis ng lobby. Pupunta muna kami sa rooftop para mag-usap.
*Rooftop*
"Sorry kung nadabugan kita kanina. Naiinis na kasi ako kay Jerome." Pagsosorry ni Peter.
"Okay lang. Ano nanaman ba kasi ang nangyari?" Tanong ko. Lumapit siya sa akin.
"Pinangunahan kasi ako ni Jerome. Pinakiusap niyang gawin na akong star agent kahit na hindi ko naman pinaghirapan. Ayoko ng ganun. Ayoko nung hindi ako yung may gawa. Yung hindi ko pinaghihirapan. Lalo pa ngayong malapit-lapit ko ng matapos yung dalawang mission ko --" Malapit? Ibig mong sabihin kilala mo na kung sino ako?!! "O? Ba't namutla ka?"
"A-Ako?! H-Hindi ah! Bigla kasing uminit yung pakiramdam ko. Siguro nagugutom na ako?" Palusot ko. BAKIT BA AKO NAMUTLA. PISTE.
"Sus. Yun nga nag-usap kasi kami ni Ms. Theresa kanina tapos sinabi niyang tapusin ko na daw ang mission ko sa loob ng isa pang taon. Kapag hindi ko daw nagawa, penalty for 2 weeks ako." Kwento ni Peter. Isang taon? Isang taon o baka hindi lang isang taon. Malalaman na niya kung sino talaga ako. Kung kelan naman nakasama ko na ang anak ko. Kung kelan naman mahal ko na si Peter. "Namumutla ka talaga e. Maysakit ka ba?" Tanong ni Peter tapos hinaplos haplos pa leeg ko tinitignan kung may lagnat nga ba talaga ako. Andami mong napapansin. Bakit ba pai yon napapansin mo?
"W-Wala nga! Mainit lang siguro? Naka-3/4's ako na damit oh!" Sabi ko sakaynya. Umubra sana palusot ko.
"Ganun ba? Nakasando ka naman diba? Bakit hindi mo na lang tanggalin? Naiinitan ka pala e." Suggest ni Peter. ANO?!!
Papayag naman ako kaso hindi ko pwedeng tanggalin. Hindi pa nga kasi totally'ng burado yung tattoo ko. May bakas pa. "Hindi na kailangan. Oo nga pala, nakakagulat no? May anak pala si Jerome sa pagkabinata." Pag-iiba ko ng topic.
"Oo nga e. Kaya pala hawig sila ni Jerome. Akala ko nagkataon lang." Sabi ni Peter. "Oo nga pala halos anim na buwan na akong nanliligaw sayo pero hindi ko pa alam yung family background mo."
"Oo nga no. Alam ko na yung iyo pero yung sa akin hindi mo pa alam." Sabi ko. Umupo na muna kami sa bench na nandito. "Sabi sa akin ng Lola ko, namatay daw ang mga magulang ko nung sanggol pa lang ako. Kasama na din daw dun yung ate ko. Alam mo ba kung bakit kami biglang pumunta sa Korea?"
"Bakit nga ba? Bigla ka na lang daw nawala pagkatapos ng graduation niyo sabi ni Indigo." Kwento ni Peter.
"Pinetition kasi kaming dalawa ni Lola ng pamangkin ni Lola sa South Korea tapos after two years biglang namatay ang Lola ko. Ang hindi ko alam, nagpapetition si Lola kasi malapit na pala siyang mamatay. 2 years na lang pala ang itatagal niya. Maysakit kasi siya." Naiiyak kong kwento.
Dustin's POV
Kumalma na si Jerome at ganun din ako. Hinayaan na rin niya na ang mga isolators na magtuloy ng imbestigasyon. Lumayo muna ako sakanila kasi stressed ako dahil kay Jerome at sa pagkamatay ng bestfriend ko.
Naglakad-lakad na muna ako. Binigay din pala sa akin ni Jerome yung suicidal letter ni Danica. Umupo ako sa corridor at binasa yung letter. Nakaprint yung letter kaya hindi ko malaman kung si Danica ba talaga may gawa nito o hindi.
Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Bakit ba hindi niya ako magawang mahalin? Bakit?! Ako naman yung nakasama niya ng halos 18 years. Ako lang yung karamay niya sa panahon na nagagalit siya sa ama niyang si Jerome Ferrer. Ako yung kasama niya sa first heartbreaks niya. Ako rin ang kasama niya nung bumagsak siya sa Math. Ako yung kasama niya nung nagkasakit yung aso niya, dinala pa nga namin sa veterinarian yun. Ako yung nagpapatawa sakanya kapag malungkot siya at kapag naaalala niya ang tatay niya pero bakit mas pinili niya si Pau? Bakit? Kelan niya lang naman nakilala si Pau. Ni wala pa nga si Pau sa tagal ng pinagsamahan namin e. Masisira lang pala ng dahil kay Pau?! Bakit ganon?! Nagmamahal ako ng totoo. Tanggap kita, kahit iniwan ka ng ama mo dahil parehas tayo ng pinagdaanan. Nakakasiguro akong iiwanan ka din ni Pau. Malandi siya! Akala mo lang mabait pero hindi. Ako na lang kasi. Bakit ba?!! Gaano ba ako kahirap mahalin?! Kung ako na lang sana Dustin Ferrer. Mas mamahalin kita. Hindi kita papabayaan pero wala... mas pinili mo siya. Kung hindi ka mapapasakin mas maganda sigurong magpakamatay na lang ako kaysa makita kayong dalawa na masaya.
- Danica Stefan
---
-ANMN
![](https://img.wattpad.com/cover/9013541-288-k660668.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...