TC21

207 7 0
                                    

Peter's POV

Nakauwi na rin si Rica at KZ. "O Peter nasan si Zia?" Tanong agad ni Rica pagpasok niya ng bahay.

"Nasa kwarto lang. Nagpapahinga." Sagot ko sakanya. Totoo na 'to. Nakita ko siya dito sa bahay pagbalik ko galing dun sa crime scene. "Oh KZ. How's your day?" Masigla kong tanong sakanya.

"It was great! How's yours Appa? (Dad?)" Masayang tanong ni KZ sa akin. Appa (Dad) na ang tawag nito sa akin kahit ayaw ni Zia. Tinuruan kasi ni Rica e. Sinabi na ako daw ang future dad niya. Nung una ayoko rin kasi nakakahiya tsaka baka sabihin ang assuming ko pero nung nakita ko kung gaano kasaya si KZ nung sinabi na ako daw ang bago niyang Appa (Dad), napapayag ako.

"Hmm..." Kunwari nag-iisip ako pero sa totoo lang may namatay nanaman. "Productive?" Sagot ko sakanya at ngumiti.

"KZ. Go to your room." Utos ni Rica sakanya. Nahalata niya atang may nangyaring masama dahil sa tono ng boses ko.

"Yes tita." Sagot ni KZ at pumunta na nga siya sa room niya.

Nung nakapasok na si KZ. Lumapit kaagad sa akin si Rica. "Ano nanamang nangyari?" Seryoso niyang tanong.

"May namatay nanaman kanina." Kwento ko sakanya pero pabulong lang baka kasi marinig ni KZ.

"Ano? Grabe na 'to. Dapat talaga nung una pa lang hindi na talaga ako pumayag na tumira kami dito. Nakakatakot na. Duh. My God." Natatakot na sabi ni Rica. "Dapat pala tumira na lang kami dun sa dorm niyo o kaya sa hotel o kaya kung saan malayo dito." 

"Willing ka bang maging agent? Tsaka isa pa, ayaw ni Zia. Wala tayong laban sa desisyon nun." Sabi ko sakanya.

"Willing naman ako kung yun lang makakapagligtas ng buhay namin pero hindi ata keri ng beauty ko. Bakit pa ba kasi kami umuwi dito?" Nagsisising sabi ni Rica. Umupo siya kaya umupo rin ako.

"Bakit kasi nagmigrate pa kayo dito sa Pilipinas?" Tanong ko sakanya.

"Ewan ko sa babaeng yon." Naiinis na sabi ni Rica. "Naninibago na nga ako sakanya."

"Ha? Bakit?" Tanong ko. Naninibago? Saan? Paanong naninibago?

"Hindi mo ba siya nakita kagabi? Bumangon siya ng 12 Midnight. Inabutan ko siyang nakadungaw sa labas. Nung nilapitan ko siya tulog naman. Parang nags-sleepwalk ganun pero iba yung pagkasleep walk niya. Ang hirap i-explain. Nakakaloka." Kwento ni Rica tas humawak sa noo niya.

OH? "H-Hindi." Nauutal kong sagot. Bakit hindi ko yun nakita kagabi? Katabi ko lang naman siya sa kwarto.

Napatayo kaming dalawa ni Rica sa narining namin. "SINABI KO BANG PUNTAHAN MO AKO DITO HA?!" Ano yon? Sumilip kami sa may taas, naririnig din namin na umiiyak si KZ. Pinuntahan kaagad namin yung dalawa sa kwarto ni Zia. Naabutan naming sinasaktan ni Zia si KZ.

Kinuha ko agad si KZ at binigay kay Rica. Sasaktan pa dapat ni Zia si KZ pero naawat ko agad siya. "Ano bang nangyayari sayo?" Bulong ko sakanya habang hinahawakan ko mga kamay niya.

"STORBO E." Galit na sabi ni Zia tapos hinimatay na siya. Sinalo ko si Zia at pinasok ko na sa kwarto niya.

Pagkalabas ko. "Hey KZ. Stop crying ok? Mainit lang siguro ulo ni Eomma (Mom) mo. Basta wag mo muna siyang lalapitan ngayon. Do you understand?" Pagcocomfort ko dun sa bata. Niyakap ko yung bata.

"Yes appa (dad)." Naiiyak na sagot ni KZ tapos niyakap ako pabalik.

"Pasok ka na sa room mo." Utos ko sakanya. Sumunod naman agad yung bata.

"Peter. Nakita mo na? Habang tumatagal lalong lumalala si Zia. Ibang-iba na siya dun sa Zia-ng nakilala ko, nakilala nating dalawa. Ano ba talaga kasing nangyayari sakanya?" Bulong na tanong sa akin ni Rica.

"Miski naman ako nagugulat din sa mga nangyayari sakanya. Malay mo, mainit lang talaga ulo niya ngayon." Bulong kong sagot. "Kailangan na kailangan ko na talagang makausap si Jerome."

"Pero sa loob ng 6 years hindi niya nagawang saktan ang anak niya." Bulong ni Rica pabalik.

"Palipasin muna natin to Rica. Matulog na muna tayo." Bulong ko sakanya. 

"Okay sige. Maganda yang naisip mo. Bantayan mo si Zia ha? Hula ko kasi gigising siya ngayong midnight." Bulong na paalala ni Rica at pumasok na sa room niya.

Pumasok na din ako sa room ni Zia. Gising pa pala siya. Nakatulala. Hay, Zia... Ano bang nangyayari sayo?

"Tapos niyo na ba akong pag-usapan?" Seryosong tanong ni Zia at tumingin sa akin. Narinig niya? Halos magbulungan na nga kami ni Rica e. 

"Zia---"

"Peter. Sa akin ka lang. Walang pwedeng umagaw sayo." Seductive na sabi ni Zia. Kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ako nakaramdam ng kilig. Bakit? Parang may mali kasi. Parang hindi siya. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Papatayin ko lahat ng umagaw sayo." Bulong niya sa tenga ko. Tumindig lahat ng balahibo ko. "Hahahahahaha! Masyado kang seryoso diyan. Matulog ka na nga." Nakangiting sabi ni Zia. Hindi. Hindi ikaw si Zia. Hindi. Napilitan akong tumabi sakanya. Napansin kong wala na sa kamay niya yung cartier na bracelet na bigay ni Jerome.

"Ah, Zia. Nasan yung bracelet?" Tanong ko sakanya.

"E-Ewan ko." Nauutal niyang sagot tapos natulog na.

---

HAHAHAHA. SORRY TALAGA SA LATE UD. NAGPAPAKALULONG AKO SA EXO NGAYON DAHIL COMEBACK NA NILA <333 HAHAHA! FEEDBACKS NAMAN DIYAN :---( PLS? OYUN LANG PAKA-ABANGAN NIYO NA LANG YUNG NEXT UD. BAKA MAMAYA MAKAPAGUD NA AKO. SANA HINDI KAYO NAPAPANGITAN SA STORY KO :-(

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon