Epilogue.

330 8 0
                                    

Lady 360's POV

After 5 years, maraming nagbago. Tulad ng Panda Company. Imbis na spy agency siya, ginawa ko na lang na Panda Publishing Company total yun naman ang trabaho ng anak ko. Isang writer. Napag-alaman ko ring marami pala akong agent na magagaling magsulat ng stories. Siguro nahasa sila ng dahil sa mga documentaries na ginagawa nila pagkatapos ng missions nila.

Pagkatapos mamatay ni 18, bigla na lang sumabog yung mga robots na kamukha niya na nakabantay lang sa mga Panda Company building sa iba't ibang branches. 

Si Ahlea(Zia) ay bulag pa rin pero next week na ang eye transplant niya dahil after 5 years nakahanap na din kami ng donor na nagmatch sakanya. 

Si Peter naman ay nasa Korea ngayon. Nung nalaman niyang okay na si Ahlea(Zia) naisipan niya munang bumalik ng Korea para makalimot. Hindi niya daw kasi kaya na makitang nahihirapan si Ahlea(Zia) ng dahil sakanya. Alam na rin niya yung oh-so-great plan ni Jerome noon. Pinatawad naman na niya kasi kung hindi daw dahil sa oh-so-great plan ni Jerome baka patay na si Ahlea(Zia) ngayon at magmumukha daw siyang tanga kakahanap sa anak ko.

Binigyan ko ng pwesto si Stacey sa publishing company ko as vice president. Sobrang close na din nila ni Ahlea(Zia).

Si Jerome ay hindi umalis. Siya ngayon ang acting president ng buong Panda Publishing Company, PH Branch. Hindi lang PH branch ang binago ko. Halos lahat ng branches. Ako pa din ang CEO. Yung mga head officer, sila ang ginawa kong president. Payag naman silang lahat. Sawa na din sila sa magulong buhay ng pagiging agent. Yung anak pala si Jerome na si Eco ay 11 years old na. Nagbibinata na. Yung mga trainees namin ay hindi na tinatrain as agents pero tinatrain na sila as young writers. 

Bakit ginawa kong publishing company? Pagod na ako. Pagod na akong problemahin ang problema ng mundo. Nakatira pala kami sa bahay sa tabi nung publishing house. Nagpatayo ako ng bahay sa tabi nun habang nirerenovate lahat ng Panda Company branches. 

"Mama." Tawag sa akin ni Stacey. Oo. Mama na rinang tawag niya sa akin. Nagpapaampon e tsaka wala din naman siyang kinalakihang nanay. Yung kapatid niya lang ang nakakasama niya pero patay na rin kapatid niya. Bale Stacey Guerrera na ang name niya. Magkaedad lang naman kasi sila ni Ahlea(Zia) pero mas matanda si Stacey ng 6 na buwan.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Kakatapos ko lang basahin yung librong napublish ni Ahlea(Zia). Yung An Author's Quest." Kwento niya. Andito kami ngayon sa may salas.

"Talaga? Anong nangyari? Di ko pa kasi nababasa. Sobrang busy ko pero hahanap ako ng time para basahin yan." Sabi ko. May balak naman akong basahin kaso wala akong time busy sa business.

"Ang ganda. Promise!! Feeling ko tungkol 'to sa buhay niya e kasi tignan mo, nagkita ulit yung girl at yung boy after ng ilang years tapos andaming nangyari. Namatay yung anak at bestfriend niya tapos nakilala niya kung sino yung natitira niya pang pamilya. Diba? Sobrang ganda nito. Nagkakagoosebumps ako." Kwento ni Stacey. Minsan nga napapaisip ako baka tunay ko ngang anak 'to e kasi manang-mana yung kadaldalan ni Trayvon.

Biglang dumating si Ahlea(Zia). Nakaupo siya sa wheelchair tulak tulak ng nurse. Sinenyasan ko yung nurse na umalis na muna at sumunod naman. 

"Kamusta yung libro ko?" Tanong ni Ahlea(Zia). Marunong siyang magbasa kahit bulag siya. Basta yung may kinakapa tapos makakabasa na siya basta ganun di ko alam tawag. 

"Maganda siya girl!! Kaso bakit hindi nagkatuluyan yung girl at boy sa huli?" Tanong ni Stacey.

"May mga taong tinadhana para sa isa't isa. Tinadhana para magkita ulit matapos ang ilang taon pero may mga taong tinadhana para dumaan lang sa buhay mo para bigyan ka ng leksyon, para damayan ka pero hindi kailanman mapapasayo. Sa tingin mo ba tinadhanang mangyari 'to?" Paliwanag at tanong ni Ahlea(Zia).

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon