Danica Stefan on the right -->
Zia's POV
Lunch break na. Chineck ko muna ang phone ko. 57 missed calls? Oh? Weh? Galing naman sa unknown number. Sino naman kaya 'to? Chineck ko ang messages ko may 5 unread siguro sakanya galing 'to. Bakit atat na atat akong kausapin ng taong 'to?
[ Zia. Please answer the phone. ]
[ Si Peter to. We seriously need to talk right now. ]
[ Please answer. ]
[ ZIANELL. ]
[ ANSWER THE PHONE YOU FAGGOT. ]
Nasabihan pa akong bakla. Lahat yan galing kay Peter. Ano bang meron? Ano nanamang pinaglalaban ng lalaking 'to? Bored? Kaya siguro ginugulo ako? Alam naman niya sigurong nasa trabaho ako. Taeng tae ako kausapin ng lalaking 'to at paano niya naman nakuha number ko? Kay Rica kaya? Bigla siyang tumawag ulit kaya sinagot ko na.
"Problema mo? Kitamong busy ako sa traba----"
[ Buti naman at sumagot ka na. ]
"Ano ba kasing problema mo? Alam mong busy akong tao. Wag mo akong itulad sayo na papetiks petiks ----"
[ Sorry naman. Ang dada. Anong oras uwi mo mamaya? ]
"Ni----"
"Zia. No phone calls during breaks right? Sinabi na yan sayo ni Noona (Ate). Buti hindi siya ang nakahuli sayo. Turn it off right now." Utos ni Calvin. Ay oo nga pala. Si Peter kasi pahamak.
"Oh. Peter, narinig mo yun? Sorry got to go." Binaba ko na agad yung phone ko at inoff baka si Manager na ang makahuli sa akin. Delikado na pero malakas ang feeling ko na sobrang mali nung ginawa ko. Hay. Pinagwalang bahala ko na lang yung naramdaman ko. Baka gutom lang 'to. Siguro gutom nga lang.
Natapos na ang duty ni Rica kaya umalis na siya at sinundo na si KZ sa school. Namimiss ko na ang anak ko. KZ... Nagpatuloy na lang ako sa pagtatrabaho hanggang sa matapos na ang duty ko.
"Zia. Uuwi ka lang mag-isa? Delikado na, gabi na oh. " Paalala ni Calvin. Out of nowhere nanaman for short kabute.
"Oo bakit? Panong delikado?" Curious kong tanong sakanya.
"Nakakatakot umuwi ng mag-isa kapag mga ganitong oras." Sabi ni Calvin. Sus. Wala namang papatay sa akin sa daan. Hindi naman ako sikat tsaka wala silang mapapala sa akin.
"Hindi yan." Kampante kong sagot. Hindi nga ba? Kinabahan kasi ako e.
Rica's POV
12 midnight na pero wala parin si Zia. Saan naman kaya nagpunta yon? Alam ko hanggang 9 lang yung duty niya ngayon. Sa sobrang pag-aalala ko tinawagan ko na si Calvin pero ang sabi niya nakauwi na daw silang lahat. Haynako. Pero... Baka magkasama nanaman sila ni Peter? Aba matinde.
Iba yung kaba ko kaysa sa mga kaba ko dati tuwing late na siya umuuwi. Tinawagan ko na agad si Peter para makampante na ako. Sana sumagot. Sana sumagot. Sana sumagot---
[ Rica bakit ka napatawag? ] Aww hindi uso hello sayo?
"PETER!! HINDI PA NAKAKAUWI SI ZIA!!! ANDYAN BA SIYA?!" Sigaw ko sakanya. Nakakakaba.
[ Wag kang sumigaw. Hindi ko siya kasama. Sige hahanapin ko na siya pero pupunta muna ako diyan. Baka makita ko sa daan e. ]
Peter's POV
Napabangon ako sa sinabi ni Rica. Hindi pa nakakauwi si Zia? Ito na nga bang sinasabi ko e. Nagbihis na agad ako at dumeretso na sa parking lot ng hotel. Nagdrive na ako papunta sa Number Village. Siyempre may dala akong baril at maraming extrang bala.
Nakapasok na ako sa village. Sobrang dilim naman sa village na 'to, hindi uso street lights? Iilan nga lang ata yung street lights na gumagana dito. Hindi pa ako nakakarating sa bahay nila Zia pero nakakita na ako ng babaeng naglalakad ng sobrang bagal kaya binagalan ko rin ang pagdadrive ko hanggang sa nakita ko yung bag na dala-dala nung babae. Parehas sa bag ni Zia. Tinignan ko ng mabuti yung babae. Si Zia nga 'to. Hininto ko na yung kotse ko.
Nilagay ko yung baril ko sa loob ng jacket ko. Tinignan ko muna yung paligid kung may nakamasid ba gamit ang hybrid specs ko. Wala naman kaya lumabas na agad ako. Dahan-dahan akong lumapit kay Zia at nakita ko siyang duguan. Shit. Nung hinawakan ko siya, nawalan na agad siya ng malay. Agad-agad ko siyang pinasok sa loob ng kotse ko. Ano bang nangyari dito kay Zia? Bago ako tuluyang umalis. Nilibot ko muna ang mga mata ko nasa tapat pala kami ng Lim Mansion. Weird.
Galing kaya si Zia sa loob? Imposible naman mangyari yun. Sira na ang loob niyan sunog na. Wala na ngang doorknob. Nagdrive na ako papunta sa bahay nila Zia. Umaagos pa rin yung dugo niya galing sa tyan. Hindi ko pa kasi nasisilip kung saan galing yung dugo. Binuhat ko na siya palabas ng kotse ko. Nagdoorbell na ako at lumabas naman si Rica.
"JUSKO ZIA!!!" Iyak ni Rica.
"Mamaya ka na umiyak pagbuksan mo na muna kami." Utos ko. Nagdadrama muna kasi. Parang tanga.
Binuksan na ni Rica ang gate. Pumasok na kami. Inihiga ko siya sa sofa. Tinaas ko yung damit ni Zia at nakita kong may hiwa si Zia sa tyan. Mahabang hiwa siya to be exact. Shit. Zia. Paano mo nakuha yan? Kinakabahan ako. Sobrang kaba. Naramdaman ko 'to nung nag50:50 si Mama sa hospital nung bata pa ako. Wag kang mawawala sa akin. Wag mo akong iwanan. Wag muna. "Tatahiin natin yan." Seryosong sabi ni Rica. Marunong ka ba?
"Surgeon ka ba?" Tanong ko. Baka naman kasi hindi. Lalo pang mamatay si Zia. Mamaya lumala pa kapag ginalaw niya.
"Siraulo ka ba. Nag-aral ako ng nursing kaya naituro ang first aid sa amin." Sabi ni Rica. Pero iba yung first aid sa surgeon!
Sinimulan na agad niyang tahiin ang hiwa ni Zia pero nilagyan niya muna ng anesthesia. Tinext ko si Jerome gamit ang hybrid phone ko. Ang hybrid specs pala ay nakakakita ng mga bagay tulad ng mga nagtatagong kalaban, katauhan ng taong yon ganon tapos yung hybrid phone naman ay para sa mga super private messages tulad nito. Hindi agad 'to mat-trace ng kung sino sino lang. Ilang minuto ay nagreply na si Jerome.
[ Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang mga bagay na yan. Nasa teritoryo ka nila. Delikado. Inuutusan kitang bantayan si Zia 24/7 bilang Head Officer mo. ]
Bakit naman? Bakit hindi ito ang tamang oras?! Mamamatay na si Zia hindi pa ito ang tamang oras? Ginagago mo ba ako Jerome?! Ano ba talaga kasing tinatago ng village na to?!
Nakakainis. Nanggagalaiti ako sa galit pero ano bang magagawa ng galit na 'to? May magbabago ba? Wala naman. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa village na 'to. Andaming lihim, andaming misteryo. Hindi pwedeng lagi na lang ganito. Kailangan matapos na 'to. Kailangan may kumilos na. Hindi ko na hahayaang maulit nanaman to.
Hinding hindi na.
---
Hello~ Holy Week pero nagUD ako <//3 Ok. Ok. Feedbacks ha? Love u sexy readers~ Mas nakakaexcite yung mga susunod na chapters T^T Pati kasi ako naexcite hahahahaha! Nasa chapter 34 na ako ngayon hahahahaha ^^
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...