"Malunod man ako sa tubig, masunog man ako sa ilalim ng araw o tangayin man ng hangin. Lagi mong tatandaan Jill Amble na kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa 'yo."
Walang araw na hindi rumerehistro sa isipan ni Jill ang mga katagang bi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ford's POV
Saktong paglabas ko ng Abc-Xyz Bldg. biglang bumuhos ang malakas na ulan, nahuli kasi akong umuwi dahil may tinapos pa ako. Wala akong dalang sasakyan dahil kalimitan sinsundo lang kami ng van.
Akmang susugurin ko na ang ulan biglang may humawak sa braso ko at pinayungan ako. "R---Raine?" gulat kong sambit saka naman siya ngumiti.
"Sumabay ka na sa akin dala ko ang kotse ko saka mahirap sumakay ng taxi tapos delikado baka pagkaguluhan ka pa." ani Raine.
Nag-isip pa ako dahil ayoko talagang magkaroon ng utang na loob lalo na pagdating rito kay Raine. "Okay lang ako." sagot ko.
"Ayon sa balita hanggang madaling araw ang ulan at lakas ng hangin, para makapag-pahinga ka agad." dama ko ang pag-aalala niya.
"Sige." tipid kong sagot, bigla siyang natuwa at walang ano-ano ay binuksan niya ang pintuan ng sasakyan.
"Hop in." wika niya, sumakay na lang ako.
Habang binabaybay namin ang daan nagpatugtog siya ng love songs na talaga namang paborito ko rin lalo na kapag ganitong umuulan. "Teka, 'di ba malapit lang ang condo mo? Bakit nagdadala ka pa ng sasakyan mo?"
"Ahh, in case of emergency tulad nito ang lakas ng ulan."
"Ganoon ba."
Tahimik kaming nakikinig sa music nang bigla siyang huminto at may mga pulis na kumatok sa salamin ng sasakyan.
"Bawal po dumaan dahil may landslide delikado po, mag u-turn na lang po kayo." babala ng mga pulis.
"Ano? Hindi pwede! Kailangan kong umuwi!" inis kong sambit.
"Pasensya na po Sir delikado po." ulit ng pulis, bumuntong-hininga na lang ako.
"May isang kwarto pa sa bahay pwede ka naman do'n hangga't hindi pa maayos ang daan tapos ako na lang ang tatawag kay Manager Rick para I-report ang nangyari."
"Hindi!" nagmatigas pa rin ako.
"Huwag kang mag-alala Ford walang ibig sabihin 'to, masyado nang malakas ang ulan." nag nod na lang ako saka siya nag u-turn pauwi sa kanila.
Nakarating na kami sa condo niya at ingat na ingat ako na baka may makakilala sa akin at baka nasa headlines na kami bukas.
"Safe rito kaya wag ka ng magtago." natawa siya ng mahina.
"Wala akong sinabi at hindi ako nagtatago." kahit sungitan ko man nang ilang beses 'tong si Raine parati lang naka-ngiti, wala ba siyang emosyon kun'di iyon lang?
Pagbukas niya ng pinto at pinatuloy niya ako, umupo ako sa sofa at siya ay dumiretso sa kwarto niya na tila may kinuha. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang towel at t-shirt at iniabot iyon sa akin.
"Magpalit ka baka magkasakit ka niyan." kinuha ko naman iyon dahil basa naman talaga ang damit ko. Tumalikod siya at nagtungo yata sa kitchen.
Pagkabihis ko sinundan ko siya at nadatnang naghahain.
"Gutom ka na ba? Upo ka na kukuha lang ako ng plato." umupo naman ako, dahil gutom na ako talaga.
"Bakit ikaw lang ang 'andito? Nasa'n pala ang parents mo?" sunod-sunod kong tanong, umupo na siya pero ngumiti ulit siya bago sumagot.
"Wala na akong pamilya." sagot niya ngunit nanatili siyang naka-ngiti at heto nilalagyan pa ng kanin ang plato ko. Bigla akong na-curious tungkol sa kanya kaya naman nagtanong ulit ako.
"Wala? Bakit?" muling ngiti ang kanyang isinagot kaya mas gusto kong malaman kung sino ba talaga siya.
Matapos kumain ay tumambay ako sa living room kung saan ay inaayos ni Raine ang mga cd.
"Mag-isa ka lang ba talaga?" curious talaga ko kaya ako na ulit itong nagtanong.
Umupo siya sa sofa at umayos.
"Patay na sila." mahina niyang sagot, tila umurong naman ang aking dila sa narinig.
"Sorry." sabay yuko.
"Alam mo ba na walong beses akong nag-audition sa Abc-Xyz?" she laugh. Tiningnan ko siya ng patanong. "Pangarap nila mommy at daddy na maging artista ako syempre gano'n din ako kasi pamilya namin mahilig kumanta at sumayaw. At alam mo ba na ikaw ang pinaka dahilan kung bakit ginusto kong maging part ng APGirls? Gustong-gusto talaga kita no'n.
"Ano'ng nangyari? D----Dahil sa akin?"tila humugot siya ng malalim bago ulit magkuwento.
"Isang taon pa lamang ang nakakalipas simula nang mawala sila. Pauwi na sila dito sa Pilipinas at sobrang saya ko kasi finally mabubuo ulit kami at hindi na sila babalik sa Barcelona para magtrabaho upang maibigay lang ang mga pangangailangan ko. Sabi nila may ipon na sila para magsimula o magbukas ng business, ako naman parang sasabog sa galak ang puso ko no'ng panahon na iyon." bigla siyang huminto at ngumiti ng pilit.
"Okay lang kung hindi mo na kayang ituloy."
"Bumagsak ang eroplanong kanilang sinasakyan at nasa bente ang binawian ng buhay at ang masaklap ay kasama sila do'n." bilib ako sa tapang niya kasi napipigil niyang ilabas ang sakit.
"Raine, ayos lang ang umiyak." umiling siya.
"No! Ayokong makita nila akong umiyak. Tama na siguro ang panahon na halos ikamatay ko ang araw na 'yon, gusto kong makita nila ako na maayos na ako kasi pakiramdam ko nandito lang sila palagi sa tabi ko." ngumiti ulit siya, parang may nagtutulak sa akin na yakapin siya ngunit pinigil ko ang sarili.
Naalala ko ang laging sinasabi ng lola ko noon, na wag manghusga ng kapwa lalo na at hindi pa ito kilala. Sa tingin ko ay ginawa ko kay Raine iyon at aminado akong mali ang husgahan siya.
"Gusto kong humingi ng tawad sa mga ginagawa kong pag-iwas at hindi pagpansin sa feelings mo."
"Wala iyon Ford." natawa siya.
"Ganyan ka ba talaga?" kunot noo kong tanong.
"Anong ganyan?"
"Sanay kang tawanan ang mga bagay kahit nakakasakit na ito sa 'yo."
"Ganoon lang naman dapat 'di ba? Turo ni daddy sa akin na ngitian ko lang daw ang problema o kahit ano pa ang nakasakit sa akin dahil lilipas din daw iyon. Simula no'n tumatak na sa akin 'yon kaya nasanay na din ako, siguro ngayon iiyak ako pero bukas kaya ko nang ngitian ang lahat."
"Sana lahat kagaya mo."
"Bakit? Mahal mo talaga si Jill 'no?" nagulat ako sa tanong niya.
"Jill?"
"Alam mo ba na sobra ko siyang hinahangaan?" pag-iiba niya ng topic. "Hindi lang sa pagkanta niya kun'di dahil sa ugali niyang kahit sino man ay magugustuhan, kaya nga naintindihan ko kung bakit ang daming may gusto sa kanya kasi sobrang bait na tao parang bonus na lang talaga ang kagandahan niya." gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya, hindi dahil sa pagpuri niya kay Jill kun'di dahil sa sinseridad niyang pagsasalita.
"Tanggap kong kaibigan lang ako para kay Jill at siguro masasabi kong masaya na ako do'n. Ang hiling ko lang na sana malagpasan pa niya kung ano man ang pagsubok na darating."
"Alam mo Ford mabuti kang kaibigan at thankful ako at nakilala kita at ngayon ay nakakausap na." she said happily kaya ngumiti ako at inilahad ang aking kamay na alam kong ikinagulat niya.
"Friends?" mas lumiwanag ang ngiti niya sa kanyang labi na nagpalambot sa akin lalo na nang abutin niya ang kamay ko.
Sa tingin ko walang masama kung kikilalanin ko siya dahan-dahan at mag-uumpisa bilang magkaibigan.