Chapter 33

65 5 0
                                    


Kier's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kier's POV

ABC-XYZ Bldg.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan, kadarating ko lang galing nang Japan na dapat ay sabay kami ni Jill pabalik dito sa Pilipinas pero nauna na siya at naintindihan ko iyon.

Nasa hallway pa lamang ako at nakasalubong ko na sila Joao at Yen na hawak pa na naglalakad. Teka ano'ng nangyari?

Huminto ako at tinawag ko, "Joao." lumingon siya ta humarap sa akin.

"Bakit pare? Hinahanap mo ba si Jill?" kalamado siya na tila wala lang.

"H- - - Hindi, pwede ba kitang makausap?" tumingin muna siya kay Yen na tila umaarte na nanginginig sa takot.

"Sige magkita tayo sa labas ihahatid ko lang si Yen sa dressing room nila." mayroong gigil sa pagsasalita niya ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Hinayaan ko siyang ihatid si Yen at naghintay ako kung saan ang usapan.





Mga ilang minuto pa at nakita ko siyang parating. Akmang magsasalita pa lang ako ay sinapak na niya ako ng dalawang beses dahilan upang mapadausdos ako sa semento ngunit hindi ako lumaban.

"Gago ka Kier! Ikaw ang dahilan kung bakit hindi makalimutan ni Yen ang nangyari sa kaniya noon, ginahasa mo siya nang walang laban!" galit na galit ulit akong sinuntok ni Joao sa mukha. "Ano? Lumaban ka ng patas!" tumawa ako ng mahina, hinintay ko siyang kumalma ng bahagya bago ako tumayo.

"Gusto kitang kausapin tungkol kay Jill." kalmado pa rin ako kahit duguan ang mukha ko.

"Subukan mong galawin si Jill at hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin!" banta niya.

"Bakit? Ano ba ang sinabi sa iyo ni Yen? na ginusto ko ba ang mga nangyari noong college kami? Lahat nang iyon ay si Step ang may pakana dahil mag-bestfriends sila 'di ba? Bakit hindi mo alamin ang bawat panig bago ka gumawa ng eksena?" tinitigan niya ako ng masama, umupo ako sa kalapit na bench at hinimas ang aking panga.

"Sige magsalita ka!" wika ni Joao na tila kumalma nga.

"Noong araw na iyon lasing na lasing ako at ni hindi ko alam na si Yen pala iyong babae. Matagal ko nang pinagsisihan iyon dahil si Step ang may pakana no'n at.,"

"Sa tingin mo naniniwala ako?" hindi na niya ako pinatapos magsalita.

"Hindi ko sinabing maniwala ka, gusto ko lang din na malaman mo na si Jill ang nagligtas ng buhay ni Yen noon nang muntik na siyang tumalon sa school bldg. alam kong malaking lamat ang nagawa ko kay Yen kaya pinagsisishan ko iyon na baka kun'di dahil kay Jill ay patay na siya ngayon." paglalahad ko.

"Si Jill?" tila gulat na gulat si Joao ngunit hindi naman ito talaga ang gusto kong pag-usapan namin.

"Ang gusto ko lang naman pag-usapan natin ay si Jill, simula nang umalis siya nang Japan at bumalik dito para balikan ka." napatingin at nagulat siya sa sinabi ko.

"B- - - Balikan ako? Buong akala ko ay may namuo nang realasyon sa pagitan ninyong dalawa ni Jill." halos hindi siya makapaniwala sa narinig.





**
Flashback


"Jill, please be my girlfriend." tila napawi ang ngiti sa labi niya nang banggitin ko iyon.  Nakaluhod ako sa harapan niya habang hinihintay ang kaniyang sagot.

"Kier, tumayo ka nga dyan at ang daming tao." niyaya niya akong umupo sa di kalayuan.

"Jill, mahal kita noon pa at alam kong alam mo."

"Alam ko iyon Kier, mahal at mahalaga ka sa akin." napa-ngiti ako sa sinabi niya. "Pero bilang kaibigan lang ang kaya kong isukli sa iyo, kasi kahit ano ang gawin ko hindi ko kayang palitan si Joao sa puso ko." dama ko ang gusto niyang ipahiwatig.

"Akala ko kasi kaya kong maging siya."

"Just be yourself Kier hindi mo siya kailangan angatan sa puso ko dahil magkaiba kayong dalawa. Mahalaga ka sa akin Kier, gusto ko lang maging honest sa iyo at maging sa sarili ko dahil ayoko ng magtago at gusto kong sundin ang nasa puso ko masaktan man ako ay ayos lang."

"Mas lalo kitang minamahal Jill at hindi ko kayang pigilan. Pasensya ka na sa akin." hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Hindi mo kailangan humingi ng pasensya nang dahil lamang sa mahal mo ako, alam mo ba na ikaw ang savior ko bukod kay God. Gusto kitang pasalamatan sa lahat at sa pagiging honest mo tungkol sa nangyari sa inyo ni Yen noon, alam ko na hindi mo iyon ginusto at naniniwala ako sa iyo pero wag mong iisipin na dahil do'n kaya hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal mo. Talagang matimbang lang ang nararamdaman ko para kay Joao kaya gusto kong gawin at sundin ang laman ng puso ko." ngumiti siya at napawi ang lungkot sa akin dahil sa ngiting iyon, mabuti siyang tao na kahit ni-reject niya ang nararamdaman ko para sa kaniya ay maayos kong tinanggap at kahit paano hindi ganoon kasakit.

"Jill." sambit ko ngunit tanging mahigpit na yakap ulit ang ginawad niya sa akin upang kumalma ang kalooban ko at dahilan kung bakit mas bumugso ang pagmamahal ko para sa kaniya na itatago ko na lang, para sa akin siya ang nag-iisang babae na hindi ko kailanman makakalimutan.






End of flashback

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" natawa ako ng mahina sa tanong niya, talagang mahal nila ang isa't isa at hindi mapapagkaila iyon.

"Naintindihan ko naman pero bago mo siya puntahan maari ba na ayusin mo ang dapat mong ayusin kung si Jill man ang tunay na laman ng puso mo."

"Huwag mo akong diktahan alam ko ang gagawin ko!" tumalikod na siya, ngumiti ako sa kawalan dahil ganito pala ang nagagawa ng pag-ibig.

Magiging masaya ako kung makikita ko si Jill na masaya sa piling ni Joao dahil nakita at dama ko kung gaano nila pinahahalagahan ang isa't isa. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat ay maayos nila ang kanilang relasyon.




**

Joao's POV

 
Nagmadali akong puntahan si Jill para klaruhin ang lahat-lahat, tila sumisiklab ang puso ko sa tuwa at gusto kong malaman mula sa kaniya na mahal niya ako at hindi kailanman nagbago iyon.

Bago ako makapasok kung saan alam kong naroon si Jill ay may mga taong hindi mapakali kaya una kong nilapitan si Chunkee.

"Sandali, Chunkee. Ano ang nangyayari?"

"Joao, buti dumating ka kasi si Jill wala pa e may guesting siya tapos kanina pa nagwawala ang direktor dahil hindi na air ang dapat ipapalabas ngayon kaya nagpalabas sila ng throwback at dahil doon dumagsa ang basher ng show."

"Paanong nawawala Chunkee?"halos hindi na ako makapag-isip ng sasabihin.

"Kahit saan na alam kong pupuntahan niya ay wala siya, kanina pa namin tinatawagan naka-off ang cellphone niya. Nag-aalala na ako Joao, please tulungan niyo kami baka alam mo kung saan pa siya pwedeng pumunta."

"Sige hahanapin ko siya, bantayan mong mabuti si Drake." tumango lang siya pero halatang kinakabahan.








Binilisan ko ang paglakad, lahat ng dressing room ay tiningnan ko na ngunit wala siya.  Halos ikutin ko na ang buong building pero wala siya, inulit ko siyang tawagan pero wala.

Pakiramdam ko sobrang tanga ko na itinext ko siya ng "Sorry." hindi ko dapat ginawa iyon baka dahil do'n kaya siya ganito.

Mababaliw ako kapag nawala pa ang pag-asa na mayroon ako ngayon. I need to find her para sabihin ang lahat nang nararamdaman ko para sa kaniya na walang nagbago saka ko na iisipin si Yen kapag nahanap ko na si Jill.

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon