Gwendelyn Rocha on the right -->
Peter's POV
"Pinanganak ba talaga ako para iligtas ka?" Bulong kong sabi habang tinititigan siya. Abusado na e. Palagi ko na lang nililigtas. Hinimatay kasi si Zia. Oo andun ako sa orientation. Ako ang guardian ni Eco. Si Eco ang anak ni Jerome.
>>Flashback Starts<<
"Peter, alagaan mo anak ko ha." Jerome. Oo na. Badtrip ka e. Instant baby sitter ako ngayon. Bwisit.
"May bayad to ha." Sabi ko sakanya.
Napahinto si Jerome. Tumingin sa taas bago sumagot. "Deal." Tapos umalis na. Nag-aanak-anak kasi tapos hindi naman pala kayang alagaan. Nasan ba asawa mo?
Psh. Pumunta na ako sa Lim Academy. Hinanap ko si Eco gamit ang watch tracker ko at...
"Hi Tito Peter." Bati ni Eco. There he is. Kilala niya na ako kasi pinakilala na pala siya ni Jerome sa akin kahapon.
"Hello Eco. Pasok na tayo sa loob?" Tanong ko. Binuhat ko na lang siya. Ayokong naghahawak ng bata. Yuyuko pa ako. Bakit kasi ang liliit ng mga bata ngayon? Tangkad ko nung bata pa ako. Ay hindi mas matangkad pala sakin si Zia. Tangina. Zia nanaman.
Pumunta na kami sa AVR at umupo kami sa may bandang likod para walang masyadong madaldal. Maya-maya nangalabit si Eco.
"Tito! Tito!" Tawag ni Eco sa akin. Kung kelan naman enjoy ko na yung soundtrip ko.
"What?" Medyo naiirita kong tanong.
"That's my girl best friend. She's so pretty, isn't she? And that's her mom." Pakilala ni Eco. Seryoso ka Eco? Yung tinuro kasi ni Eco ay walang iba kundi si Zia. May anak na pala siya? Pero bakit? Paano? Kelan pa? Medyo nabadtrip ako. Hindi ko alam bat ako nabadtrip. Bakit ganun?! "Why Tito? Are you okay? Why are you clenching your fist?" Naguguluhang tanong ni Eco. Napatingin agad ako sa kamay ko. Nakaclench nga. Bakit naman? Psh.
"Uh.... I'm okay. Go talk to them." Utos ko. Nakajacket, beanie at sunglasses ako kaya hindi naman siguro niya ako makikilala, sana. Di tulad ni Angelique kahit sobrang balot na ako makiklala pa rin niya ako. Sobrang creepy.
Hindi ko inasahan na andito si Ms. Theresa sa Pilipinas or umuwi lang siya para sa orientation na to? Mahal ang plane ticket galing sa Korea papunta dito... ewan mayaman naman sila.
Nagdadaldalan lang sila. Kahit naka earphones ako rinig ko ang boses ni Zia. Nung si Mr. Paul Lim na ang nagsasalita biglang sumakit ang ulo ni Zia. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Bakit naman kaya? Anong meron? Bibigyan ko na sana siya ng biogesic kaso baka gumawa lang 'to ng eksena dito kaya pinabayaan ko na lang kahit mabigat sa loob ko. Meron naman pala siya.
Buong orientation siyang nakahawak sa ulo niya at nung pauwi na kami? Hinimatay na siya. Nagulat na lang ako nung biglang tumili yung batang babae. Dali-dali kong pinuntahan si Zia at binuhat. Dinala ko sila ngayon sa hotel unit ko. Kasama yung dalawang bata pero nasa playground floor sila ng hotel na 'to kaya solo ko si Zia ngayon.
>>Flashback Ends<<
"Ahh!" Iyak ni Zia. Sobrang sakit siguro ng ulo nito. Paano bang gagawin ko? Ah shit naman. Hidi naman kasi ako doctor. Ano ba? Hindi ko alam! Pumupulupot na siya sa sobrang sakit ng ulo niya.
