"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
You'll be okay by: Michael Schulte (c) KHB via Youtube
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jill Amble's POV
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nabungaran ko si Joao na nakayakap sa akin na mukhang pagod na pagod na din.
Marahan akong bumangon at nagtungo sa bintana, sumilip sa nakasiwang na liwanag na masakit sa mata dahil dama ko ang hapdi nito. Ngunit bakit parating taksil ang luha?
Kapag binabanggit ko ang salitang burol at libing ay halos manginig ang buong kalamnan at pagkatao ko. Noon kasi kapag ganitong umaga hinaahatid ko si Drake sa School tapos lagi siyang masaya.
Lumakad ako papunta kung saan naroon ang mga gamit ng kapatid ko. Napa-ngiti ako nang makita ko ang mga drawing niya. Sana nabuo ko ang pamilya ko kahit kunwari lang para naranasan ni Drake kahit panandalian lang, ngunit nabuo lang ang pangarap ko nang bawian siya ng buhay.
Ang sakit isipin na pupuntahan nila ang kapatid ko kung kailan wala na itong buhay, nagsisikip ang dibdib ko sa sitwasyon dahil hindi ko matanggap na ganito. Pinilit kong maging matapang ngunit pasusukuin ka ng sakit na nararamdaman mo na mismong papatay sa buong pagkatao mo.
Napasandal ako sa pader at napapikit dahil hindi ko talaga makayanan itong sakit na nararamdaman ko na para bang hinihila ka at pinipilipit ang puso mo. Hindi ko pa rin mapigilan ang kusang pag-agos ng aking luha.
"Drake, bumalik ka na pakiusap." paos kong wika. "Nandito na si ate, nakikiusap ako bumalik ka na. Bumalik ka na."
Alam kong kahit ano'ng hiling ko walang Drake na babalik na kahit magalit ako sa buong mundo ay walang mangyayari pero sana pwedeng humiling.
Mayamaya pa at tumunog ang cellphone ko, pinahid ko ang luha at huminga ng malalim bago ko ito sagutin.
"H- - Hello?"
"Ms. Amble? Maaari po ba kayong pumunta rito sa Premiere Hospital?" doon inoperahan si Drake at pinatay. Tila piniga ako nang narinig ko iyon.
"Bakit po?"
"Bago po operhan si Drake ay humiling siya na kung pwede na pagtapos ng operasyon ay ibigay sa inyo ang papel."
"Papel? Sige po pupunta ako." iyon lang at ibinaba ko na.
Nag toothbrush lang ako at nagsuot ng jacket saka daling lumabas at pumara ng taxi. Malapit lang naman ang Hospital kaya ilang minuto pa ay narating ko iyon kaagad.
Premiere Hospital
Nagtungo ako sa information at parating pa lang ako ay sinalubong na ako ng isa sa mga nurse.
"Ms. Jill Amble?" tumango ako, sabay abot ng papel. Ngunit bago ko iyon binuksan ay nakiusap ako na kung maaari dalhin ako kung saan silid si Drake noon kung saan siya pinatay ng walang awa.
Nasa harapan ako ng pinto ngunit hirap akong ihakbang ang aking mga paa.
"Ms. Amble, sasamahan ko po kayo."
"Salamat, pero kaya ko na ito." ngumiti at tumango ang nurse saka niya ako iniwanan.
Marahan kong binuksan ang pintuan, maayos na ang lahat. Lumapit ako sa higaan niya at marahang hinaplos iyon, napayuko ako at napahawak sa aking dibidib na tila naninikip dahilan na pag hirap ng paghinga ko.
"D- - - Drake." binuksan ko ang papel.
Unang bumungad ang drawing na isang babae na kumakanta, simpleng drawing pero maiintindihan mo. At sa ibaba nito ay nakasulat. "Ate, I love you."
"Jusko, Drake."
Mayamaya pa ay nagbukas ang pinto, paglingon ko ay hindi ko inaasahan. "Y- - Yen?"
"Jill, maaari ba tayong mag-usap?" mahina niyang wika. Pinahiran ko muna ang luha ko saka ko siya hinarap.
Lumabas kami sa hallway at naupo sa kalapit lang.
"Ano'ng gusto mong pag-usapan?" tila wala na akong lakas magsalita.
"Condolence." panimula niya, tumango lang ako. "Handa akong tumestigo sa Korte." she added.
"Bakit?"
"Noong araw na sinabi ng tita Leilanie mo na siya na ang bahala gumawa ng paraan para makaganti sa iyo dahil nga sa pagkawala ng career namin ni Step. Sa akin ay wala na iyon ngunit no'ng araw na 'yon sinabi ko na babawiin ko si Joao sa 'yo at maraming sulsol na sinabi si Step sa akin kaya napuno ng galit ang puso ko. Lahat nang iyon ay pinagsisisihan ko Jill, patawarin mo sana ako." hinawakan niya ang kamay ko ngunit binawi ko iyon agad.
"Bakit humantong sa ganito? Kung ako ang pakay ninyo sana ako na lang ang pinatay kasi hindi mo alam Yen kung gaano ako namamatay sa pagkawala ng kapatid ko at alam mo 'yan! Hindi ko din alam kung bakit tayo umabot sa ganito Yen, siguro ay may kasalanan din ako pero hindi sapat na dahilan iyon upang pagbuntungan si Drake! Sana naiintindihan mo ako, ngayon nasa iyo kung tetistigo ka. Ang gusto ko lang ay mabigyan ng hustisya ang ginawa nila sa kapatid ko." akmang tatayo na ako ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Jill," sambit niya sabay patak ng luha niya."
"Wala akong lakas Yen, ayoko nang makarinig ng kahit na ano." sabay bitaw sa kamay niya.
Naka-uwi na ako ng condo, at pagbukas ko dito ay si Joao na hawak ang cellphone na agad din niya nabitawan nang makita ko saka niya ako biglang niyakap.
"Saan ka ba galing? Nag-alala ko sa 'yo." yumakap ako sa kaniya ng mahigpit.
"Joao." sambit ko.
"Saan ka nagpunta? Okay ka lang ba hah? Kumain ka na ba?" tapos hinalik-halikan niya ako sa noo.
"Galing ako sa Hospital, may ibinigay sila sa akin bago daw operahan si Drake ay nakiusap na pagkatapos daw ng operasyon ay ibigay ang papel na ito sa akin." ipinakita ko kay Joao.
"Jill, alam nating lahat na sobrang mahal ka ni Drake at hindi niya gugustuhin na makita kang ganito."
"Nagkita din kami ni Yen kanina." bahagya siyang nagulat.
"Bakit?"
"Humingi ng tawad at sinabi kung paano pinlano ni tita Leilanie ang lahat. Bakit gano'n sa akin sila galit pero bakit ang kapatid ko ang nagdusa? Bakit?" saka ako napaiyak ulit.
"Jill, walang may gusto sa nangyari. Tama na at wag mong pahirapan ang sarili mo pakiusap."
"Joao, paano ako tatayo muli? Natatakot akong harapin ito dahil ang sakit na."
"Hindi ka mag-isa Jill, aalalayan kita. Nandito lang ako pangako. Mahal na mahal kita Jill."
"Mahal na mahal din kita, hindi ko alam kung saan magsisimula kaya salamat ay nandyan ka, kayong lahat na tumulong sa akin."