Chapter 24

88 11 0
                                    

Japan's tour concert

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Japan's tour concert

   Niel's POV

Ang dami nang nangyari, pero sana isa ito sa pagkakataon na pwedeng tumulong kay ate Jill. Ayoko na din siyang makitang umiyak, marahil ay wala na kaming magagawa para magkabalikan sila ni Joao pero sana itong pagpunta namin rito sa Japan ay makatulong ng malaki sa kanila ni Drake para magkita-kita silang pamilya.


"Oh, ano'ng iniisip mo?" tanong ni Chunkee habang inaayos ang kuwelyo ng aking damit.

"Peppa pig, wag na tayong makialam sa relasyon nila Joao at ate Jill."

"So, paninindigan mo talaga ang pagtawag ng peppa pig sa akin huh!? Yabang mo talaga!" umismid siya, tapos hinila ko siya sa braso.

"Op, teka nga lang ang suplada mo! 'Di ba nag-usap tayo dati na tayo ang magiging daan upang magkalapit muli silang dalawa? Dapat wag na tayong makialam kasi may mga sariling desisyon at emosyon sila kaya alam na nila kung ano ang dapat at hindi." patuloy ko.

"Naisip ko na din 'yan Niel, kahit na bestfriend ako ni Jill madalang mag open ng nararamdaman niya sa akin 'yun. Pero dama ko ang bigat na nararamdaman niya, kaso wala akong magawa para pagaanin 'yon dahil alam kong isang tao lang ang makakagawa no'n."

"Kung sino ang nagpabigat siya din ang pwedeng magpagaan."

"Tumpak, Niel. Galing mo may isip ka pala?" nakangisi niyang wika kaya pinitik ko siya sa ilong. "Aray! E kung wakwakin ko 'tong damit mo para wala kang maisuot mamaya sa concert niyo? Yabang nito."

"Ang cute mo, nawawala ang mata mo pag tumatawa pero nanlalaki kapag galit tsk."

"Problema mo ba sa akin?" pumamewang siya, kaya pinisil ko naman siya sa pisngi. "Sobra ka na, nalalamog na ako ng bongga sa 'yo!" inis niyang wika.

"Para kang bata, ang cute mo." hindi ko alam pero lumabas na lang sa bibig ko.

Bigla siyang namula at hindi makatingin sa akin kaya lihim akong natuwa.

"Oh, tapos na hindi na gusot 'yang damit mo. Ford tara na ikaw na magsukat." tawag niya kay Ford na nakatitig sa cellphone nito. "Ford!?" tila nagulat siya sa pagsigaw ni Chunkee.

"Bakit ba?" iritable nitong wika.

"Bakit ba? May problema ba?"

"Chat kasi ng chat 'tong si Raine e."

"Yihiee, ang gwapo mo talaga Ford." ani Chunkee.

"Isa lang ang gusto ko." sambit ni Ford.

"E sorry ka, 'yung taong gusto mo ay lutang ang isip." sabay nguso ni Chunkee sa gawi ni Jill.

"Oy, Chunkee nanahimik ako rito ah."

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon