Author's POV
"Long time no see your face bitch." Sasaksakin na dapat ni Lady 360 si 18 ng makita niya ang screen. May batang babaeng pumapatay ng agents sa loob ng Panda Company, PH. Tinutukan na muna ni Lady 360 si 18 saka sinaksak si 18 sa hita. Kumuha ng upuan si Lady 360 at pinaupo si 18 doon. Itinali ni Lady 360 si 18 gamit ang makapal na chain na nakakabit sa damit niya. Tinanggal din ni Lady 360 lahat ng gamit ni 18 sa bulsa nito na pwedeng makatulong sa pagtakas nito. "Sino yang batang yan?!" Tanong ni Lady 360.
"Yan? Hahaha. Hindi mo kilala ang sarili mong apo?" Pang-aasar na sagot ni 18 kay Lady 360. Naiinis na ulit si Lady 360 kaya sinaksak niya ulit si 18 sa kabilang hita nito. "AH!" Sigaw ni 18 sa sakit. Kahit metal na ang katawan niya, natatamaan ng sword ni Lady 360 ang mga wiring sa loob ng katawan ni 18.
"Gusto ko ng matinong sagot." Galit na utos ni Lady 360.
"Matinong sagot naman yun ah?" Sabi ni 18. "Mana talaga siya sa Lola niya. Mamamatay tao rin." Pang-aasar pa ni 18.
"GAGO KA. ANONG GINAWA MO SA APO KO?!" Galit na galit na tanong ni Lady 360.
"Dahil sa pakielamero mong agent na lalaki hindi natuloy ang red-moon rituals ko kay Zia. Hindi ko tuloy napasunod si Zia at bilang kapalit, kinuha ko ang anak niya. Ang nag-iisa mong apo. Nilason ko ang isip at kinonekta ang buhay niya sa buhay ng babaeng nasa tube na yan sa pamamagitan siyempre ng technology." Kwento ni 18.
"Ibig mong sabihin hindi talaga yung apo ko ang pumapatay kundi ang babaeng ito?" Tanong ni Lady 360.
"Buti gumana na din utak mo. Kailangam mo pa lang magpasalamat dahil ilang taon ko rin binabantayan ang anak mo tapos yung apo mo halos isang taon kong inalagaan at nilason ang isip." Nakangising sabi ni 18.
Sasaksakin na dapat ulit ni Lady 360 si 18. "Kahit patayin mo ako. Hinding-hindi mo na maibabalik sa dati ang buhay ng apo mo. Lalo na ang mga mata ng anak mo." Pang-aasar ni 18.
Napatingin si Lady 360 sa screen. Nakita niyang umiiyak si Peter habang yakap-yakap ang duguang si Zia. Nakita rin niya na dahang-dahang pumapasok sa loob ng execution room si KZ. Palihim na sinaksak si Jerome at Stacey mula sa likod. Dahan-dahan ring lumalapit sa nakatalikod na si Peter.
"Paano mo napasok ang system ng Panda Company?" Tanong ni Lady 360.
"Diba tinirain ako ng tatay mo para maging all-around assistant niyo? Siyempre ginamit ko yun para sa mga plano ko ngayon." Sagot ni 18 at biglang sinipa ang sword ni Lady 360. Tumalsik ito sa may pinto ng room. Naggagagalaw si 18 para makatakas. Agad na kinuha ni Lady 360 ang sword niya. Nasa may pinto na si 18 at malapit ng makatakas habang si KZ ay malapit na kay Peter.
Dali-daling sinaksak ni Lady 360 ang tyan ni 18. Pumunta muna siya sa tube, pinilit na buksan ito at sinaksak si Angelique. Nung sasaksakin na dapat ni KZ si Peter bigla na lang itong natumba at namatay. Binalikan niya ang duguang si 18.
"Tapusin na natin 'to 18." Sabi ni Lady 360.
"H-Hindi pa dito nagtatapos a-ang lahat." Nanghihinang sabi ni 18.
"Nagkakamali ka. Dito na magtatapos ang lahat ng ito." Pamamaalam na ni Lady 360 kay 18. Chinopchop na ni Lady 360 ang katawan ni 18. "Para yan sa lahat ng perwisyong dinulot mo sa pamilya ko at sa lahat ng mamamayang napatay mo. Tignan na lang natin kung hindi ka pa mamatay niyan."
Naglakad na si Lady 360 palabas ng underground headquarters ni 18. Paglabas niya, nakita niyang halos namatay lahat ng tauhan ni 18. "Nakalimutan ko." Sabi ni Lady 360 sa sarili niya. Bumalik siya sa loob. Sinira niya ang main system. As in dinurog talaga. Pinugutan din ng ulo si Angelique. In case na mabuhay pa daw ito, delikado na.
Lumabas na ulit siya at naglakad sa duguang village. Nakita niyang naglilinis na yung PNP at SWAT ng mga katawan. "Sir meron pa pong dalawang katawan dun sa loob ng underground headquarters." Sabi ni Lady 360.
"Pinatay mo na ba sila? Siniguro mo na ba? Baka mamaya mabuhay pa ulit yan. Problema nanaman." Sabi nung police kay Lady 360.
"Hindi sir. Pinugutan ko na ng ulo para sigurado." Sagot ni Lady 360.
"Ikaw pala may-ari ng Number Village? Ano ng gagawin mo dito?" Tanong nung police.
"Hindi na ako dahil matagal ko ng naibenta 'to pero ang sabi nila si 18 daw ang bumili nito at dahil patay na siya gusto ko sanang ipagiba na ang buong village na 'to. Huwag na kayong mag-iwan pa ng kahit anong ebidensya. Ibenta niyo kung gusto niyo o kaya gawin niyo na lang na sementeryo. Total marami ng namatay sa lugar na 'to." Utos ni Lady 360.
Tumingin muna si Lady 360 sa Lim Mansion. Huminga ng malalim. "Tama si Dad. Hindi habang buhay matatakasan ko ang nakaraan ko. Kailangan ko 'tong harapin at tanggapin."
Nagmotor lang si Lady 360 papunta sa Panda Company. May mga sumunod din sakanya na mga agent-doctors. As expected, naglilinis na din sila ng mga dugo't katawan. Maraming nagulat sa pagbabalik ni Lady 360.
"XY." Tawag ni Lady 360. Hindi lumingon si Peter dahil nabosesan niya si Ms. Theresa.
"Ms. Theresa, patayin mo na lang ako. Hindi ko nagawang tapusin ang mission ko. Ngayo'y nanganganib pa ang buhay ni Zia." Umiiyak na sabi ni Peter habang nakaluhod. Sa lahat kasi ng agents, nagpapakita lang si Ms. Theresa (Lady 360) kay Peter ng walang maskara.
"Tungkol sa mission mo, nagawa mo naman. 50/50 na nga siya ngayon. Nagawa mo din yung isa dahil si Zianell B. Monroe at ang pinapahanap kong anak ko sayo ay iisa." Sabi ni Ms.Theresa/Lady 360.
Nalaman na din ng mga tao na si Lady 360 at Ms. Theresa ay iisa.
"You're officially promoted as Star Agent."
---
TADA!! LAST CHAPTER NA TO TAS EPILOUGE NA OMG TT
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...