TC6

387 19 2
                                    

Calvin Oh on the right -->

Rica's POV

"Tita! Tita!" Paggising sa akin ni KZ. Inaalog alog pa ako. Nakatulog pala ako agad.

"Uh... yes? Why? What do you need? Wait, why are you crying?" Tanong ko. Inaantok pa ako pero napagising ako nung umiiyak siya.

"Eomma's missing. Where is she?" Pag-aalalang tanog ni KZ. 0_0? Ha? Anong missing? "She's not in her room. Can't find her anywhere." Dagdag pa nito.

"Ano? Anong missing? Baka may pinuntahan lang siya. May iniwan ba siyang sticky note sa ref?" Tanong ko. Ganun kasi kami kahit sa Korea pa lang para hindi kami ganung nag-aalala kapag nawawala bigla yung isa.

"Yes but I can't reach it." Sabi ni KZ. Lumabas na agad kami para tignan yung sticky note ni Zia.

'Nasa resto ako, special work. Sorry for what happened a while ago. I didn't mean it. I over reacted. -Z'

Hay itong babae talaga na 'to. Mapride pa din kahit kelan. Dinadaan pa din yung mga sorry niya sa mga sticky notes. Tinext ko naman siya.

[ Pinapatawad na kita. ]  Ayaw din kasi nito sa mga madadramang eksena. Sawa na daw siyang umiyak. Ang huling iyak niya ay nung mamatay yung asawa niya. Ang sabi pa nga niya sa akin, 'Ito na ang huling beses na iiyak ako.'

Peter's POV

Pumunta na ako dun sa pinareserv-an ko na restaurant. Sa Oh Grills ba yon. Korean restaurant kasi yon na may halong western at ilang Filipino dishes. Yung head officer rin nagsuggest non. Ang meeting na yon ay para sa official na meet up o pag-uusap namin nung Panda Head Officer, Philippines.

Pagkadating ko dun inassist agad ako nung waiter. Nakita ko yung table na may nakalagay na reserve. Tinanggal na nila yung reserve na nakalagay nung umupo na ako.

Asan na ba yung head officer? Pa-VIP. Ay. Oo nga pala, Filipino time nga pala dito. Ilang saglit lang ay may dumating na lalaking nakacasual na damit katulad ng sakin. Nakatago rin siguro yung baril neto sa polo niya. Familar mukha neto ah... Napalingon siya sa akin. May panda tattoo siya sa may gilid ng leeg niya gaya ng tattoo ng lahat ng agents sa Panda Company. Lumapit siya agad sa akin.

"Peter?" Gulat na tanong niya. 0_o?... Ah! Wait... Jerome?!

"Jerome?" Tanong ko. Napangiti naman siya. Siya nga si Jerome, ngiti pa lang e. Siya ang bestfriend ko. Umupo na siya agad. Nakakagulat, what a small world?

"Ikaw ba si XY?" Gulat na tanong ni Jerome. Gulat na gulat pre? Hindi ka ba makapaniwalang ako 'to?

"Oo ako nga. Shh. Hindi mo sinabi na head officer ka na pala ng Philippine branch ng Panda company." Sagot ko. Naunahan mo pa akong mapromote. Daming kalaban sa Korea e. Dami kasing papansin. Mga sipsip. Puro sila proposals para mapaimprove ang company pero wala namang tinatanggap ni isa.

"Unexpected ba? Ganyan talaga kapag gwapo. Hahahahaha." Biro niya. Ulol pre. Mas gwapo ako. Asa ka. Mayabang pa rin kahit kelan. 

"Pero mas malaki sahod ko sayo. Yan ang totoong pogi." Pagyayabang ko. Kala mo ha. Natatawa na lang ako sa payabangan namin. 

"Magkano ba sahod mo? P200,000 sa akin every month." Pagyayabang niya pabalik. Ang baba naman pala e Hahahaha! Akala ko naman malaki talaga.

"$300,000. Minsan umaabot ng $1,000,000 depende sa mission na pinapagawa nila sa akin. Kapag dalawang sabay na mission ganyan." Pagyayabang ko. Oha, pogi ka pa pre ha. Ano ka ngayon? Hahahahaha. Napatameme siya sa sinabi ko. Ganyan pag mga top agents.

"Wala na akong laban diyan. Ano ba 'tong kaartehan mo? Bakit may paganito-ganito pa tayo?" Tanong niya. Para formal? Ganito kasi sa Korea. Bawal ba? Hahahahahaha. Di uso dito sa Pilipinas?

"Wala lang. Formality?" Sagot ko. Tumango lang ang gago.

"San ka pala mags-stay?" Tanong naman niya.

"Sa hotel siyempre. Ayoko sa dorm." Sabi ko sabay tingin sa malayo.

"Bakit naman? Masaya kaya kapag sa dorm. Maingay. Parang noong elem days lang natin." Kwento niya. Nagt-throwback amputa. Hahahahahaha. 

"Trip ko bakit ba? Sa Korea nga sa bahay ako nags-stay e dito pa kaya sa Pilipinas?" Tanong ko sakanya. 

Natigil ang usapan namin nang dumating na ang appetizer. Namiss ko bigla ang Korea. Yung malamig na hangin. Yung magagandang babae. Yung chingchong na mga usapan pero naiintindihan ko naman kahit papano.

"Namimiss mo ang Korea kaya pumayag ka na dito na magpareserve no?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Oo naman. Ilang taon na rin akong tumira don." Sagot ko sakanya.

Tapos dumating na din yung main course. Sarap. Woooh. Namimiss ko ang luto ni Tita Jeyn. Sumunod naman yung desert. Grabe sobrang sarap. Fuck. Ito ang buhay.

"Excuse me miss?" Tawag ko dun sa manager. Lumapit naman samin yung manager.

"Is there any problem sir?" Tanong nung Manager. Kinakabahan siya. Napapansin ko ring tingin siya ng tingin kay Jerome. Minsan lang ako matuwa sa luto ng isang tao kaya maswerte 'tong taong 'to.

"Pwede bang tawagin mo yung chef or chefs na nagluto ng main dish para mapasalamatan ko naman ng personal. Nagustuhan ko talaga ng sobra tong sinerve niyong pagkain e." Utos ko. Amaze ako bakit ba. Minsan nga lang kasi 'to.

"Okay sir." Sagot nung Manager. Tinawag nung manager yung chefs niya.

Zia's POV

Sinilip ko kanina yung Peter ba yon kaso nakatalikod naman. Ang galing. Nung may dumating ulit sinilip ko din. J-J-Jerome?

"O? Gulat ka diyan? Bakit? Kilala mo ba yan?" Tanong ni Calvin. Manghuhula ka ba o mind reader ka? Pero sa tono ng boses niya parang kilala niya yung dumating? Suki ba yan dito?

"Ah..... hindi. Namukhaan ko lang." Sagot ko, more like palusot. Ayokong ipagmalaki sakanya na may kakilala akong tarantado.

Maya-maya kinausap na nila si Manager. "Anong meron? May reklamo kaya siya sa pagkain na niluto natin?" Nag-aalala kong tanong. Nakakahiya. Siguro maalat? Siguro maanghang masyado? Siguro may allergy sila sa nuts? Nakakakaba.

"Wala naman siguro, nakangiti si Noona (Ate) e." Sagot ni Calvin habang nakasilip dun sa maliit na butas. Yung dinadaanan ng mga ready to serve na order. So? Nacompliment pala kami kung ganon? Tama ba?

Pumasok s Manager at nagthumbs up sa amin. Ano meaning nito? Nagustuhan talaga nila? Oh my gosh!!!

"Peter liked the foods we served. He wants to personally thank you the two of you." Ngiting sabi ni Manager habang nakatwo thumbs up.

*dug dug dug dug dug dug dug dug* Hala. Ano to? Bakit bumibilis tibok ng puso ko? Kinakabahan ako? Bakit naman? Sa anong dahilan? Anong meron?! Anong meron?!!! Lalong bumibilis!!!!

"It's good to hear that. Tara na Zia puntahan na natin sila." Pagsang-ayon ni Calvin. Ok. Tumango lang ako at sumunod sakanya palabas. Buti bumalik agad ako sa katinuan. Lalo akong kinakabahan habang papalapit kami ng papalapit sakanil--

"Sir, they're here." Sabi ni Manager sakanilang dalawa.

0_0

0_0

0_0

0_0

"Ikaw?"

---

I'm such a cliffhanger author WAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAA FEEDBACKS NAMAN KUNG NAGUGUSTUHAN NIYO BA TALAGA TONG STORY KO. ANG SIPAG KO NA NGA MAGUPDATE KASI TAPOS NA EXAMS NAMIN YEHET~ BAKA MAMAYA MAGUPDATE ULIT AKO <3 <3 KASO TADTAD KAMI NG PERFORMANCE TASK SAKIT <//3 HAHAHAHA OKOK FEEDBACKS HA? MWAMWA LABYU SEXY READERS :*

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon