TC23

157 5 0
                                    

Peter's POV

Ilang araw na ang nakalipas, nanahimik ulit yung mga criminal. Hindi ko rin magawang kausapin si Jerome dahil nakikipagmeeting nanaman siya sa main company pati na din sa iba pang branches kaya mahirap istorbohin. Si Zia? Tahimik lang siya, palaging tulala. May sariling mundo. Hindi ko na rin siya maintindihan kahit pilit ko siyang iniintindi. Kaya hindi ko na lang muna siya pinapakielaman. Wala rin naman siyang pinapansin sa aming tatlo. Kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Pumunta na agad si Zia sa room niya.

"Matulog na kayo. Ako na ang bahala dito." Sabi ko sakanila. Niligpit ko na yung pinagkainan naming apat at naghugas na ng pinggan.

Pagkahugas ko, nagtext sa akin si Jerome. [ Makakapunta ka na dito bukas. ] 

Buti naman. Hindi ko na siya nireplyan. Umupo na ako sa may salas. Hindi ako matutulog ngayong gabi. May masama akong kutob, titignan ko kung anong gagawin ni Zia mamayang 12 midnight. Inayos ko na yung salas. Pinalitan ko yung kurtina ng itim. Dalawa kasi yung bintana dito. Sa kaliwa at kanan ng pinto. Yung nasa kanan lang yung pinalitan ko.

Pumunta na ako sa kwarto para lagyan ng tracker si Zia. Nilagay ko yung tracker sa may anit niya. Hinalikan ko ang noo niya para hindi niya mahalata yung ginawa ko. Pagkahalik ko sakanya, bigla siyang napangiti. After ng ilang araw nakita ko na ulit yung ngiti niya pero hindi ito yung totoong ngiti ni Zia, ramdam ko yon. Lumabas na ako para makapagmuni-muni. 8PM pa lang naman e.

Ano bang nangyari kay Zia? Matapos niyang maaksidente nagkaganito na siya. Nasapian ba siya o may kumocontrol sakanya? Imposbile kasi normal lang naman siya na tao pero posible kasi iba na ang panahon ngayon. Tinignan ko yung buong katawan niya noon, as in buo pero siyempre yung private parts hindi ko na chineck, wala naman akong nakitang naka-implant sa katawan niya pero paano kapag nasa internal pala niya? Paano kung nasa private parts niya pala? Aish. Hindi. Hindi imposible e. Hindi ko na makilala yung Zia na kasama namin ngayon.

Naghintay ako hanggang 11:58. Nung mag-11:59 na may nagbukas ng pinto kaya nagtago agad ako sa likod nung itim na kurtina, nakapatay na siyempre yung ilaw sa living room. Nakita ko siyang naglalakad. Pulang-pula ang mga mata at huminto. Binuksan niya ang pinto, tumingin sa taas? Sa buwan ba siya nakatingin? Sinilip ko yung buwan... Kulay red? As in red na red yung buwan. Anong meron? Bakit red?

Nung mag-12 na, lumabas na siya ng bahay. Hinintay ko muna siyang makalayo ng konti bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Patago ko siyang sinusundan hanggang sa makarating ako sa harap ng Lim Mansion. OH? BAKIT NANDITO? Biglang nagbukas ang pinto ng Lim Mansion. Yumuko agad sila. Oo sila. Halos lahat ng tao dito sa village. May lumabas na dalawang babae. Hula ko nasa 40's na yung isa tapos yung isa naman ay kaedaran ko lang. Sino naman kaya sila? Anong papel nila sa mangyayari?

Biglang tumayo si Zia. May inabot siyang pugot na ulo. Tangina. Kaninong ulo yon?! Nangangatog na ako sa kaba. Biglang tinapon nung matanda yung ulo at nilabas yung ax niya. HINDI! Pupugutan niya ba ng ulo si Zia? "HINDI!" Napasigaw ako... Shit. BAKIT AKO SUMIGAW? PUTANGINA TALAGA MALAKING SHIT. ANG LAKI KONG TANGA. BAKIT KO SINIGAW YUN?!

As expected, napatingin silang lahat sa akin. Nagsimula na akong tumakbo palayo. Hinabol naman na agad nila ako. For sure, hindi nila ako hahayaang makalabas ng buhay dito sa village. Nasa kabilang dulo ng village ang gate at ipapaalala ko lang sainyo na nasa pinakaloob o pinakadulong part ng village na 'to ang Lim Mansion. Malayo-layo pa tatakbuhin ko. Bakit ba kasi ako sumigaw?!

*Takbo*

*Takbo*

*Takbo*

*Takbo*

*Takbo*

*Takbo*  

Kahit binibilisan ko ang takbo ko, feeling ko kulang pa rin 'to. Nakalimutan ko pa ang susi ng kotse ko. Puta paano ako makakaalis agad? SAGAD-SAGARAN NAMAN KATANGAHAN KO NGAYON OH.

Nung malapit na ako sa may gate, pinagbabato nila ako ng dagger. Nakaiwas naman ako pero yung binato ni Zia, natamaan ako. Putangina asintado. Natamaan ako sa kaliwang hita ko. Huminto muna ako para hugutin yung patalim sa hita ko kahit masakit tangina shit kailangan kong alisin. Tumakbo na ulit ako, kahit paika-ikaw ako.

Makakalampas na dapat ako nung nahablot ako ni Zia. Shit, bumaon sa balat ko yung kuko niya. Nagpupumiglas ako pero ang lakas niya. Tangina sinaksak niya ako sa may tyan ko. SHIT!! Papalapit na yung iba niya pang mga kasama kaya napilitan akong sipain siya at pumunta sa gitna ng daan nang duguan.

Nung nasa may gate na silang lahat. Hindi sila lumalabas. Tinititigan lang nila ako ng masama. Hanggang diyan na lang pala sila? Lahat pala ng mga mata nila ay kulay pula. Makakabalik pa kaya ako dito? Baka sa gabi lang sila ganito?

Nagsimula na akong maglakad. Sana hindi ako mamatay sa daan. Sana umabot pa ako sa Panda Company kasi kung hindi mamamatay si Zia, Rica at KZ sa number village na yan. Malayo-layo na rin ang nalakad ko. Gumagapang na ako ngayon papunta sa company. Feeling ko anytime mamamatay na ako. Nauubusan na ako ng dugo. Kahit hindi ko na kaya gumagapang pa rin ako. Yes! Buti nakaabot na ako sa gate. Pinilit kong tumayo para pindutin yung button at lumabas na yung censor. Nilagay ko yung thumb ko. Buti at nakilala agad ako. 

Ang entrance kasi don sa gate ng Panda Company ay sa pamamagitan ng censor. Mga agents lang ang nakakapasok sa security ng Panda Company. Ganito kasi yan, kapag nabasa ng security yung thumbprints ko biglang may magbubukas na ground at mahuhulog ako sa slide, papunta sa lobby ng Panda Company. Halos lahat ng security sa lahat ng buildings ng Panda Company ay ganito. Effective lang 'to sa gabi at madaling araw. Sa umaga gate ang gamit.

May saksak nga pala ako malalaglag pa ako sa slide na 'to. Puta.

"AH!" Daing ko. Ikaw ba naman bumagsak galing sa taas tapos ilang feet din yon kahit slide yon masakit din.

"MEDIC! MEDIC! MAY SAKSAK SI AGENT XY OF KOREA! MEDIC!!!" Sigaw nung nurse na nakakita sa pagbagsak ko.

Nilapitan na ako ng mga medic atsaka ginamot. Oo dala na nila lahat kaya hindi na nila ako bubuhatin papuntang ER ng building na 'to. Ewan ko kung bakit. Tinawagan din nila si Jerome. Nagmamadali naman siyang pumunta sa akin.

"XY. OH SHIT BRO WHAT HAPPENED?! WHO DID THIS TO YOU?" Tanong Jerome. Pa-english english pa sapatusin kita dyan.

"Zia."

---

OHA NAWA'Y MAGUSTUHAN NINYO. PLEASE I NEED FEEDBACKS~ BTW, TAPOS NA PALA TONG STORY NA TO SA NOTEBOOK KO KAYA MAPAPADALAS ANG UPDATES KO YIE. BASTA FEEDBACKS HA? PLSSSSSS.

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon