TC19

247 10 0
                                    

Peter's POV

Nung nagdrama ako kay Zia. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Mahal ko na talaga si Zia. Oo mahal ko siya. Matagal na pala pero bakit ngayon ko lang nasigurado yung nararamdaman ko? Siguro kasi sobrang indenial ako kasi nga ayoko siya noon pero siguro sa kaka-hindi ko hindi ko alam naffall na pala ako sakanya. Matagal ko na pala siyang mahal pero bakit... siguro nung grade 4 pa 'to? Basta isa lang nasisigurado ko ngayon, mahal ko siya. Hahanapan ko lang ng tiyempo kung kelan ako magtatapat. Ang tagal din pala bago ko narealize na mahal ko pala siya. Ang tanga ko naman. Ilang taon na rin pala akong tanga.

"As I was saying, hindi kinaya ng SWAT at PNP kaya nagpatulong na sila sa amin. Sa dami ba naman ng hawak nilang kaso siyempre hindi na nila mapagtutuunan 'to ng todong pansin. Sa totoo lang, hindi naman talaga kaya 'to ng Panda Company kahit pa ang mga PH Star Agents kaya nagpatulong na ako kay Peter. Inutusan ko rin siyang bantayan ka at ang pamilya mo 24/7." Kwento ni Jerome. Sinabi na ni kupal lahat. Nagtitiwala naman ako sa dalawang 'to kaso yung consequences nga. Paano kung may ibang plano pala 'tong lalaking 'to? Natatakot ako.

"Bantayan? 24/7? Ibig mo bang sabihin..." Gulat niyang sabi at napatingin sa akin.

"Oo. Titira si Peter sainyo pero Zia isipin mo na lang yung proteksyon na maibibigay sainyo ni Peter." Sabi ni Jerome. Proteksyon? Kaya kong ibigay sakanila yon ang inaalala ko yung kapatid ko. Napprotektahan ko sila pero yung mismong kapatid ko hindi.

"Pero diba Peter nasa Korean branch ka... so bakit ka ba nandito?" Naguguluhang tanong ni Rica. Nakakacatch-up pala siya sa usapan namin.

"Oo. May mission kasi ako basta. Teka Zia bakit ayaw mong tumira sa dorm ng Panda Company?" Alok ko sakanya. Magandang alok naman yon diba? Baka siya na rin magpapayag sa akin na tumira na sa dorm ng Panda Company, alam niyo naman na ayaw kong tumitira sa dorm diba?

"ANO? GUSTO MONG PALAKIHIN ANG ANAK KO SA ENVIRONMENT NG PATAYAN? HINDI ATA AKO MAKAKAPAYAG NIYAN PETER! GUSTO KONG LUMAKI ANG ANAK KO SA NORMAL NA PAMUMUHAY! HINDI AKO MAKAKAPAYAG!" Sigaw ni Zia. YUNG TENGA NAMIN. YUNG EARDRUMS NAMIN NASIRA NA.

"HINDI NA. LECHE WAG KA LANG SUMIGAW!" Sigaw ko. Badtrip kasi e. Mukhang gago.

"Oh. Sorry. Ikaw kasi..." Pagsosorry ni Zia at yumuko. Pasalamat ka talaga dahil mahal kita. Wala pang nakakasigaw sa akin ng ganyan nang hindi ako nagagalit. "Ay Rica! May traba---"

Napatingin si Rica kay Jerome. Bakit tinignan ni Rica si Jerome? Anong meron? "Gaga. Wala tayong trabaho ng Sabado at Linggo." Sa totoo lang maganda tong Rica na to e kaso... dating lalaki. Sayang yung ganda. 

"Ah sabi ko nga." Sabi ni Zia at tumatango-tango.

Umupo na ako sa kama niya tapos pinatong ko yung ulo niya sa balikat ko, buti naman at hindi pumalag. Nakakakilig. Ngayon ko lang naramdaman 'tong kilig na 'to sa buong buhay ko.

"Peter. Namumula ka na. Oo nga pala Zia, naalala mo pa ba yung nangyari sayo bago mangyari ang lahat ng to?" Tanong ni Jerome kay Zia. Inalis tuloy ni Zia yung ulo niya kasi nag-iisip siya. Badtrip ka Jerome. Panira ka ng moment. Porket 'di mo kasama yung asawa mo. Bwisit.

Zia's POV

>>Flashback Starts<<

Pauwi na ako nun kasi tapos na ang duty ko. Nakakapagod sobra. Magtatricycle na lang dapat ako  kasi sobrang napagod ako ngayon e kaso walang dumadating/dumadaan na tricycle kaya  napilitan akong maglakad.

Pagdaan ko sa...

>>Flashback Cuts<<

"Ah! Sorry hindi ko na maalala." Umiiling kong sabi. Lalo lang sumasakit ang ulo ko kapag inaalala ko pa yung mga nangyari.

