TC50

167 8 0
                                    

Ms. Theresa’s POV

Andito ako sa underground hideout namin ni Daddy. Hindi ko alam. Feeling ko may mali. Akala ko nawala na yung ganitong pakiramdam ko noon pero hindi pa pala. Yung pakiramdam na bigla ka na lang kakabahan ng walang dahilan.

“Ahliya—“

“PAPA! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAINYO NA HINDI NA AHLIYA ANG PANGALAN KO.” Sigaw ko sakanya.

“AT HANGGANG KELAN MO ITATAGO YANG PAGKATAO MO?!” Tanong ni Papa pabalik sa akin. Hanggang kelan nga ba?!

“Hangga't kaya ko.” Sagot ko sakanya.

“AHLIYA EZEKIEL LIM-GUERRERO.” Tawag sa akin ni Papa. “Hindi habang buhay matatakasan mo ang nakaraan.”

>>Flashback Starts<<

2 years na ang nakalipas simula nung napatay namin si 18. Birthday din pala ngayon ni Ahlea. Kumpleto ang buong pamilya ko dito pati mga kaibigan ko. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang party niya.

Pero hindi ko inaasahang may darating na hindi invited na bisita. “Nagulat ba kayo? Lalong-lalo ka na Lady 360. Oo, buhay ako. Buhay na buhay.” Sabi ni 18. P-P-PAANO SIYA NABUHAY? HALOS 500 NA BALA ANG TUMAMA SA KATAWAN NIYA PAPAANONG...

“P-P-Paanong…. Bakit nandito ka? Anong kailangan mo?! Hindi ka imbitado.” Sabi ko sakanya.

“Bakit hindi? Half-cousin mo naman ako. Ibig sabihin pamangkin ko rin yang anak mo.” Ngisi niya. Sinenyasan ko silang lahat na pumasok sa loob ng bahay. Bitbit ko ngayon si Ahlea na tulog. Pumasok naman na sila sa loob.

“Hindi kita kinikilala bilang pinsan o tiyahin ng anak ko. Hindi ka kailanman naging parte ng pamilya ko.” Sabi ko.

“Kahit ganun, happy birthday sa unica hija niyo ni 900.” Bati niya.

“Dalawa ang anak ko. Dalawa!” Sabi ko. Naglalakad lakad siya sa paligid ng garden.

“Oo, dalawa pero ampon yung isa.” Pang-aasar niya.

“Kahit na ganun anak ko pa rin siya.” Sabi ko. Biglang nagising si Ahlea at umiyak.

“Oh. Umiiyak ang pamangkin ko—“

“WAG KANG LALAPIT!” Sigaw ko sakanya,

Nasa left ko pa rin si Papa at Yaya. Lumapit ako kay Yaya ng hindi inaalis ang tingin ko kay 18 at binigay na si Ahlea sa Yaya nito. Nakita ko sa Peripheral vision ko na may hawak na baril si Papa.

Palapit pa siya ng palapit. “UMALIS KA NA! ANO BA KASING KAILANGAN MO SA AKIN HA?! AT PAPAANO KA NAKAPASOK DITO?!” Tanong ko. Tinutukan ko na siya ng baril na palaging nasa gun holder ko na nakakabit sa hita ko.

“Gusto ko lang namang mangamusta. Matagal na akong nakapasok dito sa pinakamamahal mong village pero ngayon lang ako nagpakita. Gusto kitang patayin, sunugin. Gaya ng ginawa mo sa tatay ko, sa tiyuhin mo.” Galit niyang sabi.

“Manahimik ka nga. Wala kaming kamag-anak na ahas na katulad niyong dalawa ng ama mong walang kwenta.” Pang-aasar ko pabalik. Nakita kong pumunta si Yaya sa likod ni Papa.

“Ahas? Ha. Ahas pala. Ipapakita ko sayo kung anong nagagawa ng mga ahas na tulad namin.” Sabi niya. May kinuha siya sa phone niya at nagsara bigla yung pinto’t bintana ng buong mansion.

Tinutukan ni Papa ng baril si 18 at napatakbo agad  ako papalapit sa pinto. Kumakatok din sila.

“TRAYVON! KUYA! AHLINA! SHAWNE! ANDRIYA! NAY!!” Tawag ko sakanilang lahat.

“AHLIYA ANG INIT INIT DITO!!” Sigaw ni Shawne.

“AHLIYA TULUNGAN MO KAMI!” Sigaw naman ni Andriya.

“AHLIYA!! AHLIYA!!” Sigaw ni Nanay.

“SHAWNE! BUKSAN NIYO ANG PINTO!” Sigaw ko. Kinakalambag ko na ang pinto pero wala pa rin. Hindi pa rin mabuksan.

“HINDI NAMIN SIYA MABUKSAN!” Sigaw ni Kuya.

“AHLIYA MAINIT YUNG DOORKNOB!!” Sigaw ni 900.

Nilapitan ko si 18 pero tinutukan niya ng baril yung phone niya. “Oops. Wag kang lalapit. Oras na sumabog ang phone na ‘to, maluluto sila sa loob.” Pagbabanta niya.

“BUKSAN.MO.ANG.PINTO.” Galit kong utos.

“Ayoko. Ikaw si Lady 360 diba? Ang pinakamagaling na assassin kuno sa buong mundo? Hahahaha! Asan napunta ang galing mo ngayon ha?” Pang-aasar niya.

“PUTANGINA MO!!” Sigaw ko.

“Nung araw na nagbakasyon kayo sa probinsya, naghukay ako sa ilalim ng bahay niyo at naglagay ng 100 thermo heater sa ilalim. Ang thermo heater ay inilalagay sa ilalim ng mga buildings para masunog ito. Kusa itong matutunaw kasabay ng sunog na nadulot nito sa isang building kaya hindi ito mapapansin sa imbestigasyon. Sa loob lamang ng 5 minuto ay magliliyab na ang mansion na yan. Katulad ng ginawa mo sa tatay ko.” 

“HINDI!!” Sigaw ko. Sinipa ko ang baril na hawak niya. Pumutok ito at natamaan si Papa sa tyan. Hindi na ako nagdalawang isip at binaril ko ang mata niya. Kinuha ko mula sakanya yung phone at sinubukang buksan ang pinto pero wala pa ding nagbabago.

“Hahaha. Kahit barilin mo ako ngayon wala ka ng magagawa para iligtas yang pamilya mo. Yung nilagay ko naman sa mansion niyo na lock… Hahaha! Walang pangunlock yan. Mamamatay silang lahat. Pati na din kayo kung hindi pa kayo umalis dito sa Number Village. Sinira ko ang wirings ng buong village at sa oras na magliyab ang bahay na 'to? Sabay sabay na puputok ang mga electricity sa bahay nilang lahat at masusunog ang buong village. HAHAHAHA!!” Inapakan ko ang mukha niya.

“Yaya. Umalis na kayo. Ilayo mo si Ahlea dito. Papa sumama ka na.” Utos ko sakanila dahil nararamdaman ko na rin ang init ng lupa. Umalis na sila. Kahit masakit para sa akin. Lalong lumalakas ang sigawan at kalampag nila sa pinto. Narinig kong sumisigaw yung Yaya na 'umalis na' dun sa mga agents. Nagtatakbuhan na yung ibang agents palabas ng village. Gumagapang na si 18 paalis pero hindi ko na siya pinakielaman dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Binaril ko yung doorknob pero walang nangyayari. Ayaw pa rin mabuksan.

“PAPA! UMALIS KA NA ILIGTAS MO NA ANG SARILI MO.” Sinusubukan rin kasi niyang buksan ang pinto kahit sumisirit na ang dugo mula sa tyan niya.

“Hindi kita iiwan dito.” Sabi niya.

“TRAYVON! UMIINIT NA DIN ANG LUPA DITO SA LABAS!” Sigaw ko. Kinakalampag ko pa din ang pinto.

“AHLIYA! MAKINIG KA. PABAYAAN MO NA KAMI. UMALIS NA KAYO NI AHLEA AT PAPA. ILIGTAS NIYO ANG MGA SARILI NIYO!” Sigaw ni 900 sa akin.

“PAANO KAYO?! HINDI KO KAYO IIWANAN. SABAY-SABAY TAYONG AALIS DITO.” Iyak ko.

“KUNG HINDI MO KAMI IIWANAN DITO. PARE-PAREHAS TAYONG MAMAMATAY DITO. AHLIYA MAHAL NA MAHAL KITA. TANDAAN MO YAN. ALAGAAN MO SI AHLEA.”

“MOMMY! I LOVE YOU.”

“MAHAL NA MAHAL KO RIN KAYO.” Umiiyak kong sabi.

Hinatak na ako ni Papa at umalis na sa number village. Paglagpas namin ng gate nakita kong nagliliyab at umuusok na ang mansion. Pumuputok na rin yung mga wirings sa loob ng bahay ng mga agents. Nag-unahan ang mga luha kong dumaloy sa pisngi ko.

>>Flashback Ends<<

---

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon