Danica's POV
Nauna na ako sakanila, nag-uuusap pa kasi ang tagal tagal. Gusto ko ng tignan yung training grounds. Ako nga pala si Danica Stefan, childhood bestfriend ni Dustin.
Hindi ko lubos akalaing mapapapasok ako ni Dustin sa ganitong lugar. Madami naman talagang ibang paraan para masuportahan namin ang mga sarili namin, ayoko na kasing pag-awayan pa nanaman namin 'to ni Dustin. Simula kasi ng mamatay ang mga nanay namin, pinangarap na niyang patayin si Agent Phoenica. Hindi naman sa wala akong galit sakanya pero... hindi kasi ako mapaghiganting tao tsaka alam ko namang kakarmahin rin siya.
At dahil nga sa pagmamarunong ko, naligaw ako. Feeling ko umikot lang ako. Hinanap ko ang tamang daan ng makita ko ulit si Dustin at Pau na magkaholding hands habang naglalakad. Bakit? Sila na ba agad? Kanina lang sila nagkakilala. Oo bestfriend lang ako pero hindi ako makapapayag na mapunta o landiin siya ng babaeng yun. Ngayon pa lang nagkita ang kati-kati na.
Hindi ko na lang sila pinansin, nagtanong-tanong ako at sa wakas nakapunta na din ako sa training building. Naabutan ko sila ni Pau na nagtatawanan. Ewan. First time kong maramdaman 'to. Siguro dahil wala naman kaming ibang naging bestfriends kundi ang isa't isa. Oo may mga katropa kaming iba pero bestfriend? Kaming dalawa lang talaga. Hindi ko inaasahang ganito pala karami ang trainees dito, akala ko kasi konti lang.
"DANICA!" Nakangiting tawag sa akin ni Dustin pero dahil hindi naman ako pinalaki ng mama ko na inggitera/selosa, papalampasin ko na lang. Oras naman na siguro para magkaron na ulit kami ng bagong kaibigan.
Tumango ako at lumapit sakanilang dalawa. "So anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko nung makalapit na ako sakanila.
"Dustin's teaching me how to speak your language. I tried but he's alughing at my accent." Reklamo ni Pau sabay pout tapos hinug ako. "Kindly kick him for me please."
Natawa ako na natuwa. Ganito ba to lagi? Sobrang cute. Marami pa kaming mga napagkwentuhan ng may dumating... Nako Dustin...
"Excuse me trainees. I would like you all to meet the Head officer of our branch, Mr. Jerome Ferrer." Pakilala ni Prof H.
"Hey... Dustin, you have the same surnames. Are you related to him?" Inosenteng tanong ni Pau. Nagkatinginan tuloy kami ni Dustin. Nadulas pa kasi siya kanina.
Naalala ko nung nasa elementary pa kami dati hindi niya itinatangging ama niya si Jerome Ferrer. Sikat na businessman kasi si Jerome dati, hanggang ngayon pa rin naman. Ngayon ko lang nga nalaman na head officer pala siya ng legendary agency na 'to. "No. We're not related. I don't even know him. Magka... apelyido lang siguro kami o kaya malayong pinsan." Sagot ni Dustin habang nakatingin sa ama niya.
Napatingin ako sakanya siguro hindi pa napapansin ni Pau yung dinaramdam niya ngayon, siguro kasi kakakakilala pa lang naman niya kay Dustin.
"Hello. I'm here to give you a suprise shooting exhibition. Trainees, impress me."
Dustin's POV
Gusto kong sumabog. Gusto kong ipaalam sa lahat ang bahong matagal na niyang itinatago. Gusto kong maramdaman din niya yung sakit ng pag-iwan at pagtanggi niya sa akin bilang anak niya. Gusto kong magdusa din siya. Pero alam ko hindi pa ito ang tamang panahon. Makakaganti rin ako.
"Pau. May pakiusap sana ako sayo. Wag na wag mong sasabihin sa iba na Ferrer ang surname ko ha? Isipin mo na lang Stefan ang gamit ko. Please?" Pakiusap ko kay Pau.
"Oh... ok sure?" Tinitigan niya muna ako tapos tumango. Siguro trinanslate pa niya yung sinabi ko. pero buti at pumayag siya.
Nagsimula na ang exhibition, Marami pang nauna bago kami. Marami sakanila ang nagmintis, may mga tumama din pero wala pang nakakabull's eye.
"Next. Dustin F-- Stefan." Sabi nung lalaking nagtatawag ng pangalan ng trainees. Siya rin yung pinakiusapan kong wag muna sabihin yung apelyido ko. Muntik ng masabing Ferrer. Wooh.
Umabante na ako at pumuwesto. Gusto kong ma-impress si Jerome sa akin para makuha ko ang tiwala niya at pag nagawa ko na... susupresahin ko na siya.
Tinutok ko na yung baril ko sa target. Huminga ng malalim. Inisip ko lahat ng sakit at paghihirap na pinagdaanan ko. Lahat ng sakit na dinulot ni Jerome sa akin at sa Mama ko. Saka ko nirelease. YES! "BULL's EYE!" Namamanghang sigaw nilang lahat. Pinalakpakan nila ako kaya nagbow ako at tumingin kay Jerome. Napangiwi na lang ako. Bumalik na ako sa pwesto ko kanina.
"Next. Pau Axlerod." Tawag nung lalaki kay Pau. Si Pau na pala ang susunod. Pumuwesto siya sa gitna at tinutok na yung baril niya sa target. Pumikit siya at saka niya nirelease. Akala ko hindi niya magagawa pero nagawa niya. "Another bull's eye from our newest trainee." Sabi nung lalaki. Bumalik na din agad siya dito sa pwesto ko. "Next. Danica Stefan." Tawag nito kay Danica. Si Danica na. Sana bull's eye... natamaan niya ang target pero hindi siya nakabull's eye.
Nung bumalik na siya sa pwesto namin. "It's okay." Bulong ko sakanya. Cinomfort ko siya. Niyakap naman siya ni Pau. Ang sweet talaga ng taong 'to tsaka totoo siya pasikat ganon, di tulad ng iba. Mga MEMA. Marami pa ang sumunod at natapos na din ang exhibition.
Tumayo na si Jerome kaya nanahimik ang lahat. Binigyan siya ng mic ni Professor H. "Ms. Axlerod and Mr. Stefan please step forward." Utos ni Jerome Sumunod naman kami sakanya. "Naimpress niyo ako so willing ako na i-train kayo pagdating sa paghandle ng mga weapons. Si Prof H na lang din ang mentor niyong dalawa. Marami pa naman tayong teachers. Yung mga nakatama ng target pero hindi bull's eye, magsama sama dito sa kaliwa ko. Magsasama-sama kayo sa iisang klase. Yung mga missed naman dito sa kanan ko. Magsasama-sama rin kayo sa iisang klase. Wag kayong mag-alala, hindi yan ang permanent classes niyo dahil every week nagpapagawa ako ng mga suprise exhibitions. Meron ulit next week pero iba na kaya maghanda kayo ng mabuti. Pau and Dustin? follow me----"
"E-Excuse me Sir. May hahabol pa po sa shooting exhibition." Sino naman? Sino siya?
"Zianell Bae." Pakilala niya. Nakadress na siya na itim pero long-sleeves at nahahalata kong may nararamdaman pa siyang sakit sa tyan niya. Nakahawak kasi siya sa tyan niya kaya nasabi ko yon.
"Hahahahaha. Ate sure ka ba? E ang tanda mo na kaya." Tawang sabi nung bastos na trainee na nasa missed class kaya natawa na din yung iba..
Kinuha na agad ni Zianell Bae ang baril at hindi na tinantsa ng mabuti at bumaril na agad. Bull's eye. Speechless ang lahat. Tinutok niya ang baril dun sa trainee. "Zianell." Tawag ni Jerome sakanya pero hindi niya ito pinansin.
"Sa susunod kasi siguraduhin mo munang perpekto ka bago mo ako husgahan."
---
ANO? AYOS BA? FEEDBACKS PLEASE!!! HAHAHAHAHA
-ANMN
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...