TC43

169 8 0
                                    

Peter's POV

Pagkatapos ng fail-ILY ko kay Zia at yung pagreresearch niya sa assignment niya pumunta na siya sa training grounds at ako? Pumunta ako sa room ko. May meeting pala ako ngayon kay Ms. Theresa. Kahit naman inilipat ako ng branch hindi ko pa rin nakakalimutan yung dalawang unfinished mission ko dito sa Pilipinas.

Nag-online na ako at nakipagvideo chat na sakanya. Marunong magtagalog, Korean, English, spanish, Mandarin, Japanese, Spanish, at Malaysian si Ms. Theresa. Inaral niya ang lahat ng yan para mas madaling makipagcommunicate sa iba pang branches ng Panda Company.

"Goodmor---"

[ Kahit wag na XY. Nasa pilipinas ako ngayon. Tungkol nga pala sa dalawang mission mo. Itutuloy mo pa ba? May hawak ka ng mission diyan sa Pilipinas-- ] 

"Akala ko po ba tumutulong lang ako? At sa pagkakaalam ko mga head officer at star agents lang ang mission na 'to. Top agent pa lang ako."

[ Hindi mo pa ba alam?! Pinilit ni Jerome na gawin kang Star Agent. Ang sabi niya, hindi pa daw kaya ng mga PH Star Agents niya. Pumayag naman na ako total may dugo ka namang Pilipno at masyado ng maraming star agents sa Korean branch. ]

ANO?! BAKIT GINAWA NI JEROME YUN?! "T-Talaga po? Itutuloy ko pa rin yung mission. Hindi ko po bibitawan yun."

[ Napangiti mo ako. Nakikita ko sarili ko sayo. Wala naman talaga akong balak alisin yun sayo. Isa ka sa pinakapinagkakatiwalaan kong agent. Tinetest lang din kita. ] 

"Hahaha. Salamat po."

[ Ganun pa rin yung reward mo pero hahabaan ko na yung mission time mo. Hindi naman na ako nagmamadaling makita ang anak ko atsaka may hawak ka pang mission. May isang taon ka pa. Kapag hindi mo nagawa hm... Let's make it challenging. Penalty for two weeks? ]

Shit. Ang penalty na yun ay binibigay lang sa mga agents na hindi matapos-tapos ang assigned mission nila. Nakakahiya talaga kapag nabigyan ka ng penalty. Malalaman kasi ng buong Panda Company kasama ang lahat ng branches. Anong ginagawa sa penalty? Lilinisin mo lang naman ang buong Panda Company, depende sa branch mo siyempre at ib-broadcast sa iba pang branches. Kahit na Star Agent ka pa, mawawala yan sa oras na nabigyan ka ng penalty. Marami na ring mga agents ang nabigyan ng penalty pero mostly sakanila nagpakamatay dahil sa hiya. Tanging ang Main Head Officer lang ang nakakapagbigay nito sa mga agents at hindi siya kailanman mabibigyan nito. Kahit pala mga head officers pwedeng mabigyan nito.

"Bring it on. Asahan mo pong matatapos ko ang mission na 'to bago pa matapos ang time na binigay mo sa akin."

[ Palaban. Aasahan ko yan. Ok. Goodbye. ] 

"Goodbye." 

Inend na ni Ms. Theresa ang video call. Pinatay ko agad ang laptop ko at pumunta kay Jerome. Kinatok ko ng malakas yung office niya. Naiinis ako sa ginawa niya.

Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ng pinto ay tinulak ko na siya at sinara ang pinto. Sa lakas ng pagkakatulak ko sakanya natumba siya. 

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" Galit na tanong niya atsaka tumayo.

"ANONG PROBLEMA KO? O BAKA KINALIMUTAN MO NA AGAD YUNG PANGGAGAGONG GINAWA MO SA AKIN?!"

Jerome's POV

Nagulat talaga ako nung biglang sumugod si Peter sa office ko. Anong panggagago ba yung sinasabi niya? Medyo madami na kasi akong nagawa sakanya kaya alin doon?

"BAKIT MO HINILING SA BOSS KO NA GAWIN NA AKONG STAR AGENT?!" Galit na galit niyang tanong. Ah! Wooh. Yan lang pala akala ko naman nalaman na niya yung pinakatatago ko. 

"HINDI KA BA MASAYA? HINDI KA NA MAHIHIRAPAN PA!" Sigaw ko sakanya.

"TANGINA KA BA? WAG MO AKONG IGAYA SAYO O SA IBANG TAO DIYAN SA PALIGID NA MAHILIG  MAGHINTAY NG BIYAYA." Sigaw niya. "AKO YUNG KLASE NG TAO NA MAY PRINSIPYO'T PAGSISIKAP." Alam ko naman yan. "PERO AYOKO YUNG MAY TUMUTULONG SA AKIN DAHIL KAYA KO ANG SARILI KO." Lumapit pa siya sa akin. "Kailanman, hindi ko kakailanganin ng tulong mo."

Kung alam mo lang ang tunay na dahilan kung bakit ko t'o ginagawa. "Alam mo Peter." Sabi ko. "Minsan talaga sa buhay mo kailangan mong gumawa ng bagay na hindi magugustuhan ng isang tao pero ikabubuti naman ng lahat." 

"WALA AONG PAKE. ANG AYOKO LANG YUNG PINAKIKIELAMAN AKO. YUNG PINANGUNGUNAHAN AKO." Galit na galit talaga siya. Paano ko ba papakalmahin "to?

"Wag ka ng magalit. Balang araw maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa yun sayo at baka nga magpasalamat ka pa." Nakangiwing sabi ko sakanya.

"PUTANGINA MO KASI." Sasapakin na niya dapat ako ng---

"AHHH!" May tumili. Galing yung tili na yun sa building din na 'to.

Buti professional si Peter. Marunong siyang paghiwalayin ang trabaho sa personal na buhay. Lumabas na agad kami ni Peter at hinanap kung saan galing yung tili. Nagpunta kami sa lobby at nakita namin na sobrang dami ng agents.

"Sec. Anong nangyayari dito?!" Tanong ko akanya.

"Head officer! Buti nakita kita. Yung isa sa mga accelerated trainee agents mo nagpakamatay."

---

OMO!! SINO KAYA YUN HAHAHAHHAHAHAHAA LOL OKE. FEEDBACKS.

-ANMN

Two Worlds In One Persona: The Cessation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon