Angelique Morris on the right -->
Peter's POV
Papunta na ako sa Oh Girlls para kunin yung pendant na nahulog mula sa bulsa ko kagabi. Bigay kasi sa akin yon ng mama ko kaya sobrang napakaimportante non. Baka dalawin ako ni mama sa panaginip ko kapag naiwala ko yon.
Kabababa ko lang sa kotse ko ng may nakita ako....
._.
-_-
o_o
0_0
O_O
Angelique? Bakit nandito yang babaeng yan? Diba nasa Korea... Aish puta sinundan nanaman niya ako. Lagi na lang. Bigla silang nagkabanggan ni Zia. Palapit na sana ako ng sumigaw si Angelique.
"YOU DIDNT SEE ME?! UGH! TIGNAN MO GINAWA MO SA DAMIT KO PABO! (STUPID!)" Singhal ni Angelique. Napakasama talaga ng ugali neto e. Psh. Isa lang naman yan sa mga cheap clothes na binibili niya sa Korea kapag nagsh-shopping siya. Makapagreact kala mo naman mamahalin talaga.
May sinabi si Zia na hindi ko marinig pero halata kong nagtataray na rin siya. Sino ba naman kasi ang hindi magtataray sa lagay na yan diba tapos sumigaw ulit si Angelique pero sa pagkakataon na 'to, iba ang nangyari.
"I SAID YOU'RE A STUPID B----- AH!!!!!" Iyak ni Angelique. Wow. Masakit yun. Inagaw kasi ni Zia yung kape at itinapon ito sa mukha ni Angelique. Nakakagulat man pero medyo namangha ako. Marunong na palang lumaban si Zia ngayon 'di tulad dati na nagpaaapi pero nagulat pa rin talaga ako sa ginawa niya. Iba kasi pagkakakilala ko diyan. Hindi siya scandalosa tulad ni Angelique. Sabagay... lahat naman ng tao nagbabago.
Bago pa magpatayan 'tong dalawang 'to nilapitan ko na sila. "Zia anong ginawa mo?" Tanong ko. Sobrang nagulat si Zia sa pagsulpot ko. Pati si Angelique nagulat rin.
Pero nagawa niyang sumagot. "Edi tinapunan siya ng kape. Daming sinasabi e. Scandalosa." Galit na sabi ni Zia. Pati pananalita niya nagbago na rin. Mahinhin 'to dati, anong nangyari ngayon?
"AKO PA SCANDALOSA----"
Hahatawin na sana ni Angelique si Zia pero pinigilan ko si Angelique. "Angelique. Tama na tsaka ano ba kasing ginagawa mo dito sa Pilipinas? Nasa Korea ka diba?" Tanong ko. Naiirita na din kasi ako sa babaeng to. Feeling kami. Feeling girlfriend. "Nakakairita na yung pagbuntot mo sa akin, para kang aso." Sunod kasi ng sunod sa akin, diba? Napapansin niyo rin yan. Napatingin ako kay Zia, nagulat pala siya. Hindi niya din pala nakilala si Angelique. Umalis bigla si Zia pati yung kasama niya pero hinablot ni Angelique si Zia sa braso. Inalis ko yung kamay ni Angelique sa braso ni Zia.
"Angelique ano ba?! Bitawan mo siya. Wala kang karapatang magmaangas dito. Wala ka sa teritoryo mo at ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo." Sigaw ko. "Zia, pumasok --"
"Bakit mo ba ginagawa 'to ha? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong mo at mas lalong hindi kita kailangan!" Galit na sabi ni Zia sa akin. Ito pala napapala ng nagmamagandang loob?
Tangina. Nakakaputa. "Sana nagthankyou ka na lang. Mas ma-a-appreciae ko pa." Seryoso kong sabi. Tinalikuran ko na sila at pumunta dun sa guard para kunin yung pendant ko. Panira ng araw. Putangina. Sobrang nabadtrip ako. Lalo na sa sinabi niya.
Zia's POV
Sino ba kasi may sabing ipagtanggol niya ako? Tapos ikaw pa magagalit ngayon? At itong hipokritang hipon na nakatayo sa harap ko, siya yung Angelique na sinasabi ko sainyo na nagkalat ng crush ko sa buong campus noong grade 2 pa kami, kung makatingin sakin kala mo kung sinong mataas na ang narating. "Close" na din pala sila ni Peter, nagagawa nga naman ng desperada oh.
BINABASA MO ANG
Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]
Mystery / ThrillerShe's an author and a single parent to her daughter. She just want to live in peace but when she went home, she got implicated in this conflict. Is she accidentally implicated or is she really involve in this? 30 years had passed and everyone really...