Chapter 26

97 11 2
                                    


Np: Isang araw by: Kaye Cal

(c) my boss
Via Youtube

(c) my boss Via Youtube

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Step's POV

Wow! Ang tagal kong pingahirapan ang lahat nang ito tapos mapupunta lang sa wala?

Ang pagluhod ni Joao kay Yen, at ang pagsibol ng career ni Jill ay hindi magandang pangyayari para sa akin!

"Anak, bakit?" untag ni mama.

"Bakit? Bakit niyo po ako tinatanong niyan? Nakaksihan niyo kagabi ang mga pangyayari tapos tatanungin niyo ako na parang kalmado ang sitwasyon ko!?" mataas na tono kong wika.

"Aba't kung sumagot ka e ganyan? Hindi mo kasi ginagamit 'yang utak mo!" sabay batok sa akin ng mahina. "Minsan kumain ka ng sandamakmak na pagkain at baka sakaling magkaisip ka!" gigil niyang sambit.

"Gusto ko ba 'to? Kung ginusto ko 'to, edi sana masaya lang ako! Kaso hindi e, hindi mo alam ang pakiramdam ng isang talunan!" sigaw ko na halos mag echo sa buong silid.

"Susuko ka na? Papadala ka na lang sa bugso ng galit mo? Bakit hihilata ka na lang ba at panunuorin si Jill na nagtatagumpay? At unti-unting nakukuha si Joao ni Yen? Ano sumagot ka!"

Pinahid ko ang aking luha, saka tumayo at ipinusod ang buhok ko. "Hindi! Hindi rito magtatapos ang lahat ma! Sisiguraduhin kong gagapang si Jill sa sakit hanggang sa sumuko na siya!" mariin kong sambit.

"Tama 'yan, dahil siya ang nagpahirap ng buhay natin at kung bakit nagalit ang kapatid ko sa akin! Kaya ngayon pa lang gawan mo na ng paraan upang mabura na ang mga hadlang na 'yan!" inikom ko ang aking kamay.

"Marahil ay masaya sila ngayon pero dudugtungan ko naman ng isang malateleserye ang ganap sa buhay nila lalo na ni Jill!" ngumisi lang ako sa harap ni mama at ganon din siya.




**

Nagpasya akong lumabas ng aming hotel upang pumunta kung nasa'n ngayon ang grupo ko.

Habang papalapit ako kela Yen at Raine ay masaya silang nag-uusap. "Congrats pala Yen." bati ko.

Ngumiti siya. "Salamat Step." halata sa kanya ang pagiging masaya.

"Grabe kinilig talaga ako sa ginawa ni Joao, akalain mo ba naman na gagawin niya 'yon? Ikaw na talaga ate Yen." ani Raine.

"Ako din Raine, hanggang ngayon hindi pa din makapaniwala na kami na talaga ng lalaking pangarap ko."

"Pangarap mo?" singit ko.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon