Ms. Theresa on the right -->
Indigo's POV
Nababadtrip ako kay Angelique. Pilitin daw ba kasi akong makipagkita sakanya? Tangina diba? Tamang gawain ba yan? Hindi man lang ba niya naisip na may trabaho ako, na may buhay ako?
Ako nga pala si Indigo Kim. Pinsan ni Peter sa mother's side. Bestfriend ako ni Zia pero nung naghighschool na kami nawalan na ako ng balita sakanya. Si Angelique? Bestfriend ko siya simula nung pre-school pa lang kami pero nagbago ugali niya ung nag-grade 2 na kami. Nung magkacrush din siya sa pinsan ko.
At ito, minumulto ako ng nakaraan ko. Nakakabadtrip. Ang plastik kong tignan ngayon. Bihis na bihis na ako ng nagtext si Angelique.
[ Punta na lang ako diyan sa inyo. I'm on a bad day. ] Bakit kaya? Kahit naman badtrip ako dun may puso pa rin naman ako. So, I texted her back.
[ Sige lang. ]
Alam niya kasi address ko, nasabi ko at yun na ata ang pinakamalaking kamalian na nagawa ko sa buong buhay ko.
Mga ilang minuto lang ay nandito na siya. Buti wala sila Mommy dito dahil kapag nagkataong nandito sila mag-aaway lang sila ni Angelique. Galit sila kay Angelique dahil ang sama sama daw kasi ng ugali. Compared daw kay Zia na sobrang bait. Inaasar pa nga nila ako noon kay Zia na bagay daw kami ganon. Hahaha. Hindi pwede. Kapag bestfriend, bestfriend lang. Hindi lalagpas sa linya.
"What happened?" Pag-aala kuno tanong ko sakanya. Umupo naman siya sa sofa kahit hindi ko pa siya pinapaupo.
"I really really really really hate her! She ruined my day and my cothes, that freak." Inis na sabi niya sa akin. Napansin kong may coffee stain sa mukha at damit niya. Hati nga kulay ng mukha niya e. Nagpigil ako ng tawa.
"W-What happened? What's with the coffee stains? Who did this?" Tanong ko ulit. Nagalit siya dahil may nakatapon ng coffee sakanya? Well, kung ako rin naman diba magagalit ako.
"Are you laughing at me? Oh. Nevermind. Do you still remember Zia?" Tanong ni Angelique. Oo anong meron kay Zia? Kinalaman niya sa coffee stains sa damit mo?
"Yup why?" Naguguluhan kong tanong.
"She did this! Binangga niya kasi ako then hindi pa siya nakuntento, inagaw pa niya ang coffee ko sa akin at binuhos ito sa mukha ko. Grabe siya, tapos kinampihan pa siya ni Peter. LIke eww, magsama sila." Kwento ni Angelique. Magagawa ba yan ni Zia? E napakabait nun e kaya nga naabuso yun noon. Hindi ko alam kung maniniwala ako e. Asan si Zia?
Hindi ko pinansin yung rant niya edi andito Peter? "Andito si Peter?" Tanong ko. Hindi man lang nagsabing uuwi pala siya. Ganun na ba ngayon?
"Yes, yesterday pa. Naasar talaga ako." Pagcoconfirm niya. Nagpupunas na siya ng katawan niya tapos pairap irap p.
"Pabayaan mo na at gaano ka kasigurado na si Zia nga yon?" Tanong ko. Hindi talaga kasi ako makapaniwala. Malay mo kahawig lang ni Zia.
"At first, hindi ko siya nakilala then tinignan ko yung eyes niya kaya nakilala kong siya si Zia then tinawag din siya ni Peter so naconfirm ko nga." Kwento ni Angelique.
"Oh. Ano? Kamusta na siya?" Tanong ko. Namimiss ko na kasi yung babaeng yon. Mas natuon yung attention ko kay Zia kaysa sa kwento niya.
"Hello? The hell do I care? Ako ang nandito so why are you asking kung kamusta na si Zia." Pagtatampo ni Angelique. WTH. Kung ookrayin mo lang ako sa sarili kong pamamahay, lumayas ka na. Putangina.
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Misterio / SuspensoShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...