ZIa's POV
Ah...
Ouch...
"Zia! Jusko. Jusko buti nagising ka na. Pinag-alala mo kami ng sobra."
"Zia."
"Eomma! (Mom!)"
Ha? Ano bang inaarte ng mga taong 'to? Bakit nasan ba ako? Teka, bakit ang puti puti ng lugar na 'to? "Anong problema niyo?" Naguguluhan kong tanong. Sinubukan kong umupo kaso sobrang sakit at hapdi ng tyan ko. Bakit ganto 'to? Ano bang nangyari?
"Zia. Wag ka munang uupo, hindi pa magaling ang sugat mo." Paalala ni Peter? B-Bakit? Anong sugat? Bakit ako may sugat? Saan galing sugat ko?
"A-Anong sugat? Nasan ba kasi ako?" Tanong ko ulit. Paano kasi hindi naman ako sinasagot. Mga bastos.
"Indigo, pwede bang ilibot mo muna si KZ?" Pakiusap ni Peter. Tignan niyo oh! Bastos talaga hindi sinasagot yung mga tanong ko.
"Ok sige." Sabi naman ni Indigo. "Let's go KZ. I'll buy you snacks." May tiwala naman ako kay Indigo kaya hinayaan ko na yung anak ko sakanya.
"Indigo. Allergic siya sa nuts ok?" Paalala ko.
"Ahh. Sige parehas pala kami. Let's go?" Sabi ni Indigo. Mukha silang magkapatid na mag-ama na ewan.
Lumabas na silang dalawa. Natira na lang ay ako, Rica, Peter at Jerome? Oo si Jerome nga 'to. Ano ba kasing meron? Inadjust ni Rica yung kama ko. Inislant niya yung upper part ng bed para makaupo ako.
"You're in the hospital---"
"HA? ANO? BAKIT? ANONG NANGYARI SA AKIN?" Gulat kong tanong. Napasigaw ako sa gulat ko. Tinignan ko yung sugat ko sa tyan. P-P-Paano ko nakuha to? Saan? Kelan?
"Zia. Relax. Pinalabas namin sa anak mo na naaksidente ka pero ang totoo niyan... nakita kita kagabi. Naglalakad ka sa gitna ng daan sa tapat ng Lim Mansion. Nilapitan kita at nakita kitang duguan. Nung hinawakan kita hinimatay ka kaya dinala muna kita sa bahay niyo. Tinahi ni Rica yung sugat mo na mahaba at malalim. Dinala ka namin dito kasi namumutla ka na, siguro nauubusan ka na ng dugo nung mga oras na yon." Kwento ni Peter. ANO?! Nilapitan niya ako. Umupo siya sa tabi ko, sa kama, at hinawakan bigla ang kamay ko. Aalisin ko dapat pero nagulat ako sa mga sinabi niya. "Zia... natakot ako. Natakot ako na baka iwanan mo rin ako katulad ng ginawa sa akin ng Mama ko. Kagabi. Kagabi ko naramdaman yung kaba at takot na naramdaman ko nung nag-aagaw buhay si Mama." Huh? Ano nanaman yan? Maniniwala ba ako? Mamaya nangtitrip nanaman yan. Mahirap umasa. Niyakap pa niya ako. Ano? Para effective yung drama niya? Bwisit. Itutulak ko na dapat siya kasi akala ko hindi talaga totoo nung naramdaman ko yung mga luha niya sa balikat ko.
"Tama na ang drama Peter." Utos ni Jerome. Napatingin naman ako kay Peter, halatang nabadtrip.
Humiwalay na si Peter sa pagkakayakap at umupo na dun sa maliit na chair sa tabi ng kama habang hawak-hawak ang kamay ko. Aalisin ko din dapat pero merong part ng utak at puso ko na nagsasabing huwag kong alisin.
"Una sa lahat. Gusto kong humingi ng tawad para sa nangyari noong grade 4 ka. Biruan lang naman kasi namin yon pasensya na kung nasaktan namin ang damdamin mo." Pagsosorry ni Jerome. Sincere ba yan?
Huminga muna ako bago sumagot. "Okay lang. Pinapatawad na kita." Sabi ko sakanya.
"Oh! Bakit siya pinatawad mo agad? Tapos ako hindi? Kailangan ko pang magpaawa. Napakaunfair naman nito." Pag-iinaso ni Peter. Buti nga pinatawad na kita diba. Daming arte.
![](https://img.wattpad.com/cover/9013541-288-k660668.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...