"Ah... ano ba... shit naman..." Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam gagawin ko. Natataranta na ako. *knock knock* Sino naman kaya to? Hindi ko na dapat pagbubuksan kasi nga mas priority ko si Zia pero... binuksan ko pa din. Feeling ko kasi andun yng sagot.
Pagkabukas ko ng pinto. "Indigo!" Napasigaw ako sa tuwa. Pinsan ko to sa mother's side.
"Ba----"
"Doctor ka diba? Paanong gagawin ko dito?" Tanong ko agad sakanya. Hindi na ako nagdalawang isip na hatakin siya papasok sa unit ko.
"O? Si Zia yan ha? Bakit kayo magkasama? Ikaw ha! Anong ----"
"Mamaya na ang daldal! Anong nga gagawin ko sobrang sakit ata ng ulo niya." Sabi ko.
"Migraine lang yan. Eto ipainom mo sakanya." Sabi ni Indigo. Inabutan niya ako ng Naproxen. Kumuha na agad ako ng tubig at pinainom ko na sakanya yung gamot. Tapos nakatulog bigla si Zia. Nag-aalala na talaga ako--- ANO BA TONG INIISIP KO? BAKIT NAMAN AKO MAG-AALALA SA BABAENG TO? GALIT PALA AKO DITO.
"Bakit siya nakatulog? Akala ko ba gamot yan para sa migraine? Sleeping pills ata binigay mo sa akin e." Biglang lumabas yan sa bibig ko. Bakit ko nasabi yan? Bat ako dumulas?
"Wag ka ngang OA. Nagpapahinga malamang." Nagtatakang sabi ni Indigo. Tumayo siya bigla. "Totoo nga kapag matalino, tanga sa pag-ibig." Dagdag pa niya. Connect nun? Pinagsasabi ng lalaking to? Ulol ka.
"Lul. Wala akong nararamdaman sa babaeng 'to." Naiinis kong sabi. "Hindi naman maganda. Walang wala sa mga standards ko. Hindi siya ang type ko." Dagdag ko pa. Nagdedeny nanaman ako sa sarili ko.
Kinuha niya yung phone niya at sinaksak sa speaker ng hotel room. Anong meron? Biglang may tumugtog na love song. Putangina.
"Anong kajejehan yan?" Naiirita kong tanong. Nilakasan pa. Pang-asar talaga e. Alam ko yung kanta na yan. Narinig ko kasi yan, kani-kanina lang. Ringtone kasi ni Zia.
I love the way you smile
When I look in your eyes
Nakatayo lang si Indigo at nakatingin sa malayo. Napatingin ako kay Zia. Bigla kasi siyang ngumiti? Tulog? Tapos ngumiti? Baka nananaginip? Ewan ko puta.
[ Author's Note: Nasa gilid lang yung link nung kanta. ((: ]
I love the way you laugh
When I try to be funny
And how a tear
Goes down your face
When I say
No one can ever take your place
And baby when you sleep
I watch you breathing
And baby when you dream
I dream with you
Yan na yata yung chorus. Lalo akong napatitig sakanya nung narinig ko yung part na yan. Isa lang nararamdaman ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Hindi ko pa 'to nararanasan. Sobrang ganda niya. Mukha siyang anghel na ibinaba ng langit habang natutulog siya. Sobrang --- ANO BA TONG INIISIP KO?!
Napailing ako at napatayo. "Indigo, turn it off."
---
OMG YAY HAHAHAHA Sorry ngayon lang busy kasi ako sa exo's showtime ep 12. Oo ngayon ko lang pinanuod e kasi naman hahahahahhaa ayoko talagang panuorin to kasi feeling ko tinatapos ko ang isang napakagandang movie lol hahahahhaa so here. PLEASE I NEED YOUR FEEDBACKS~ PLS PLS PLS! WAVYU
-ANMN
![](https://img.wattpad.com/cover/9013541-288-k660668.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Gizem / GerilimShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...