"Ganun ba? Sige hindi ka na muna namin pipiliting alalahanin pero kapag may naalala ka sabihin mo na lang kay Peter ha?" Sabi ni Jerome. "Btw, wear this bracelets. May tracker sa loob niyan para mabantayan namin kayo ng mabuti." Dagdag pa niya at binigyan niya kami ng 3 bracelets. Hula ko cartier tatak neto. May nakaengrave na name namin sa loob ng braclets kaya alam ko kung kanino ko ibibigay yung mga bracelets. May color white na diamond shape sa loob ang cute naman. "Don't lose it." Dagdag pa ulit ni Jerome. "Okay alis na ako. Bye."Lumabas na siya. Binigay ko na yung bracelet kay Rica at sinuot na naming dalawa. 

"Rica paano yan? Saan matutulog si Peter?" Tanong ko kay Rica. 

"Wag niyo na akong problemahin. Okay na ako sa salas niyo." Sabi ni Peter ng nakangiti. Ang cute.

"Anong salas ka diyan. Zia?! Ang luwag-luwag sa kama mo siguro naman pwede niyo na paghatian yon." Suggest ni Rica. ANO?! HOY!! HINDI PWEDE YANG INIISIP MO!

"Oh... kung okay lang kay ZIa... okay na din sa akin." Nakangiting sabi ni Peter. Anong okay lang sakin? Aba Tsatsansing ka ganon?

"ANO?! HIN---"

"Zia ayaw mo namang mahirapan yung bisita natin diba?!" Nakangiting sabi ni Rica. Yung tono ng boses niya parang nangongonsensya na ewan. LAGOT KA SA AKIN. NGITI-NGITI KA PA DIYAN HA. GAGANTIHAN KITA.

"F-Fine." Sagot ko sakanya. Wala naman akong magagawa e.

"Tsaka diba nagtabi na kayo sa kama? Ano pang ikahihiya niyo?" Sabi ni Rica. Binato ko agad siya ng unan. Ipaalala mo pa.

Itong si Peter naman ngumingiti-ngiti pa. "Ningingiti-ngiti mo diyan?" Pagtataray ko sakanya. Humiga na ako dahil sa kahihiyan at natulog na. Naramdaman ko na lang na bumababa yung slanted part ng bed, tinulungan ako ni Rica'ng ibaba yon.

Peter's POV

Titira na ako kila Zia. Ang good news pa, share kami ng room at kama. Sobrang nakakakilig pero hindi ko yun gagamitin para tumake advantage sakanya. Malaki ang respeto ko sa babae lalong-lalo na sakanya pero kapag si Angelique ang pinag-uusapan, hindi na. Bahala siya sa buhay niya. Wala akong paki sakanya. Mamatay siya sa daan.

"Inasar mo pa kasi yan natulog tuloy." Paninisi ko kay Rica.

"Ganyan yan kapag kinikilig, natutulog." Kwento ni Rica. O? Talaga? Ang cute naman. Hahahaha. Shy type. Tinuro ko sakanya yung pinto. Tinuro niya din, tumango ako at lumabas. Buti naman nagets niya yung gusto kong sabihin sakanya. Buti matalino 'to.

"O bakit ba tayo lumabas? May sasabihin ka ba?" Tanong ni Rica pagkalabas namin sa kwarto.

Pinaupo ko muna siya bago ako sumagot. "Magkwento ka naman ng tungkol kay Zia tsaka dun sa asawa niya."

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Ipangako mong hindi mo mababanggit to kay Zia ha? Kundi patay ako." Tumango naman ako. "Sobrang nagmamahalan sila ni Kalvin---"

"Calvin? Akala ko ba---"

"Ibang Calvin yon. K yung sa asawa ni Zia, letter C dun sa head chef namin. Masaya sila nung una. Akala ko nga mabait talaga si Kalvin... pero hindi pala. Kapag nalalasing kasi siya, sinasaktan niya si Zia pero hindi ang anak nila. Kapag hindi naman na siya lasing mahal na mahal na niya yung dalawa. Itong si Zia naman palaging pinapatawad kahit palagi na lang nangyayari pinapatawad niya pa rin. Mahal na mahal niya kasi si Kalvin at ayaw niyang masira ang pamilya nila kaya pinapatawad na lang siya. Pinapahalagahan niya kasi yung marriage niya. Martyr din kasi yung babaeng yun ay hindi pala martyr. Tanga pala. Malaking tanga. Pero alam mo napansin ko kahit mahal na mahal daw niya si Kalvin, ikaw pa rin talaga. " Kwento niya. Ano? Anong ako pa rin? Ako pa rin? Paanong...

"Bakit? Paano mo nasabing ako pa rin?" Curious kong tanong.

"E kasi nasa secret treasure box niya yung mga stolen pictures mo noon tapos napapaniginipan ka niya minsan. Nagkukwento kasi sakin yun. Basta kunwari nasa isang lugar kami tapos biglang magkukwento siya ng something na connected sayo." 

---

YEHET~ HAHAHHAA ACTUALLY CHAPTER 41 NA AKO SA NOTEBOOK KO KASO NITATAMAD AKO MAGTYPE :C ONTI NG READS E LOL DEJK HAHAHAHAHA! FEEDBACKS PLS!!! HAPPY 34K SA TWIOP <3 NAKAKATOUCH GRABE DAMI NG NAGBABASA <3333

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon