Chapter 17

89 9 0
                                    



Isang araw by: Kaye Cal

(c) mj villas
Via Youtube

(c) mj villasVia Youtube

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Kier's POV

Nagbago na 'ko at binago ko ang sarili ko para lang kay Jill, upang masilayan siyang muli. Simula nang umalis siya sa Sisi Province parang nawalan ako ng gana sa lahat, oo aaminin kong gago ako dati pero iba na ngayon at sigurado akong si Jill ang dahilan nang lahat kung bakit naniniwala ako sa salitang "Pag-ibig."

Akala ko hindi ko na siya ulit makikita, nawalan ako ng pag-asa noon pero ngayon na natagpuan ko na siya hindi ko na sasayangin ang bawat oras at araw na malapit siya sa akin.

"Kier?" napaangat ako ng tingin sa bumanggit ng pangalan ko.

"Y----Yen?" halos hindi ko mabigkas ang ngalan niya, kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat at tila hindi makapaniwala. Bigla siyang umatras, dama ko ang takot sa mga kilos niya. "H---Hindi kita sasaktan." akmang hahawakan ko siya.

"Lumayo ka sa 'kin!" tinabig niy ang kamay ko, nanginginig siya.

Pinagsisihan ko kung ano man ang nagawa ko noon sa kaniya, lasing ako at wala sa wisyo saka inudyukan lang ako ni Step na gawin iyon.

"S-----Sorry." bigla naman niya akong sinampal na halos magpangiwi sa bibig ko.

"Kinamumuwian kita! Bakit ba nabubuhay pa sa mundo ang tulad mong isang demonyo!?" punong-puno ng poot at galit ang kaniyang mga mata. "Hindi pa ba sapata na sinira ninyo ako noon? At ngayon ano? Bumabalik ka para gantihan ako dahil sa kaparusahan mo noon!?"

"Hindi ganon Yen, nagbago na ako at pinagsisihan ko na," hindi niya na ako pinatapos magsalita at dumapo ang palad niya sa mukha ko.

"Nagbago? Bakit Kier? No'ng sinira mo nag buhay ko naisip mo ba 'yan? Halos patayin ko na ang sarili ko!" ilang sandali pa ay umiiyak na siya kaya nilapitan ko siya kahit na itinutulak niya ako palayo.

"Patawarin mo sana ako Yen, pinagdusahan ko na 'yon."

"Talaga? Ipinakulong kita noon pero ni kahit kaunti wala kang nalasap na hirap dahil ano? Kasi maimpluwensya ang pamilya mo! Huwag lang masira ang pangalan niyo gagatungan ninyo ng pera ang lahat!" iyak pa rin siya ng iyak.

"Yen,"

"Wala akong pakialam sa 'yo Kier dahil kahit kailan hindi kita naging kaibigan o ano man, pero ikaw itong dahilan kung bakit gabi-gabi naaalala ko 'yong panggagahasa mo sa 'kin! Minsan ayoko ng matulog dahil natatakot ako! Takot ako na baka makita ko nanaman ang mukha mo!"

"Humihingi ako ng tawad, hindi ko sinasadya ang mga nangyari saka ilang taon na ang nakalipas."


"Hindi mo sinadya?" pinagsasampal niya ako. "Hindi mo sinasadya? Gago! Bakit hindi ka pa lumubog sa kinatatayuan mo!" hanggang sa mahuli ko ang kamay niya para patigilin siya. "Bitawan mo 'ko!" pero hindi ko pinansin iyon dahil sa kagustuhan kong patawarin niya ako.


Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon