TC46

144 7 0
                                    

Jerome’s POV

Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman ngayon. Magagalit ba ako kasi ginago at niloko ako ng sarili kong anak o magiging masaya ba dapat kasi nakita ko na ulit siya?  Pinakalma ko na muna ang sarili ko at binigay ko sakanya yung suicidal letter ni Danica. Ayoko muna siyang makita. Sumasakit ang ulo ko.

Tinuloy ko na lang ang pag-iimbestiga sa nangyari kay Danica. Hindi ko pa masasabing may pumatay nga sakanya dahil nakita nga naming siyang nakabigti pero paano ie-explain yung mga pasa niya sa katawan? Paano rin niya nagawang makapagprint dito ng hindi nakikita ng mga employees ko?

Biglang may kumatok. Baka si Sec to. "Sec?" Tanong ko.

“Yes sir?" Sagot nito. Siya nga.

"Pasok ka." Utos ko. Pumasok naman na siya dala-dala ang mga folders na galing sa isolation office.

"Sir. Ito na po yung reports ng isolation office tungkol sa autopsy ni Danica Stefan." Sabi ni Sec. Nilapag niya sa table ko.

Binasa ko naman, mostly sa mga kasong nahahawakan ko may usb din silang pinapasa pero ngayon wala. "Walang CCTV Clips?" Tanong ko. Napakaimposible kasing wala. Ngayon lang sila hindi nakapagpasa ng usb.

"Yun nga Sr. Nung chinecheck daw nila yung CCTV Footage kaso bigla daw nasira yung clip. Tinry nilang ayusin pero wala talaga. Ang nakakagulat ay nung nakita na sa CCTV na tumatakbo si Danica habang umiiyak biglang nasira tapos bumalik na lang nung nagpapatiwakal na siya. Parang nahack po yung CCTV System ganon." Sagot ni Sec. Weird.

Binasa ko na yung reports. Nakitang hindi talaga siya namatay dahil nagpakamatay siya. Namatay siya dahil sa malaking hiwa niya sa leeg niya. Hiwa? Hiwa nanaman. Pero... Hindi. Hindi naman pwedeng magconclude agad ako. Icoconsider ko na lang yung naisip ko na isang factor sa imbestigasyon na ‘to.

*

Isang linggo ang lumipas. 8 tao na ang namamatay. Ang akala ng mga agents nagpapakamatay sila pero ang hinala ko at ni Peter. May pumapatay sakanila. Same reason ng pagkakamatay nilang lahat dahil sa hiwa.

Ayos na rin kami ni Peter, pati na din ng anak ko. Nagkakasundo na nga rin si Eco at Dustin. Mas masarap pala sa pakiramdam na magkaayos na yung pamilya mo no? Andito ulit kami ni Zia sa secret room. Nakaup siya sa couches.

"What do you think? I don’t want to jump into conclusions but –"

"Pero yun ang pinupunto ng nangyayari ngayon." Sabi ni Zia. Miski siya naguguluhan na rin.

"Sa tingin mo ba si Ms. 18 ang may kagagawahan ng nangyayari ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Bakit hindi pero…. Paano siya makakapasok dito? Highly secured ang bawat sulok ng Panda Company." Sabi ni Zia.

"Tama ka pero kung may nakapasok man sino kaya?"

Peter’s POV

Nakakagago na. Nasan na ba si Zia? Yayayain ko na sana siya na sabay kaming maglunch. Pumunta na lang ako sa rooftop. Dun kasi kitang-kita mo ang kabuuan ng Panda Company.

Habang tinitignan ko yung kabuuan ng Panda Company biglang may humangin kaya napaharap ako kung saan nangagaling yung hangin. Pagkaharap ko nakakita ako ng black wrist band. Pinulot ko yun. Teka, parang ito yung wrist band na gamit ni Zia nung nakatira ako sakanila. Oo nung nakasando’t cycling shorts lang siya may black wrist band na nakalagay sa kaliwang braso niya. Kapag sinusubukan ko ngang tanggalin yun sinisipa niya ako.

Nag-ikot pa ako sa rooftop ng makita kong magkasama si Zia at Jerome. Kanina pa ba sila dito? Tangina. Bakit ako nagseselos? Wala naman silang ginagawang masama. Magkaibigan lang sila. Kahit na nakakaselos pa din. Paano kung may relasyon pala sila? Aish.

“Zia!” Tawag ko. Mukhang nagulat sila. Ano bang pinag-uusapan nila?

“K-Kanina ka pa ba diyan?” Tanong ni Zia. Ba’t nauutal ka? May pinag-uusapan ba kayong masama?

“Hindi. Kadarating ko lang. Mukhang seryoso yang pinag-uusapan niyo, nakakaistorbo ba ako?” Tanong ko. Lumapit na ako sakanilang dalawa.

“Hindi naman. Pinag-uusapan lang naming yung mga patayan na naganap last week.” Sagot ni Jerome. Bakit kailangan dito? Sabagay mas maganda naman dito mag-usap kaysa nasa isang room sila. Mas kahina-hinala naman yun pero dapat sa office na lang ni Jerome.

"Nasabi mo na ba kay Ms. Theresa yung tungkol sa patayan?" Tanong ko kay Jerome.

"Hindi pa nga e. Ayoko pa kasing iconclude na may connect yung patayang nagaganap dito dun sa mission natin. Pare-parehas pa silang natatagpuang nakabigti at ang pinakadahilan ng pagkamatay nila ay ang hiwa sa leeg nila." Sagot ni Jerome.

"Napakalaking co-incidence naman kasi na nagpakamatay silang lahat tapos may mga hiwa pa lahat sa leeg?" Sabi ni Zia. Tama nga naman siya.

"Ang hirap kasing paniwalaan na may nakapasok dito sa Company kasi highly secured nga ‘to o baka may mole dito?" Tanong ko.

"Baka naman kasi hindi talaga tao ang kalaban natin?" Tanong ni Zia. Napatingin kaming dalawa ni Jerome sakanya.

"Anong ibig mong sabihin? Kaluluwa ang kalaban natin ganon?" Tanong ko.

 "Why not? Expect the unexpected."

2nd Person’s POV

"You impressed me. Good job."

"Gagawin ko po ang lahat para sa iyo Ms. 18"

"Kaparehas ka talaga niya. Ganyang-ganyang din ang sinasabi niya sa akin noon."

"Wag mo po akong itulad sakanya. Magkaibang-magkaiba kami. Hinding-hindi kita tatalikuran."

---

 -ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon