TC53

169 7 0
                                    

Peter’s POV

>>Danica’s CCTV Transmission Starts<<

Tumatakbo si Danica galing sa shooting area. Nagpunta siya ng room niya at lumabas din naman agad. Ang hindi niya alam sinusundan pala siya ni KZ. May hawak si KZ na dagger sa likod niya at nakawhite gloves siya. Tumigil si Danica sa pagtakbo at napaupo habang umiiyak. Bago tuluyang lapitan ni KZ si Danica tumingin muna siya sa CCTV. May pinindot siya sa isang cellphone at ngumisi. Iba ang ngisi niya, nakakatakot. Hanggang sa nilapitan na niya si Danica. Kinalabit niya muna ito.

“Bata, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Danica habang umiiyak.

“What am I doing here?” Ngumiti si KZ at sinaksak ng dagger si Danica sa leeg. Tinanggal na niya ang dagger mula sa leeg. Pinunasan niya at nilagay sa lalagyan niya. Ibinulsa na niya ito at hinatak niya si Danica papunta dun sa main lobby. Bago pa siya tuluyang pumunta don. Nagpausok siya ng pampatulog. Nakafacemask si KZ siyempre.

Pumunta na nga siya sa main lobby. Nilagyan niya ng bakal yung ceiling ng lobby, doon niya isinabit yung rope. Pinalano niyang itali yung lubid dun sa pinto ng isang office. Itinali na muna niya yung lubid sa leeg ni Danica. Hinila na niya yung tali hangang sa lumambitin na yung katawan ni Danica sa lobby.

[ A/N: Bakit ang lakas ni KZ? E kasi nga diba kinocontroll siya ni Angelique ]

Itinali na niya sa gate. Kumuha siya ng typewriter at papel. Nagsimula na siyang magtype ng suicidal letter ni Danica. Nung matapos niya itong letter. Dinala niya ang typewriter at ibinalik sa pinagkuhaan nito. Pumunta na siya sa kwarto ni Danica at lumabas.

>>CCTV Transmission Ends<<

Nagulat kami sa napanood naming. Hindi kami makapaniwala. Napatulala ako sa napanood ko.

Pinanuod pa naming yung pitong CCTV. Si KZ lahat ang pumapatay. Parehas lang ng nangyari. Itong sunod na pinanuod namin ay kay Rica.

>>Rica’s CCTV Transmission Starts<<

Nasa kitchen si Rica, nakikiluto rin. Nagluluto siya ng pagkain niya ng dumating si KZ. Tinignan niya ulit yung CCTV at may pinindot ulit. Naka-white gloves ulit siya. Kinalabit niya si Rica.

“Oh hi baby!” Masayang sabi ni Rica. Umupo pa si Rica. Ang hindi niya alam may hawak-hawak na dagger si KZ sa likod niya.

“Tita. I want flesh salad.” Request ni KZ. Pinaglalaruan na niya yung dagger sa kamay niya.

“Flesh? As in laman? Saan naman tayo kukuha ng flesh e ubos na—“

“I know where to get one.” Sabi ni KZ.

“Where honey?” Tanong ni Rica.

“From you.” Sabi ni KZ at sinaksak si Rica sa leeg.

Hinatak na ulit ni KZ si Rica papunta sa main lobby. Katulad ng ginawa niya kay Danica, ganun lang din ang ginawa niya kay Rica. Pero unlike sa mga ginawa niya sa walong tao, hindi siya gumawa ng suicidal letter.

>>CCTV Transmission Ends<<

Pare-parehas ng way ng pagpatay si KZ. May sinusunod ba siyang bilang? Pinapanood na sa amin yung latest.

>>Pau&Dustin’s CCTV Transmission Starts<<

Nasa libing ni Rica si Zia. Lumabas si KZ pero nagtago siya sa halamanan. Dumating si Pau at Dustin. Nag-usap usap sila at ilang saglit pa ay lumabas na si KZ galing sa halamanan habang may hawak na chainsaw. Itinaas ito ni KZ kaya napaturo si Pau. Pinukpok ni KZ si Zia sa ulo. Hindi nakatakbo si Pau at Dustin. Binuksan ni KZ ang chainsaw at hiniwa ang tyan nung dalawa. Tumingin ulit siya sa CCTV. Tinikman ang dugo atsaka ngumiti.

Pinatay na niya ang chainsaw at umalis na.

>>CCTV Transmission Ends<<

Sobrang gulat kami ni Jerome. Nanghihina ang mga paa ko. Unti-unting pumatak ang mga luha ko.

“Naunahan tayo ng galit...”

Author’s POV

On the way na si Lady 360 at ang hukbo niya papuntang number village. Siyempre hiwa-hiwalay sila para hindi sila mahalata. Paunti-unti nilang pinasok ang number village.

Hanggang sa nag-alarm ang buong village. Lumabas yung mga tao ni 18. Si 18 naman ay natataranta hindi niya alam na biglang susugod si Lady 360 sa kuta niya. She was caught off guard.

Hinanap ni Lady 360 yung daan papunta sa underground headquarters ni 18. Halos naikot na niya ang lahat. Nung natanaw niya ang mansion, nanghina siya. Parang naririnig niya ang paghingi ng tulong ng asawa’t anak at pamilya niya.

“Hindi sa oras na ‘to.” Bulong ni Lady 360 sa kanyang sarili. Patuloy niyang hinanap ang daan hanggang sa may naapakan siyang bakal. Huminto siya’t tinignan ang naapakan. Binuksan niya ito. Nakita niyang may hagdan ito kaya bumaba siya dito. Dala-dala ang kanyang sword, tinahak niya ang madilim na daan. Maya-maya pa’y nakita na ni Lady 360 si 18.

“Surprise motherfucker.” Sabi ni Lady 360. Tinutukan niya agad si 18 ng sword na dala niya.

Nagulat si 18 pero hindi niya ito pinahalata kay Lady 360. “Bakit naman? Matagal ko ng hinihintay na magbalik ka Lady 360. Long time no see huh?” Pang-aasar ni 18 kay Lady 360 kahit na sobrang kinakabahan at natatakot siya.

---

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon