TC39

150 9 0
                                    

Danica'sPOV

Lumabas na kami ni Veronica ng room, may ipapakita daw siya sakin. Ano kaya yun? Habang naglalakad kami, nakakita kami ng dalawang taong naghahabulan sa kabilang building.

"Si Dustin yun diba? At si Pau......" Gulat na sabi sa akin ni Veronica habang nakaturo sa kabilang building. Ewan pero ang bigat bigat ng puso ko. Sobrang bigat. Parang... bat kasi... bakit ngayon ko lang naramdaman 'to? Nagulat na lang ako ng may luhang dumadaloy na sa pisngi ko.  "Sinasabi ko na nga ba." Sabi sa akin ni Veronica. Tinitigan ko lang siya.

Peter's POV

Ay. Ang haba ang tulog ko. Anong oras na ba? 2 PM na pala. Hindi pa ako kumakain. Nagpalit na ako ng damit. Mamaya na ako maliligo. Mabango naman ako tsaka mahirap maligo sa kalagayan kong 'to. Papunta na dapat ako sa office ni Jerome ng may nakita ako. Bago ka kasi makarating sa B1, dadaan ka muna sa B3 o ang Training Buildings.

"Si Zia ba yon?" Bulong na tanong ko sa sarili ko. Tinitigan ko ng mabuti. Oo siya nga.  Anong ginagawa niya dito? Kumatok ako sa shooting area/room. Si Jerome ang nagbukas ng pinto. 

"Oh! Gising ka na pala." Sabi ni Jerome. Bakit nagulat ka? "Pasok ka." Pumasok naman ako. May tatlong tao sa loob ng shooting area. Binigyan ako ni Jerome ng headphones at shades. "Trainees. I would like you to meet Agent XY. One of the top agents in Korean branch." Pakilala sa akin ni Jerome dun sa tatlong trainees?

"Trainees? Ibig sabihin trainee din si Zia? Gagawin mo na talaga siyang agent?" Tanong ko. Nakablack dress na long sleeve si Zia. Okay na ba yung hiwa niya?

"Oo Peter--"

"Zia. May kasama tayong ibang trainees so let's be professional. Call him Top Agent XY." Sitrktong utos ni Jerome. 

"I'm sorry head officer." Seryosong sabi ni Zia.

"Okay. This is Dustin and you know these two girls already so I don't need to introduce them to you. Let's go back to our training." Seryosong sabi ni Jerome. Pero napapansn ko magkahawig si Jerome at Dustin o baka naimagine ko lang yon? Pero hawig talaga.

Nasa gilid lang ako nanunuod kung paano sila bumaril. Paanong hindi gagaling 'tong si Pau, tinuturuan ba naman ni Dad bumaril para daw sa self defense. Hindi pa rin ako makapaniwalang marunong bumaril si Zia. Saan siya natuto? Paano? Kailan?

>>1 year later<<

Halos isang taon na pala ang nakalilipas. Magaling na ako siyempre pati si Zia magaling na rin yung hiwa niya. Nagpatuloy pa rin sila sa training nila. Sa totoo lang, ang galing na nga nilang tatlo. Pwede na silang agents pero kailangan pa daw nila ng 4 years of formal training. Si Rica, unti-unti ng bumabalik ang memory. Apat na pala yung tinitrain ni Jerome, nasama na yung Danica Stefan. Marunong na din magtagalog si Pau kaso may accent pa din. Isang taon na ding natigil yung pagpatay dito sa Pilipinas pati na din sa iba pang bansa na may Panda Company branch. Hindi ko alam kung ano nanamang trip nung killer o baka may pinaplano na siyang masama.

Zia's POV

Isang taon na pala. Oo. Isang taon na din nananahimik si Ms. 18. Masama ang kutob ko. May iba silang binabalak. Mas nakakagulat pa siguro sa inaasahan ko. Hindi pa ganung burado yung tattoo ko, may mga line pa nga dahil siguro pinakapalan 'to ni Ms. 18. Nandito ako ngayon sa rooftop, nagpapahangin kasama si Rica. Magaling na siya pero may mga nakakalimutan pa rin siyang ilang mga bagay o pangyayari.

"Rica, naaalala mo pa ba nung 4th birthday ni KZ. Sa rooftop din ng bahay tayo nagcelebrate kaso biglang umulan kaya nagcelebrate tayo sa ulan. Nakakamiss. 7th birthday na dapat ni KZ ngayon." Naiiyak kong kwento kay Rica habang nakatingin sa malayo. Naiiyak ako kasi wala man lang akong ibang nagawa para iligtas ang kaisa-isa kong anak sa kamay ng mga walang pusong yon.

"Naaalala ko pa. Tama na. Walang may gusto nung nangyari. Wag mong sisihin ang sarili mo Zia." Pagcocomfort sa akin ni Rica tapos niyakap niya ako. Nagttraining na din si Rica bilang hacker ng Panda Company. Magaling din kasi 'to pagdating sa computers.

"Wala akong nagawa Rica e." Naiiyak kong sabi. Lalo akong naiiyak. "Bilang isang ina masakit para sa akin yun na wala man lang akong nagawa para iligtas yung kaisa-isa kong anak."

"Zia. Wala rin akong nagawa nung mga oras na yun." Iyak din ni Rica. Hinigpitan pa niya yung pagkakayakap sa akin.

"Zia." Tawag ni Jerome. Eksena 'to parati. "May training mamayang gabi." Paalala niya sabay alis.

"Saan ba nakalibing si KZ? Puntahan natin siya ngayon. Mamaya pa naman din yung training ko e." Sabi sa akin ni Rica. Pumayag naman ako.

Bumaba na kami para kumuha ng bulaklak at kandila para ilagay sa pinaglibingan ni KZ.

"Zia! Rica! Saan kayo pupunta?" Tanong ni Peter. Nakasalubong kasi namin siya e.

"Sa libingan ni KZ." Sagot ko. Tumango lang siya, may dala kasi siyang mga papel kaya hindi na siya sumama sa amin. Umalis naman na agad kami.

Nandito na kami ngayon sa libingan ni KZ. "KZ... anak." Iyak ko. "Noreul kuriwoyo (I miss you). KZ..." Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit. Inis. Sakit. Guilty. 

Nakarinig kami ni Rica ng mga footsteps kaya hinanda ko yung baril ko. "Zia. Ako 'to, si Jerome. May dapat kang makita. Ngayon na."

---

ANO KAYA YUN NO? HAHAHHAHA FEEDBACKS PLES!! PASUKAN NA SA 9. IYAQ AQUE.

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon