Joao's POV
Isang buwan na din ang lumipas simula nang mangyari ang mga hindi kanais-nais na sana ay hindi na lamang naganap pero nagpapasalamat ako sa Diyos at maayos na, ngayon naka-schedule na ang operation ni Drake next week pero dapat ay tapos na sabi naman ng doctor niya okay lang dahil bahagyang panahon lang iyon at mabuti naman ang lagay ng bata. Si Jill naman ay nakabalik na sa career niya at sina Step at Yen ay tinanggal na sa grupo nila kaya solo artist na lang si Raine.
Inihanda ko na ang mga gamit ko naka-ligo na din para diretso sa Abc-Xyz bldg.
Akmang lalabas na ako nang biglang may yumakap sa akin.
"Joao..." hindi ko alam pero ako lang ba ang lalaki na kinikilig nang ganito?
"Oh, Jill." niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa buhok.
"Palabas na sana ako tapos kakatukin kita e bigla kang," hindi ko na naituloy ang sasabihin ko bigla niya akong hinalikan sa labi pero mabilis lang kaya hindi ako naka salita kun'di napa-ngiti ako.
"Sobrang thankful ako kasi nandito ka at ayoko ng malayo sa iyo." wika niya saka yumakap ulit.
"Jill, mas thankful ako dahil heto yakap kita muli na dati palagi ko lang hinihiling ito at sana magkaroon ako ng karapatan na ako na lang ang mag-aalaga at magmamahal ulit sa iyo. Mahal kita, mahal na mahal."
"Mahal na mahal din kita Joao."
"Halika na't baka ma-late na tayo." masaya siyang tumango at humawak sa aking kamay.
I've been dreaming of this pero heto at totoo na at nangyayari na dahil bumalik na talaga siya sa akin at sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang dati. Mahal na mahal ko si Jill at kaya kong ipagsigawan iyon sa buong mundo, kahit ano pa ang mangyari hindi ako o kami bibitaw.
May isa pa akong pangarap na sana ay sa pang habang buhay.
"Oh, bakit ka ngumingiting mag-isa?" nasa sasakyan na kami at ako ang ang di-drive.
"Masaya lang ako kasi may isang magandang binibini akong katabi." natawa siya at humilig sa balikat ko.
"Ang aga mo mambola, hindi ko alam pero araw-araw kitang nami-miss."
"Baka ikaw ang nambobola, saan mo napulot iyan Jill?" bahagya akong natawa tapos pinisil niya ang aking pisngi. "Hindi, baka mas malala nga ako lalo na noon halos ikamatay ko ang pagka-miss sa iyo."
"Naku iyan na ang pambobola." tapos ginulo ko nga buhok niya. "Masaya lang ako kasi andito ka."
"Ako din, kung pwede lang magpakasal na tayo ngayon." muli niyang pinisil ang pisngi ko.
"Kasal ka diyan, madami pa tayong dapat gawin."
"Alam ko naman iyon pero darating naman tayo doon 'di ba? Ayoko lang na mawala ka ulit sa akin."
"Hindi na muling manyayari 'yon Joao, kasi babalik at babalik ako kung nasa'n ka."
ABC-XYZ Bldg.
"Ang sweet naman ng couple oh." pang-aasar ni Tony, siniko ko siya ng pabiro sa tiyan saka tumawa.
Dumiretso na kami sa dressing room, hawak ko pa din ang kamay ni Jill na tila ba ayoko ng bumitaw.
"Ano nga pala isusuot mo?" bumitaw si Jill sa kamay ko saka niya ibinaba ang kaniyang bag sa upuan.
"May dala ako dyan saka kung ayaw ni Manager Rick iyon nandyan naman si Chunkee." lumakad siya papunta sa dresser at pumili ng damit.
"Ako na lang pipili, ito maganda saka bagay sa 'yo. Hubarin mo nga ang damit mo." utos niya.
"Jill?" medyo nag-alangan pa ako e siya naman talaga dati ang pumipili ng damit ko noong hindi pa siya artista.
"Joao, wag mo akong tingnan ng ganyan loko ka." tapos lumapit siya.
"Sige hubaran mo na ako." tapos natawa siya bigla niyang isinuklob sa mukha ko iyong hawak niyang damit.
Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pintuan.
"Woah!" gulat na pumasok sila Niel, Ford, Tony at Russell wala pa si Chunkee dahil siya naghatid ngayon kay Drake sa school.
"SPG!" pabirong hiyaw ni Niel.
"Gago!" hinagis ko ang t-shirt ko sa kaniya.
"Jill, bakit ikaw ang nagbibihis kay Joao, hindi na dapat ikaw ang gumagawa niyan kasi may sarili ka na din namang taga pili ng damit mo." wika ni Russell.
"Okay lang medyo maaga pa naman saka nasanay na din kay Joao."
"Naks iba talaga kapag bumabalik." sabat ni Ford.
"Hoy torpe king nagseselos ka ba?" sabay hagalpak ng tawa ni Tony.
"Selos your face gago!" natawa kaming lahat.
"Ay teka may Raine na nga pala siya." hirit pa ni Tony saka sila naghagisan ng damit.
Habang nagkakasiyahan sila ay hinila ko si Jill palabas.
"Joao, saan mo ba ako dadalhin?" hawak ko pa din ang kamay niya.
"Basta." sabi ko na lang.
Pagkarating namin ay saka ko binitawan ang kamay niya at yumakap mula sa likuran niya.
"Secret Garden." mahina niyang wika.
"Hindi mo alam kung gaano mo pinapasaya ang bawat gising ko sa umaga hanggang sa pagtulog." mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya sabay halik sa pisngi niya.
"Ano ba ang ginawa ko para masabi ko sa sarili ko na deserve ko ang lahat nang pagmamahal na ibinibigay mo para sa akin? Ayokong gumising isang umaga na hindi kita masisilayan at ayoko nang matulog na basa ang pisngi dahil sa luha, natatakot ako na baka biglang matapos ito." may pagka-bahala sa kaniyang boses, iniharap ko siya sa 'kin at pinisil ang magkabilang pisngi.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan kasi ako kaya kitang panindigan at ipaglaban, ayoko na ulit makita ang takot at lungkot sa iyo kaya gagawin ko ang lahat manatili lamang ang ngiti diyan sa labi mo." hinalikan ko siya sa noo saka niyakap ulit.
"Kailanman hindi tayo maghihiwalay, kapit kamay na lalaban sa pagsubok at nangangakong walang bibitaw." nagulat pa ako dahil sabay namin iyon binigkas.
"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." ngumiti siya na nagpaliwanag sa kaniyang maamo at magandang mukha.
"Natatandaan mo pa?"
"Kapag dating sa iyo wala akong makakalimutan." this time siya na ang yumakap sa akin.
"I love you." parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
Isang Pangarap (Completed)
Подростковая литература"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo." Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...