Chapter 1

247 16 0
                                    







Jill Amble's POV

*FLASHBACK*

      "Wuhoooo graduate na tayo!" iwinagayway nila Niel at Russel ang diploma nila.

Lahat kami hindi makapaniwala na graduate na kami ng high school, malungkot man dahil kanya-kanya na ng landas na tatahakin ang karamihan ngunit kami nila Joao, Niel, Russel,Tony, at Ford ay ipagpapatuloy ang pangarap na maging isang banda.

Isang magandang balita ang bumungad sa amin kahapon, nabigyan kami ng pagkakataon na mag audition sa Abc-Xyz isa sa pinaka sikat na tv network sa buong Pilipinas. Kaya todo practice kaming anim.

Ang papalarin manalo ay maaaring sumikat sa buong mundo at makikilala ng lubos, at sampung milyon ang premyo pwera pa ang contract.

"Jill, excited na ako next week. Pupunta ako sa bahay ninyo mamaya ah." biglang akbay ni Joao sa 'kin.

"Oo naman, congrats sa atin." tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you Jill."

"Mahal din kita Joao."

Kinuha ni Joao ang isang kamay ko at ipinatong sa kaliwang dibdib niya na ikinagulat ko.

"Naririnig mo ba? Kasi bawat tibok nito, ikaw lang." hindi ko maiwasang mapa-ngiti.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang tumulo ang luha ko.

"Joao." tanging sambit ko.

"Kailanman hindi tayo maghihiwalay, kapit kamay na lalaban sa pagsubok at nangangakong walang bibitaw." dagdag pa niya habang dinig ko ang malakas na pag-tibok ng puso niya.

"Pangako, tutuparin natin ang lahat ng pangarap natin at hindi kailanman bibitaw. Sabay natin 'tong aabutin ng hawak kamay." bigla niya akong niyakap.

Tatlong taon na kami, at ni minsan hindi nabawasan ang pagmamahal na iniaalay namin para sa isa't isa.

"Oy, ikakasal na ba kayong dalawa?" biglang lapit nila Ford sa amin.

Kumalas ako ng yakap at nakipag apir sa kanila.

"Bugok hindi, basta guys iisa lang ang goal natin. Mayroon pa tayong isang linggo para makapag practice." paalala ni Joao.

"Oo tuloy na 'to." sagot ni Ford at Russel.

"Niel, ang kulit mo. Hindi pa ako pwedeng mag boyfriend." angal ni Chunkee ang bestfriend ko.

Napalingon naman kaming lahat sa dalawa.

"Naku Chunkee kapag sikat na 'yan baka habulin mo?" natatawang sabi ni Tony.

"Weh, kailan?"

"Ano ka ba Chunkee malapit na 'yon." sabi ko.

"Hay Jill sige na nga, basta galingan niyo sa audition hah. Susuportahan ko kayo at isasama ko si Drake ang kapatid mo."

Lumapit ako kay Chunkee, iniwan ko muna sila Joao.

"Chunks, wala kasing mag-aalaga kay Drake baka pwedeng ikaw na muna."

"Ano ka ba Jill, kahit hindi mo sabihin gagawin ko 'yon. Alam ko naman ang sitwsayon ninyong magkapatid e saka hindi naman talaga maaasahan 'yong tiyahin at pinsan mo." hinawakan ko siya sa kamay at marahang pinisil 'to.

"Paano na lang kung wala ka Chunkee? Nagpaalam naman na ako kay tita Leilanie."

"Naku e kahit hindi ka magpaaalam do'n wala namang pakialam 'yung hinayupak mong tiyahin sa inyo."

Isang Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon