Chapter 3

136 15 0
                                    



2 years later

Jill Amble's POV

Dalawang taon na pala ang nakalipas. Hindi pa rin ako umuusad.

Ganito pa rin ang buhay naming magkapatid, pero mas panatag na ako dahil nanatiling na kela Chunkee ang kapatid ko at ako heto pinupursige na lang na makatapos. Kapag may gig sa ibang bar kumakanta ako kahit paano nakakatulong, hindi naman na kasi ako sinuswelduhan ni tita pero libre pa din naman ang pagkain ko sa tanghali at gabi.

Mabuti na lang at scholar ako, sa awa ng Diyos nasa 3rd year College na ako sa kursong Management sa mababang Unibersidad rito sa Sisi Province.

Kahit na hindi natupad ang pangarap ko masaya na rin ako kung nasaan ako ngayon, basta kailangan kong makatapos at makahanap ng magandang trabaho at aalis na kaming magkapatid.

"Jill." untag ni Chunkee.

"Wala kang pasok ngayon?" nandito kasi ako sa bahay nila at sinusundo si Drake na ililibot ko sandali sa park.

"Oo, si Drake ba nandiyan?"

"Ate." biglang tumakbo si Drake para salubungin ako.

"Oh, madapa ka." tapos niyakap ko siya.

"Hay ang sweet niyong magkapatid."

"Sus, inggit ka lang kasi wala kang kapatid haha"

"Uy, wait sama ako."

"Oh sige magbihis ka na do'n." natatawa kong utos.






Maguyod Park

"Wow." parehas kaming nagulat sa naging reaksyon ni Drake.

"Masaya ka ba?" tumango siya at hinila ang kamay namin ni Chunkee at pilit itinuturo ang swing.

Sumakay kami do'n at kitang-kita sa mukha ni Drake at pinaghalong pagkamangha at tuwa. Napahinto naman ako sa pag swing habang pinapanuod siya.

"Oh bakit?" tanong ni Chunkee.

"Masaya ako kapag nakikita ko siyang ganito."

"Ay emotera? Alam mo napalaki mong mabuting tao si Drake katulad mo. Ako mismo ang saksi sa lahat nang hirap mo para lang mabuhay siya,kayo."

"Kahit mamulot pa ako ng basura basta mabuhay lang si Drake, gagawin ko."

"Alam ko Jill, kaya masaya ako kung nasaan ka ngayon. Malapit na tayong magtapos at pangako natin na magtatrabaho tayo sa Maynila hah."

"Oo, at makakaalis na rin kami sa puder ni tita Leilanie."

"Mabuti nga at sa amin nakatira si Drake atleast hindi niya na-aadopt 'yong ugali ng tiyahin mo at ang bruhilda mong pinsan." natawa ako ng mahina sa sinabi ni Chunkee.

"Baliw."


Mayamaya pa ay, dumilim na at umuwi na kami. Dumaan muna kami sa bahay.




"Hoy! Jill!" sinalubong ako ng galit ni tita Leilanie na hindi ko maintindihan kung bakit.

Tinakpan ko ang tainga ni Drake at tiningnan si Chunkee, na-gets niya ang gusto kong iparating na kuhanin muna si Drake at iuwi sa kanila.

"B-----bakit po?"

"Aba at nagtatanong ka pa! Halika nga dito!" sabu-sabunot niya ako sa buhok ko.

"Aray! Tita!" pagdaka ay itinulak niya ako dahilan para mapasaldak ako.

"Iniwanan mo ang pwesto? Maghapon kang naglamyerda!" nanlaki ang aking mga mata sa narinig.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon