Pau's POV
Sa loob ng apat na buwan natuto akong magtagalog. Andito kami ngayon ni Dustin sa shooting area. Nakaupo lang at nag-uusap.
"Bakit nga ba hindi na tayo kinikibo ni Danica?" Tanong ko sakanya. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din alam ang totoong dahilan. Galit na galit siya sa akin. Hindi ko nga alam kung anong nagawa ko sakanya.
"Sabihin ko na ba sayo? Ah... okay sige. 1 year ago. Nagconfess siya sa akin na matagal na pala niya akng gusto pero nireject ko siya dahil kapatid lang ang kaya kong ibigay sakanya. Pagkatapos nun, hindi na niya ako kinausap at nagpalipat na rin siya ng room niya." Sabi ni Dustin. What? Jinja? (Really?)
"What? She likes you? How could that happened?" Tanong ko. Still in the state of shock. Wow.
"Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan." Naguguluhang tanong ni Dustin.
"Ang pangit pala kapag nainlove sayo yung tinuturing mong kapatid no?" Tanong ko sakanya
"Oo. Sobra. Lalo na kapag hindi mo kayang ibalik sakanya yung feelings na inaasahan niya."
Danica's POV
Hindi ko kinikibo si Dustin at Pau dahil yun ang sabi ni Veronica. Masasaktan lang daw ako. Totoo naman yung sinabi niya. Nasasaktan ako at hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. Papasok na dapat ako sa shooting area nang marinig ko ang sinabi ni Dustin. Hindi kasi nakasara yung pinto.
"Oo. Sobra. Lalo na kapag hindi mo kayang ibalik sakanya yung feelings na inaasahan niya." Sabi ni Dustin. Mukhang alam ko na ang pinag-uusapan nila.
"Bakit ba hindi mo magawang mahalin si Danica? Halos ilang taon na rin naman na kayong magkasama. Ni minsan ba sa buhay mo hindi ka nagkagusto sakanya?" Tanong ni Pau. NANG-AASAR KA BA?!
"Tignan mo yang babaeng yan! Kunwari malungkot siya pero ang totoo natutuwa siyang hindi ka magawang mahalin ni Dustin." Bulong sa akin ni Veronica. Nanginginig na ako sa galit at selos.
Papasok na dapat ako para sugurin si Pau ng...
"Dahil may gusto akong iba." Sabi ni Dustin. Napatigil ako. Ngumiti siya bigla at tumingin kay Pau. Hinawakan niya ang pisngi nito at sinabing. "At ikaw yon, Pau." Nagkatitigan sila at unti-unting naglapat ang mga labi. Hindi ko namamalayang kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko. Sobrang sakit. Napatakbo ako. Hindi ko man alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko makaalis na ako dito. Ayoko na dito. Hindi ko na kaya. Isang taon na akong nasasaktan. Isang taon na akong nagtitiis.
Zia's POV
Tanghali na. Hinahanap ko si KZ. Kakain na kasi kami. Hindi ko naman siya naasikaso kanina kasi sabi nila ini-inspect pa daw nila.
Pagliko ko. "OH!" Sabi ko.
"Gulat ka ha." Pang-aasar ni Peter. Sobrang close na namin netong lalaking 'to.
Isang taon ko na din palang tinatago yung totoo sakanya. Kailangan ko pang sabihan si KZ. Kung magpakilala pa naman yon, full name. Ano na ang estado ng relasyon namin ni Peter? Nililigawan na niya ako. Kaya lang minsan naisip ko, paaano kapag dumating na yung araw na malaman ni Peter na ako si Zianell B. Monroe. Pero teka, alam niyang biyuda na ako... bakit hindi man lang niya naitanong kung bakit Bae pa rin ang gamit kong username? Baka nawala na rin sa isip niya? O baka kasi akala niya korean tradition ng username ang gamit ko?
"Natulala ka? Ang gwapo ko ba?" Tanong ni Peter sabay kindat sa akin. Akala ko makukuha mo ako sa pakindat kindat mo ha?!
Hinampas ko siya. "Kapal ng mukha neto. Samahan mo muna ako. Hanapin natin si KZ." Hinatak ko siya.
Hinawakan niya yung kamay ko. "Baka ini-inspect pa." Sabi niya sa akin.
"Nagpunta na nga ako doon kanina pero ang sabi tapos na daw. Nasaan na kaya yung batang yun?" Tanong ko sakanya. Nakahawak pa din siya sa kamay ko.
Binigyan niya ako ng backhug at pinatong yung baba niya sa balikat ko. "Malay mo naglalaro lang yon kasama yung mga batang trainees. Wag kang mag-alala. Nasa ligtas na lugar siya."
"Oo na." Sagot ko sakanya.
"Ang landi niyong dalawa." Sita sa amin ni Jerome. Badtrip. Akala ko ba gusto niyang mapalapit kami sa isa't isa? "May assignment ka. Magresearch ka ha." Sabay abot sa akin nung papel tapos umalis na bigla. Assignment ko? Baka naman assignment mo na pinapagawa mo lang sakin. Siraulo ka talaga.
"Research daw oh. Samahan mo na lang ako sa library." Sabi ko sakanya. Hinatak ko naman na agad siya.
"Oh! Teka!! Bakit don?!" Reklamo niya. Hinatak ko na siya kaya hindi na siya makakapalag sa akin. Pumunta na agad kami sa library. Grabe. Ilang taon na rin pala nung huling pasok ko sa isang library. Nakakamiss naman.
Peter's POV
"Bakit kasi nasa library tayo?! Modern generation na tayo Zia. Pwede ka namang magresearch sa internet." Reklamo ko. Ang tahimik kasi dito tapos ang laki-laki pa. Basta ang lungkot ng ambiance. Ayoko ng malungkot.
"Okay lang yan. Shh! Nagbabasa ka ba? Bawal nga maingay dito." Paninita sa akin ni Zia. Kumuha na siya ng libro. Umupo na kami at nagsimula nang magbasa.
Sa lahat ng mga niligawan kong babae wala pa akong sinabihan ng 'I Love You' sa personal. Maswerte si Zia. Siya pinakaunang babaeng sasabihan ko ng ILY sa personal. "Zia. I love you." Sabi ko sakanya tapos hinawakan ko pa yung kamay niya. Kinikilig ako sa ginagawa ko.
"Hm? Bakit?" Tanong ni Zia. Anong hm bakit ka diyan?! Pakipot. Sus. Alam ko na yan. "Bakit nga?"
"H-H-Hindi mo narinig?!" Tanong ko sakanya.
"Ang alin? Yung pagrereklamo mo? Sorry hindi e kasi nakaearpods ako. Gusto kong makapagconcentrate sa binabasa ko." Sagot ni Zia. Putangina.
Feeling ko napahiya ako na nasupalpal ng malaking kamao. "Wala. Bilisan mo na lang diyan." Palusot ko sakanya. Badtrip.
"Bipolar."
---
Kawawang Peter. HAHAHAAHAHHA O ano? XD
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Misterio / SuspensoShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...