Danica's POV
Nakakainis. Nahiwalay pa ako kay Dustin. Nakakainis talaga. Nanginig lang naman ako kaya lumihis yung bala. Kung hindi sana ako kinabahan edi sana kasama ko sila ngayon.
Andito na kami sa malaking classroom na 'to. Marami na ding tinuro sa amin kanina. Naipasok ko naman sa utak ko mga sinabi niya. Ngayon naman, recess na. Magkakakilala na pala silang lahat. OP ako. Biglang may tumabi sa akin na babae.
"Hi. I'm Veronica." Pakilala niya sabay alok ng kamay niya sa akin. Nakangiti siya sa akin. Maganda siya at maputi.
"Hello. I'm Danica. Nice to meet you." Pakilala ko naman sakanya. Nakipagshakehands na ako sakanya.
"Ang swerte ni Dustin at Pau no? Accelerated agad. Tsamba lang siguro yon. Oo nga pala, kaano ano mo si Dustin? Magkaapelyido kasi kayo." Tanong ni Veronica. Wow, para sa isang stranger na tulad niya. Andami na agad niyang alam... well kanina kasi sinabi yung mga pangalan pero ang bilis naman niyang magkabisado at makaalala.
"Bestfriend ko. Nagkataon lang na magkaapelyido kami." Sagot ko. Na-a-awkward ako bakit ganun.
"Edi ilang years na kayong magkakilala?" Tanong niya. Journalist ka ba? Bakit andami mong tanong?
"Hindi namin binibilang pero since babies pa kami magkasama." Sagot ko sakanya.
"Matagal na pala. Napakaimposible namang walang nainlove sainyo no?" Malisyosang tanong ni Veronica. Bakit naman ganun yung tanong niya? Biglang tumibok ang puso ko. Yung tipong kahit sobrang ingay naririnig ko pa din yung heartbeats ko. Bakit ganun? Mahal ko ba si Dustin? Nahulog kaya ako?
"W-Wala. P-Parang magkapatid na kasi kami. Hanggang dun lang yon." Sagot ko sakanya. Ano bang gusto niyang palabasin?!
"Sabi mo. Pero bakit parang close agad sila ni Pau? Sila na ba?" Nakangiting tanong ni Veronica.
"HINDI AH!" Napasigaw ako. Napatingin sa akin yung mga tao sa paligid ko. Bakit ganun na lang ako makareact? Anong meron? Mahal ko na ba si Dustin ng hindi ko nalalaman? Hindi. Hindi pwede to. MAGKAPATID LANG KAMI. MAGBESTFRIEND. HANGGANG DUN LANG YON.
Jerome's POV
Natapos ko nang interview-in si Dustin at Pau. Sabi ko gumala muna sila. Nandito kami ni Zia sa secret room. Kailangan ko siyang makausap nang nakasisiguro akong walang makakarinig sa usapan namin.
"O bakit nandito nanaman tayo?" Tanong ni Zia tapos sumalampak na dun sa couches.
"Kamusta na yung tattoo mo? Burado na ba o may bakas pa rin?" Tanong ko. Nag-iingat lang kami. Mahirap ng sumablay.
"Hindi pa." Sagot ni Zia. Ibinaba niya yung bandang shoulder lang ng long-sleeve dress niya at tinanggal din ang benda. Hindi pa nga burado. "Ilang araw pa ba bago mawala 'to?" Tanong niya sa akin.
"Hindi lang araw kundi buwan. Yung binigay kong remover sayo kanina. Ipahid mo yun sa tattoo mo sa loob ng 1 hour para mas effective." Suggest ko sakanya. Pinagawa ko lang kay Dr. T yung solutin ng tattoo remover na yon. Limited lang ang stock non dito at hindi pinagbebenta sa market.
"Teka nga. Kanina mo lang naman 'to binura e. May problema ba?" Tanong ni Zia sa akin. Sinuot na ulit niya yung benda at yung sa sleeves niya. Buti't naamoy mo nang may pinoproblema ako.
"Yung co-trainee mong si Dustin. Galit siya kay Agent Phoenica dahil ito daw ang pumatay sa ina nilang dalawa ni Danica Stefan. Gusto ka niyang patayin para gumanti. Zia. Dumadami na ang gustong pumatay sayo kaya mas lalo kang mag-ingat." Kwento ko sakanya.
Zia's POV
Ang akala ko talaga nawala na yung pagkasharp shooter ko. Hindi pa pala. Nandito nanaman kami ni Jerome sa secret room niya at binabalaan ako na itago kong mabuti 'tong pagkatao ko.
"Jerome. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako natatakot na malaman nilang ako si Agent Phoenica e. Kung papatayin nila ako, kayang-kaya ko silang unahan." Sagot ko sakanya. Bumabalik nanaman yung happiness delight na nararamdaman ko sa tuwing nakakapatay ako noon.
"Zia. Wag mo sabihing --"
"Alam mo, kaya nga ako bumalik sa pagiging agent ay para pumatay." Sabi ko. "Paano na ang goal ko na patayin si Ms. 18 kung magpapapatay ako?"
"Kahit si Peter pa yan?" Tanong ni Jerome.
Tinitigan ko muna siya. "Kahit si Peter pa yan." Sagot ko sakanya.
"Gusto ko yang dedication mo. Mag-ayos ka na. Magsisimula na ang training niyo." Utos ni Jerome sa akin.
Lumabas na kami dun sa secret room na yon. Naghiwalay ulit kami ng daan at nag-ayos na ako ng sarili ko. Bumalik na din ako sa office niya. Nandun na siya. Tinawagan niya ngayon ang secretary niya para pabalikin ang dalawa pang co-trainees ko.
Si Dustin pala yung batang kasama ni Devonne Stefan. Sa totoo lang nadamay lang naman yung nanay ni Dustin e.
>>Flashback Starts<<
"Phoenica!" Tawag sa akin ni Ms. 18
"Gusto kong patayin mo 'tong babaeng 'to." Utos niya sa akin tapos pinakita niya yung picture. "Siya si Devonne Stefan. Kababata kong minsang nanglait sa akin." Binaliktad ko yung pic. Kadalasan kasing nilalagay na ni Ms. 18 yung address nung papatayin ko sa likod ng picture.
"Ok sige akong bahala." Sagot ko sakanya.
Hinanda ko na yung gamit ko at umalis na kasama siya. Nung nasa tapat na kami ng bahay, saktong lumabas na sila.
"Ms. 18 apat sila." Sabi ko. May kasama kasi siyang dalawang bata.
"Kill them all." Utos ni Ms. 18. Ano? Bakit madadamay yung mga bata?
"Kill them all? Pati yung mga bata? Pero wala silang kinalaman dito." Pagtatanggol ko dun sa dalawang bata.
"No. Yung dalawang matandang babae lang. Just kill them." Naiiritang sabi ni Ms. 18.
Lumabas na ako ng kotse at binaril na yung dalawang babae. Sorry. Trabaho lang.
>>Flashback Ends<<
---
YAY. HAHAHAHHAA ATLIS NAKAPAGUD NG 3? TAMA BA? HAHAHHAHAA OKA FIGHTING US!!
-ANMN
![](https://img.wattpad.com/cover/9013541-288-k660668.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...