TC35

198 9 0
                                    

Pau's POV

Prof H explained to us the new rules and the penalty/punishent for it. "Sa Panda Company ang pinakapresident ay si Ms. Theresa. Siya ang main head officer. Sunod sakanya ang mga Panda Head Officer mula sa iba't ibang branches. Sunod ang star agents, sila yung nakakumpleto na ng points mula sa mga missions na nagawa na nila. Sunod ay ang top agents na may points na din pero kulang pa. Sunod ay ang agents/newbies, ito ang itatawag sainyo pagkatapos ng 5-year training niyo at ang huli ay trainees. Yun naman kayo." He told us many things about the Angle Agency-- I mean Panda Company.

"Ang Panda Company, may 6 buildings na lang dati kasi 10 buildings yan tapos 10 floors, ngayon 6 na lang with 7 floors. Building 1/ B1 - Nandyan ang main lobby, rooms & offices of the officers of each department --"

"Kindly elaborate to us those departments that you were saying." The cute guy on my left said. I looked at him but he caught me staring at him so I looked away. Shocks. I touched my cheeks, wow It's hot. Am I blushing?

"Ok sure. We have 7 departments. Training, Isolation Laboratory, ICT, Cooking and Clinic Deparments. We also have the 7 department officers and I'm one of them. I'm the professor, the department officer of the training department. Yung 6 na natitirang officers ay ang isolation officer, lab officer, ICT officer, housekeeping officer, the head chefs and the clinic officer." Prof H elaborated as what the cute guy asked.

"Thank you." The cute guy on my left said.

"Itutuloy ko na yung sinasabi ko kanina. Nasa B1 din ang office at room ng Head Officer. Magkarugtong kasi ang room at office ng mga officer na yon. Building 2 or B2, dyan tayo pupunta mamaya. Andyan kasi ang training grounds/rooms. Isang floor diyan ay ang weapon area. Building 3 or B3, andito ang isolation at recovery rooms. Sa isolation nilalagay yung mga infected na biktima para obserbahan o pag-aralan. Building 4 or B4, andito yung hacking rooms at laboratories. Building 5 or B5, andito na yung maintenance, kitchen, clinic atsaka wards. At ang huli ay ang Building 6 or B6, andito yung dorms. Ok short break muna tayo tapos magsisimula na tayong magtraining sa training area mamaya. Be prepared." Prof  H said and went outside.

Ok. The atmosphere here is so awkward. So... I decided to break the silence by introducing myself. "Uhm... Hi? I'm Pau Axlerod." 

They both looked at me quizzically . "Hi Pau! I'm Danica Stefan." She smiled and introduced herself. Hm... she looks so kind... I think?

"Hello and you are?" I asked the cute guy on my left.

"I'm... Dustin Ferrer. Head Officer's..."

"Head Officer's what?" I asked.

"Oh. Pau where are you from?" Danica asked and I already know and noticed that they are hiding something from me so she changed the topic. Why? Why do you people have to hide something from me? I know we only met just now but duh we're going to be agents someday I mean more like work mates. Why don't we trust each other now?

"I'm from South Korea... how abou you two?" I asked them disregarding the sudden shift of the topic.

"We're local trainees. So do you speak tagalog?" Danica asked me.

"N-No... but I understand." I answered honestly.

Dustin's POV

Hi ako nga pala si Dustin Ferrer. Ako... ang anak ni Jerome Ferrer sa pagkabinata pero walang nakakaalam na iba, si Danica lang ang pinagsabihan ko. Sino si Danica? Siya ang childhood bestfriend ko. Ang tumanggap sa buong pagkatao ko.

>>Flashback Starts<<

"Dustin. Tinaboy ka na niya, pinabayaan tapos ngayon babalikan mo siya at ang mas malala magtatrabaho ka para sakanya?" Naiiritang panunumbat sa akin ni Danica. Nasa kwarto kami ngayon at naglalagay na ako ng damit sa maleta ko.

Nakatira lang kami ni Danica sa iisang bahay simula nung mga bata pa kami. Parehas kasi kaming inabanduna ng mga tatay namin. Kami na lang ang bumubuhay sa mga sarili namin ngayon dahil parehas at sabay na namatay ang mga nanay namin.

"Danica. Makinig ka kasi. Hindi na natin kayang suportahan ang mga sarili natin. Hindi tayo tatagal sa ganitong pamumuhay. Ang gusto pa nating gantihan ang tatay ko e halos wala na nga tayong pera. Para makaganti sakanya at para na rin mabuhay kailangan nating magtrabaho para sakanya at pailalim natin siyang kakalabanin.." Paliwanag ko sakanya. 

"Pero maraming paraan diyan! Hindi yung papasok tayo sa agency na yan para pumatay ng tao." Sabi ni Danica. "Kapag ginawa natin yun, wala na rin tayong pinagkaiba sa taong pumatay sa mga nanay natin."

"Tulad ng ano? Sige nga magbigay ka nga." Utos ko pero hindi siya nakasagot. "Tignan mo wala ka rin naman palang maisip." Inis kong sabi sakanya. "Tignan mo kasi, kapag naging agents na tayo pwede na nating hanapin yung agent na pumatay sa mga nanay natin. Pwede na nating patayin si Agent Phoenica."

"Oo na sige na. Kahit anong paliwanag ko naman sayo hindi ka makikinig at ipipilit mo yang gusto mo." Pagsang-ayon niya sa akin. Kailangan pa kasing bungangaan bago makinig at sumunod.

Inimpake namin ang mga gamit namin, nagresearch na din kami sa computer shop ng tungkol sa location ng Panda Company. Nung nalaman na namin ang location ay nagpunta na kami doon at nag-apply. Iniscreen muna nila kami kung wala ba kaming dalang mga baril tapos ni-lie-detector-test kami para malaman kung malinis ang intensyon namin. May screening pa dapat pero nung kinuwento ko sakanila ang nangyari sa mga nanay namin tinanggap na agad nila kami.

"Sir, nakikiusap po ako pwede po bang wag mong sabihin sa Head Officer ang tungkol sa application ko. Matagal ko na kasi siyang kakilala at gusto ko siyang masuprise kapag nakita ako. Pwede po bang Stefan muna ang gamitin kong surname? Please? Please?" Pagmamakaawa ko sakanya.

"Okay sige. Walang problema basta ba back-up-an mo ako kapag nalaman to ni Head Officer ha?" Sabi nung isang agent.

"Oo naman. Thank you po." Pasasalamat ko at tumango na lang siya.

Pinapasok na nila kami at pinakita sa amin yung rooms namin. Hiwa-hiwalay pala kapag lecture pero sa training grounds sama-sama na lahat ng trainees. Hindi ko rin inaasahang makikita ko ang babaeng ito. Ang ganda niya pero ayokong mahulog. Pinipigilan ko. Kailangan maisakatuparan ko muna yung goal namin ni Danica dito bago lumandi. Makakapaghintay naman siguro yan.

>>Flashback Ends<<

"Hey Dustin?" Tanong ni Pau. Oh, puta. Nadala ako masyado sa flashbacks na yan.

"Sorry. Punta na tayo sa training grounds." Pag-aaya ko sakanila.

Papunta na kami sa training ground ng napahinto ako nung nakita ko yung dalawang tao sa rooftop. Familiar yung silhouette nung babae at lalaki. Si Jerome ba yun?

"Pau. Teka lang!" Tawag ko. Huminto naman siya. "Kilala mo yung kasama ni Head Officer sa rooftop?" Tanong ko sakanya.

"Ah... yes. Yes I know her. She's Zia, my Peter Oppa's love interest. Come on. Don't mind them. Let's go. I'm so excited." Masayang sabi ni Pau. Hinatak na ako ni Pau papunta sa training grounds. Akala ko bagong kalaguyo ni Jerome. Nagtataka ba kayo kung bakit Jerome lang ang tawag ko sakanya? Never naman kasi siyang naging ama sa akin. Never.

---

May bagong characters lol belated happy birthday to meh~ HAHAHAHAHAHAHHAHAA Yehet FEEDBACKS NAMAN DIYAN OH

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon